You are on page 1of 36

YOUR GUIDE TO HEALTH AND SAFETY IN THE WORKPLACE

TAGALOG

Ang inyong gabay sa Kalusugan at Kaligtasan sa lugarpagawaan

ALSO AVAILABLE IN ARABIC, CHINESE, CROATIAN, GREEK, ITALIAN, MALTESE, SERBIAN, SPANISH AND VIETNAMESE

GUIDE

JUNE 1997

This booklet was developed by Western Sydney Area Service in collaboration with: WorkCover New South Wales Labor Council of NSW Workers Health Centre Australian Business Limited Ethic Communities Council of NSW

Disclaimer
This publication may contain occupational health and safety and workers compensation information. It may include some of your obligations under the various legislations that WorkCover NSW administers. To ensure you comply with your legal obligations you must refer to the appropriate legislation. Information on the latest laws can be checked by visiting the NSW legislation website (www.legislation.nsw.gov.au) or by contacting the free hotline service on 02 9321 3333. This publication does not represent a comprehensive statement of the law as it applies to particular problems or to individuals or as a substitute for legal advice. You should seek independent legal advice if you need assistance on the application of the law to your situation. WorkCover NSW

Ang inyong gabay sa Kalusugan at Kaligtasan sa lugar-pagawaan

Order No. 909 ISBN 978 1 74218 003 8 First published June 1997

Ano ang Kalusugan at Kaligtasan sa Pagtatrabaho (Occupational Health and Safety)?

Ang kalusugan at kaligtasan sa pagtatrabaho o kalusugan at kaligtasan sa lugar-pagawaan ay tungkol sa paghahadlang na magkaroon ng kapinsalaan, masamang karamdaman at magkasakit dahil sa trabaho. Bawat taon sa Australya -M  ay 500 manggagawa ang namamatay dahil sa mga pagkakapinsala sa trabaho -M  ay 2,200 manggagawa ang namamatay dahil sa mga sakit na nakuha sa trabaho tulad ng kanser -I  sa sa 12 manggagawa ang nagkakaroon ng kapinsalaan o masamang karamdaman mula sa trabaho. Ang Occupational Health and Safety Act 1983 (Batas sa Kalusugan at Kaligtasan sa Pagtatrabaho ng 1983) ay isang batas na tumutulong sa pangangalaga ng inyong kalusugan at kaligtasan sa trabaho. Ang inyong taga-empleyo ay kailangang sumunod sa batas na ito. Ang mga pagkapinsala, aksidente at masamang karamdaman ay maaaring mangyari sa trabaho. Karamihan sa mga ito ay maaaring maiwasan. Upang maiwasan ang mga pagkapinsala, aksidente at masamang karamdaman - lahat ng mga nasa trabaho: ikaw, ang inyong mga katrabaho, superbisor at taga-empleyo ay kailangang magtulungan at pag-isipan ang tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho.

Ang mga tungkulin sa kalusugan at kaligtasan sa pagtatrabaho

Ayon sa batas, lahat ay may tungkulin sa kalusugan at kaligtasan sa pagtatrabaho.

Ang taga-empleyo ay dapat:


magkaroon ng ligtas at malusog na lugar-pagawaan kilalanin ang mga problema (mapanganib) sa kaligtasan bawasan ang mga peligro o panganib sa mga manggagawa suportahan ang komite ng kalusugan at kaligtasan sanayin ang mga manggagawa tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa lugar- paggawaan bigyan ang mga manggagawa ng impormasyon tungkol sa kalusugan at kaligtasan magkaroon ng mga ligtas na pamamaraan ng paggawa sa bawat trabaho. kung kinakailangan, bigyan ng mga kagamitang pananggalang ang mga manggagawa

Kayo ay dapat:
magtrabaho ng ligtas sa panganib isipin ang kaligatasan ng katrabaho sabihin ang mga problema sa kalusugan at kaligtasan sa superbisor o sa komite ng kalusugan at kaligtasan tulungan ang mga taga-empleyo sa pagsunod sa mga batas pangkalusugan at kaligtasan gumamit ng mga kagamitang pagsanggalang kung kinakailangan

