You are on page 1of 2

Patuloy na pinipinsala ng nCoV ang kalusugan ng ilang apektado sa China,

May mga kaso na rin ng nCoV sa iba’t ibang bansa sa mundo tulad ng Australia, Japan,
Canada, UAE, Malaysia, Vietnam, South Korea, France, at maging ang Pilipinas. Dahil
sa patuloy na pagkalat ng virus, nagdulot ito ng takot sa iba’t ibang bansa.
Ipinatutupad ngayon ang travel ban patungo at mula sa China upang hindi na kumalat
pa ang virus. Mahigpit din ang seguridad sa mga paliparan upang masigurong walang
may dala ng virus na makapapasok.
Pinipinsala ng nCoV ang immune system ng isang tao at nagdudulot ng sakit tulad ng
lagnat, pag-ubo, sipon, hirap sa paghinga, na kalaunan ay nauuwi sa kamatayan.
Patuloy na humahanap ng lunas ang mga eksperto para sa nasabing sakit na patuloy
na yumayanig sa daigdig.
Sa yugtong ito ng pandemya, kritikal na hindi dapat mawala ang pagsulong na nakamit
natin sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19. Tumigil na ang pagtaas ng mga
naospital, ngunit mas marami pa ang kinakailangang gawin upang ligtas na mabuksan
muli ang ating mga komunidad.
Ang pandaigdigang pandemya ng COVID-19 ay nasa maagang yugto pa. Madaling
kumakalat ang virus, ang kapasidad ng pagsusuri ay limitado at lumalawak nang
dahan-dahan, at ang pagbuo ng bakuna ay nagsisimula pa lamang. Kung masyadong
mabilis nating ipaluwag ang mga paghihigpit, ang potensyal ng pagpapalawak ng
pagkalat ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kalusugan ng ating mga
residente pati na rin ang ekonomiya.
Sa ilalim ng bagong Kautusan, maaaring magpatuloy ang lahat ng mga proyekto sa
konstruksyon, kung sumunod sila sa Protokol ng Kaligtasan sa Proyekto na
Konstruksyon na inilabas bilang bahagi ng Kautusan. (Pinapalitan nitong protokol ang
COVID-19 Patnubay ng Kaligtasan sa Lugar ng Konstruksyon na naaangkop sa
Naunang Kautusan).
Pinahihintulutan na magpatuloy ang mga transaksyon ng real estate na komersyal at
pati na rin ng mga tirahan, ngunit may patuloy na paghihigpit sa mga personal na
pagtingin at appointment.
Sa ilalim ng bagong Kautusan, ang mga pag-aalaga ng bata, mga summer camp, mga
paaralan, at iba pang mga programang pang-edukasyon at libangan ay maaaring
magpatakbo upang magbigay ng pangangalaga at pangangasiwa para sa mga bata
upang maaaring ang lahat ng mga tao na nagtatrabaho sa mga mahahalagang negosyo
o mga negosyo sa labas o gumagawa ng pinakamababang pangunahing operasyon ay
maka-access sa pangangalaga ng bata. Ang lahat ng mga operasyong ito ay dapat
sumunod sa mga paghihigpit na tinukoy sa Kautusan, kasama na ang mga ito ay
maisasagawa sa matatag na grupo ng 12 o mas kaunting mga bata. Ang kategoryang
ito ay napapailalim din sa Kautusan na Manatili sa Bahay ng Estado, ngunit susuriin ng
Opisyal ng Kalusugan kung luluwagan pa ang paghihigpit sa  pangangalaga sa bata na
alinsunod sa Estado at kung ang pagkalat ng COVID-19 ay mas lalong kontrolado na.
Kung ang lahat nang ito ay susundin natin ay mabilis tayong a-ahon sa pandemyang
nag patigil sa ating normal na pamumuhay, kaya naman maki isa tayo sa gobyerno at
wag na tayong maging tigas ulo dahil lahat nang ito ay para din sa atin.

You might also like