You are on page 1of 6

BANGHAY-ARALIN SA HEALTH IV

I. Layunin

Natutukoy ang mga sakit na dala ng virus.

II. Paksang Aralin

Paksa : Mga Sakit na Dala ng Virus

Mga Kagamitan : Powerpoint Presentation, video clip, pentel pen

Sanggunian : CG (Health) p. 26 H4DD-IIb-9

Pagpapahalaga: Naiiwasan ang paglaganap ng sakit

(Agham)

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pagganyak
Magpakita ng isang video na
pinamagatang “ The Story of Cholera”.

Mga bata, ano ang masasabi ninyo tungkol Ang amin pong napanood ay tungkol sa
sa inyong napanood? kung saan nagsimula at paano lumaganap
ang sakit na cholera.

Magaling! Ano sa tingin nyo ang dahilan -Dahil po sa maruruming bagay na


kung bakit lumaganap ang mga sakit na ito? nahahawakan natin.
Ang mga bagay po na ito ay maaaring
kontaminado ng virus.
Tama. Ngayon, hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat.

B. Pangkatang Gawain
-Pumili ng lider, tagasulat, at tagapag-ulat.
Bago natin simulant, ano ang ating mga -Iwasang makaistorbo sa ibang pangkat.
dapat tandaan sa pagkakaroon ng -Makibahagi at magbigay ng sariling opinion
pangkatang .gawain? ng may paggalang.
Tama! Ngayon, nais kong ipaalala na -Iwasang ang pag-iingay.
basahin munang maigi ang panuto bago
magsimula.

Pangkat A
Panuto : Gamit ang Semantic Web, magtala
ng mga alam nyong sakit na dulot ng Virus
Pangkat B.
Panuto : Gamit ang Semantic Web, piliin sa
mga larawan ang mga sakit na dulot ng virus

C. Paglalahad ng Paksa

Balikan muna natin ang inyong ginawa sa


-Sipon
pangkatang Gawain.
-Ubo
Basahin natin ang mga naitala ng Unang
-Tuberkulosis
Pangkat.
-Dengue Fever
-Leptospirosis

Ang mga ito ay mga sakit na dulot ng virus.


Ano ang napansin nyo?

Tingnan naman ang ginawa ng pangalawang


Ang mga ito ay larawan na nagpapakita ng
pangkat. Ano ang mnapansin nyo?
mga sakit na dulot ng virus.
D. Pagtatalakay
Ang inyong mga sagot ay tama, ang aralin Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa mga
natin ngayon ay? sakit na dala ng Virus.

Tumpak! Tatalakayin natin ngayon ang mga


sakit na dala ng virus.

Ano ang ibig sabihin ng salitang “virus”? Ang virus ay pinakamaliit na mikrobyo na
makikita lamang sa pamamagitan ng
mikroskopyo.
Nagiging sanhi ito ng ubo, trangkaso,
Tama. tuberculosis at iba pa.
Anong mga sakit ang dulot ng virus?

Mga Sakit na dala ng Virus


1. Sipon – pumapasok sa ilong ang virus sa
pamamagitan ng paglanghap, pag ubo,
pagbahing, direktang kontak sa mga gamit
na kontaminado ng virus.

2. Ubo – Sanhi ng bacteria. Ito ay


impeksyong dinadaanan ng hangin sa
paghinga.

3. Trangkaso – Impeksiyon ng sistemang


paghinga na sanhi ng Hemophilus Influenza
Virus. Nasasagap ang virus mula sa droplets
na lumalabas sa bibig o ilong ng isang taong

may trangkaso kung siya’y nakikipag usap,


umuubo, o humahatsing
4. Tuberkulosis – Isang impeksiyon sanhi ng
mikrobyong Myobacterium tuberculosis.
Nahahawa ang isang bata kung malalanghap
niya ang droplets mula sataong may TBkung
siya’y nagsasalita, umuubo o bumabahing.
5. Dengue Fever – Impeksiyon dahil sa kagat
ng lamok na may dalang dengue virus.
6. Leptospirosis – pumapasok sa balat o
sugat ang bacteria mula sa tubig baha kung
saan may ihi ito ng daga.

Naranasan mo na baa ng mga sakit na ating


tinalakay? (Mag-aaral A)
(Mag-aaral B)
Bilang isang mag-aaral, paano mo
maiiwasan ang mga sakit na dulot ng virus? MMaaari natin itong iwasan ng maaagap
kung malinis tayo sa ating pangangatawan,
may malakas na resistensya at pag-iingat
upang hindi mahawa ng mga taong may
sakit.
Pangkatang Gawain:
Ngayon, magkakaroon tayo ng pangkat
Gawain upang malaman kung may
natutunan ba kayo sa ating pinag-aralan
ngayon.

Pangkatang Gawain
Panuto : Tukuyin kung anong sakit na dala
ng virus ang tinutukoy sa pahayag.
___________1. Impeksiyon ng sistemang
paghinga na sanhi ng Hemophilus Influenza
Virus.
____________2. Impeksiyon dahil sa kagat
ng lamok na may dalang dengue virus.

___________3. Pumapasok sa balat o sugat


ang bacteria mula sa tubig baha kung saan
may ihi ito ng daga.
____________4. Pumapasok sa ilong ang
virus sa pamamagitan ng paglanghap, pag
ubo, pagbahing, direktang kontak sa mga
gamit na kontaminado ng virus.

D. Paglalahat

Ano ang mga sakit na dulot na virus? --Sipon


-Ubo
-Tuberkulosis
-Dengue Fever
-Leptospirosis

Anong sakit kapag pumapasok sa ilong ang -Sipon


virus sa pamamagitan ng paglanghap, pag
ubo, pagbahing, direktang kontak sa mga
gamit na kontaminado ng virus.
Kapag pumapasok sa balat o sugat ang -Leptospirosis
bacteria mula sa tubig baha kung saan may
ihi ito ng daga.

Impeksiyon dahil sa kagat ng lamok na may -Dengue Virus


dalang dengue virus.

Paano mo ito maiiwasan?


IV. Pagtataya
Tukuyin ang sakit na makikita sa Hanay A at
hanapin ang kahulugan nito sa Hanay B.
Titik lamang ang isulat.

Hanay A
1.Sipon
2. Ubo
3. Tuberkulosis
4. Dengue Fever
5. Leptospirosis

Hanay B
A. Sanhi ng bacteria. Ito ay impeksyong
dinadaanan ng hangin sa paghinga.
B. Impeksiyon dahil sa kagat ng lamok na
may dalang dengue virus.
C. Pumapasok sa balat o sugat ang bacteria
mula sa tubig baha kung saan may ihi ito ng
daga.
D. Pumapasok sa ilong ang virus sa
pamamagitan ng paglanghap, pag ubo,
pagbahing, direktang kontak sa mga gamit
na kontaminado ng virus.
E. Isang impeksiyon sanhi ng mikrobyong
Myobacterium tuberculosis.

V. Takdang Aralin :
Magtala ng limang pamamaraan upang
maiwasan ang mga sakit na dulot ng virus.
Isulat ito sa kwaderno.

You might also like