Ang mga karapatan sa kalusugan at kaligtasan sa pagtatrabaho

Bilang isang manggagawa, mayroon kayong mga karapatan sa kalusugan at kaligtasan. Kasama dito ang karapatan sa: isang ligtas at malusog na lugarpagawaan ligtas na paraan sa pagtatrabaho impormasyon tungkol sa kaligtasan pagsasanay tungkol sa kalusugan at kaligtasan mga kagamitang pangkaligtasan makapagsalita tungkol sa kalusugan at kaligtasan makaboto sa mga miyembro ng komiteng pangkalusugan at kaligtasan makapagliban sa trabaho upang magulat tungkol sa inyong problema sa kalusugan at kaligtasan mapagtanungan ng taga-empleyo tungkol sa inyong mga problema sa kalusugan at kaligtasan

Ayon sa batas, hindi kayo maaaring alisin sa trabaho nang dahil lamang sa pagrereklamo tungkol sa mga bagay pangkalusugan at pangkaligtasan. Kung nag-aalala kayo tungkol dito, tumawag sa WorkCover o sa opisina ng unyon.

Ang inyong komite sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho

Ang komite sa kalusugan at kaligtasan ay nakakatulong na gawing ligtas ang lugarpagawaan. Ang komite ay dapat may mga kinatawan ng taga-empleyo at manggagawa mula sa ibat-ibang sektor ng lugar-pagawaan. Dapat na may kinatawan sa komite mula sa inyong sektor ng pagawaan. Maaari ninyong banggitin sa kanya ang mga problema sa kalusugan at kaligtasan. Ang komite at ang tagapamahala ang siyang maglulutas sa problema.

Dapat ninyong malaman:


kung sino ang nasa komite mula sa inyong sektor ng pagawaan kung nasaan ang mga ulat sa mga miting at nang mabasa ang mga ito. Kung nahihirapan kayong bumasa sa Ingles, magpatulong kayo sa isang katrabahong kawika. kung nag-aalala kayo tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa inyong lugar- pagawaan, sabihin ito sa isang miyembro ng komite. Kung nahihirapan kayong magsalita ng Ingles, magpatulong sa isang katrabahong kawika. Kung walang komite sa inyong lugarpagawaan, magtanong kung sino ang nangangasiwa sa mga usaping pangkaligtasan. Maaaring ito ay ang safety officer (opisyal na pangkaligtasan), nars, kinatawan sa unyon o superbisor.

Pag-uulat tungkol sa mga usaping pangkalusugan at kaligtasan sa trabaho

Lahat ng mga maaaring peligro, pagkapinsala, masamang pakiramdam at aksidente sa lugar-pagawaan ay dapat iulat. Ang imbestigasyon sa aksidente ay tumitingin kung paano nangyari ang aksidente, pagkapinsala o masamang pakiramdam. Ito ay makakatulong upang hindi ito maulit mangyari at maiiwasan ang pagkapinsala o pagkamatay.

Kayo ay dapat:
mag-ulat sa lahat ng mga peligro, aksidente, pagkapinsala, muntiknang pagkapinsala o masamang pakiramdam sa lugar-pagawaan kahit na ang akala mo ay maliit itong bagay. Kung nahihirapan kayong magIngles, magpatulong sa katrabahong kawika o sa kinatawan ng unyon. Magpatingin sa doktor kung kayo ay nagkapinsala o may masamang karamdaman sanhi ng trabaho.

Ano ang isang problema sa kalusugan at kaligtasan?

Ang problema sa kalusugan at kaligtasan ay anumang nakagagawa ng aksidente, pagkapinsala o masamang karamdaman sa trabaho. Ito a ay kadalasang tinatawag na mga peligro (hazards) sa lugarpagawaan.

