You are on page 1of 2

Pildoras (Pills)

Proseso: Kailangang uminom ang babae ng isang kontraseptibong tableta araw-araw. Kabutihan: Ligtas at mabisa kung tama ang

paggamit. Ginagawang regular ang regla kung ito ay hindi regular. Kakulangan: Hindi maaaring gamitin ng mga babaing tuloy-tuloy ang pagpapasuso. Hindi maaari sa mga babaing may diabetes, sakit sa puso, bato, atay, at mataas ang presyon ng dugo. Hindi ipinapayo sa mga babaing mas bata pa sa 18 anyos at mga babaing higit na sa 35 anyos.

Pagpapainiksyon ng isang dosis ng kontraseptibo kada tatlong buwan upang pigilan ang pagbubuntis. Kabutihan: Mabisa, simple, at napakaginhawa Nagtatagal ng 3 buwan ang isang iniksyon Kakulangan: Pagkakaroon ng bahagyang bahid ng dugo kahit hindi pa panahon ng pagreregla.

Proseso: Pagtala ng temperatura ng katawan pagkagising sa umaga,bago simulan ang anumang gawain sa parehong oras araw-araw upang malaman kung hinog (fertile) o hindi-hinog (infertile) ang isang babae. Isang uri ito ng natural na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.

Intra-Uterine Device (IUD)


Proseso: Gumagamit ng isang maliit at malambot na bagay na yari sa plastic, na ipinapasok sa matris ng babae upang pigilang magbuntis. Kabutihan: Maaaring alisin kung naisin na ng babae ang magbuntis Ligtas at mabisa Maginhawa at hindi nakakasagabal sa pagtatalik Kakulangan: Bahagyang hirap pagkatapos maipasok ang IUD Maaaring mahugot.

Mucus/ Ovulation/ Billing


Proseso: Pagmamasid, pagtatala, at pagbibigay-kahulugan sa mga pagbabagong nagaganap sa uhog na nagmumula sa kuwelyo ng matris (cervical mucus) upang malaman ang mga araw na ligtas at di-ligtas para sa pagtatalik. Kabutihan: Walang artipisyal na bagay na ipinapasok sa katawan. Mabisa kung wasto ang paggamit. Isang uri ng natural na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.

Kondom (Condom)

Proseso: Isinusuot ang isang malambot at manipis na gomang supot sa matigas na ari ng lalaki bago makipagtalik. Kabutihan: Ligtas at mabisa kung tama ang pagsuot nito. Nagbibigay-proteksyon laban sa mga sakit at impeksyon na naisasalin sa pamamagitan ng relasyong sekswal. Kakulangan: Maaaring maging sagabal habang nakikipagtalik. Maaaring mapunit o mahugot habang nakikipagtalik, at sa gayon ay papasok din ang semilya sa ari ng babae.

Mga Natural Na Pamamaraan Ng Pagpaplano Ng Pamilya

Withdrawal Method
Ay ang boluntaryong pag-alis ng ari ng lalaki mula sa ari ng babae bago umabot sa climax, na kung

Lactational Amenorrhea Method (LAM)


Proseso: Pagpipigil ng obulasyon ng babae. Upang maging mabisa, dapat mayroon lahat nitong mga sumusunod na kondisyon: 1. Tanging gatas ng ina lamang ang ipinapasuso 2. Hindi pa bumabalik ang regla ng ina 3. Wala pang anim na buwan ang sanggol. Isang uri ito ng natural na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.

Iniksyon
Proseso: Pagpapainiksyon ng isang dosis ng kontraseptibo kada tatlong buwan upang pigilan ang pagbubuntis.

Basal Body Temperature

Paraang Kalendaryo (Calendar Rhythm)

saan maglalabas na ng semilya ang lalaki, habang nakikipagtalik.

Proseso: Pag-alam sa mga araw na ligtas at di-ligtas para sa pagtatalik, batay sa mga nakaraang pagreregla. Kabutihan: Walang artipisyal na bagay na ipinapasok sa katawan Kakulangan: Hindi ipinapayo sa mga babaing hindi regular ang regla. Ang pagkukwenta sa mga araw ay maaaring maging abala para sa ilang babae.

Kabutihan: Ligtas, mabisa, at permanenteng paraan ng kontrasepsyon para sa mga lalaki. Nangangailangan lamang ng isang simpleng operasyon na maaaring isagawa sa klinika. Hindi nakakaapekto sa pakikipagtalik at sa pagkalalaki ni mister. Kakulangan: Pangangailangang umiwas muna sa mabigat na trabaho mga 3 araw pagkatapos ng operasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya, kumonsulta sa inyong doktor, nars, o kumadrona sa klinika, health center o ospital na pinakamalapit sa inyo.

Pagtatali Sa Babae (Tubal Ligation)


Proseso: Pinuputol at tinatalian ang dalawang anurang-itlog (fallopian tubes) ng babae. Kabutihan: Ligtas, mabisa, at permanenteng paraan ng kontrasepsyon na nangangailangan ng simpleng operasyon. Hindi nakakaapekto sa pakikipagtalik kay mister. Naaayon para sa mga babaeng ayaw nang magkaanak o kuntento na sa bilang ng kanyang anak. Kakulangan: Bahagyang hirap na mararanasan; kailangang magpahinga muna sa mabigat na trabaho ng 2 o 3 araw pagkatapos ng operasyon

Pagtatali Sa Lalaki (Vasectomy)

Proseso: Pinuputol at tinatalian ang anurang-punlay (vas deferens) na dinadaaanan ng punlay (sperm) ng lalaki.

You might also like