Ilang mga karaniwang peligro sa kaligtasan ay:


sirang mga hagdanan, hagdan at kagamitan hindi ligtas at madulas na sahig at tuntungan mga kemikal at produktong kemikal mga makinaryang sira, walang panangga o palyado ang andar mga sunog, saradong daanang pansunog at makipot na daanan mga usok, ingay, yugyog, init, lamig mga tilamsik, tulo at saboy mga problema sa koryente, katulad ng maluwang o masamang koneksyon hindi magandang imbakan at mga masikip na lugar ang mga paraan sa trabahong paulitulit ang paggalaw o matagal na nakatigil sa iisang posisyon.

Upang matiyak na ang lugar-pagawaan ay ligtas, ang mga taga-empleyo at sa tulong ninyo, ay dapat: kilalanin ang mga maaaring peligro sa lugar-pagawaan. tasahin kung paano ito nagiging sanhi ng pagkapinsala, aksidente o masamang pakiramdam at gaano ito kalala. kontrolin ang peligro upang ang lugar- pagawaan ay ligtas, sa pamamagitan ng: 1. pag-aalis nito 2.  ilayo ito sa inyo para mabawasan ang maaaring sakuna 3.  baguhin ang paraan ng iyong paggawa 4.  pagkakaroon ng mga pananggalang na kagamitan laban sa mga natuntunang peligro.

Upang makatulong na mapanatili ang kaligtasan sa lugar-pagawaan

Kayo ay dapat:
maging listo sa mga peligro sa lahat ng oras. iulat ang mga ito sa inyong superbisor, miyembro ng komite sa kalusugan at kaligtasan o ang kinatawan ng unyon

Kung nababahala pa kayo sa peligro, tumawag sa: Pinakamalapit ninyong opisina ng WorkCover o ang unyon (kahit hindi kayo kasali) na silang makapagpapadala ng inspektor sa lugar-pagawaan Lahat ng tawag ay kompidensyal. Maaari kayong tumawag at magtanong sa inspektor o unyon kung ano ang nakita sa pagbisita.

10

Paggawa sa pamamagitan ng katawan

Ang <manual handling> (paggamit ng kamay at katawan) ay anumang gawain na kasama ang: Pagtutulak

Paglilipat

Pagkakarga

11

Paghihila

Pagbubuhat

Pagbababa

Paghahawak

12

Ang mga problema sa paggamit ng kamay at katawan ay ang maaaring pagkakapinsala ng inyong likod, balikat at mga kamay. Itong mga pagkakapinsala ay maaaring mararamdaman na lamang paglipas ng ilang panahon. Ayon sa batas, sa tulong ninyo, ang tagaempleyo ay dapat: tingnan ang anumang mga trabahong ginagawa mo na maaaring pagmulan ng pagkakapinsala. baguhin ang paraan ng trabaho upang hindi kayo delikado sa pagkapinsala.

Gamiting palagi ang mga payo tungkol sa ligtas na paggamit ng katawan at kamay, ang tamang paggamit ng mga makinang makakatulong sa inyong pagbubuhat, ang mga personal na kagamitang pananggalang at kung paanong magtrabahao bilang isang pangkat (team).

13

Ang tamang pagbubuhat:

Hakbang 1 Tingnan na walang sagabal ang daraanan

Hakbang 2 Tiyaking kaya ninyong buhatin ang karga. Kung hindi huwag buhatin ito.

Hakbang 3 Ilapit ang mga paa sa bubuhatin. Ang isang paa ay sa tabi ng karga at ang isa naman ay sa likod nito.

14

Hakbang 4 Ilikong-paluhod ang inyong tuhod, humawak ng maigi, panatilihing tuwid ang likod.

Hakbang 5 Buhatin ang karga sa pamamagitan ng kalamnan (muscles) ng paa.

Hakbang 6 Alalayan ang karga ng mga braso

Hakbang 7 Kung ibababa ang karga, gamitin ang kalamnan ng paa at ilikong-paluhod ang inyong mga tuhod.

15

Ang mga kemikal sa lugar-pagawaan

Ang mga kemikal ay maaaring mapanganib at magiging sanhi ng mga malalang pagkapinsala at masamang karamdaman kung mali ang paggamit ng mga ito. Ang ilang mga pangkaraniwang kemikal ay ang mga pantunaw, pampakintab, waks, mga likidong panlinis, pintura, pang-alis ng grasa, panlaba, pampaputi at pestisidyo. Maraming mga kemikal ang ginagamit sa lugar-pagawaan. Maaaring may mga epekto nitong hindi pa natin nalalaman. Maaaring makapasok ito sa inyong katawan sa pamamagitan ng: paghinga pagkain o pag-inom pagdampi sa inyong balat o mga mata

Kung kayo ay gumagamit ng mga kemikal: ang inyong taga-empleyo ay dapat may listahan ng lahat na mga kemikal sa lugar. kayo ay dapat may Material Safety Data Sheets (MSDS). Ito ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga kemikal na ginagamit sa trabaho. Kung nahihirapan kayong bumasa nito, magpatulong sa katrabaho o tumawag sa isang samahang nakalista sa likod ng librong ito.

16

kayo ay dapat sinanay sa tamang paghawak at pagtatago ng mga kemikal. Kasama rito ang pagsasanay kung ano ang gagawin kapag natapon ninyo ang kemikal, kung anong pangkaligtasang kagamitan ang gagamitin at kung ano ang gagawin sa dagliang-pangangailangan (emerhensiya). Kung hindi kayo nakakatiyak tungkol sa mga kemikal na ginagamit, kung ano ang kanilang nilalaman, ang epekto nila sa kalusugan, at ang tamang paraan ng paghawak at pagtatago, karapatan ninyong humingi ng impormasyon mula sa taga-empleyo.

17

Ingay

Ang pagtatrabaho sa isang lugarpagawaang may malakas na ingay ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng pandinig sa paglipas ng panahon. Ang ingay ay nakakasira sa inyong pandinig bago pa ninyo nalaman. Kayo ay maaaring nasa peligro kung: ang ingay ay napakalakas na kailangan ninyong humiyaw upang mapakinggan. may kumikiriring sa inyong mga tainga pagkatapos magtrabaho nahihirapang makarinig pagkatapos magtrabaho Kung kayo ay nagtatrabaho sa isang maingay na lugar, ang inyong tagaempleyo at sa tulong ninyo, ay dapat: hanapin ang pinanggagalingan ng ingay alamin kung gaano kalakas ang ingay alisin o bawasan ang lakas ng ingay o magbigay ng pananggalang sa ingay kung hindi maaaring gawin ang mga nauna.

Mga karaniwang uri ng pananggalang sa ingay


Mga pansuklob sa tainga (ear muffs). Ilalagay ito sa buong tainga. Dapat ilagay ito nang mahusay sa paligid ng tainga at linisin at itago ito nang maayos. Mga pasak sa taynga (ear plugs). Ito ay ilalagay sa may butas ng tainga. Dapat ito ay babagay at palitan kung kinakailangan. Kung kayo ay nababahala sa ingay ng lugar-pagawaan, kausapin ang opisyal pang-kaligtasan, superbisor o miyembro ng komite sa kaligtasan.
18

Mga personal na kagamitang pangproteksyon

Ang Personal Protective Equipment (PPE) (pangpersonal na kagamitang pananggalang) ay isang kagamitang pangkaligtasan na ginagamit upang maiwasan ang mga pagkapinsala o masamang pakiramdam. Dapat ito ay: Ang tamang kagamitan sa uri ng trabaho Nasa tamang sukat sa inyo Palaging malinis at inaalagaan Mahusay ang pagkatago Pinagpasyahan pagkatapos ng paguusap sa mga manggagawa. Ibinigay sa inyo na may tagubilin at pagsasanay sa paggamit at pagtago nito.

Magbigay ang kompanya ng PPE kung saan ito kinakailangan. Gamitin ito kung kinakailangan.

19

Pananggalang sa paghinga

Ang mga alikabok, kemikal, usok, dumi at lason ay maaaring pumasok sa inyong baga na siyang pagmumulan ng mga problema sa paghinga. Ang paggamit ng mga pananggalang sa paghinga ay makakatulong sa paghadlang nito.

Mga karaniwang uri ng pananggalang sa paghinga


Mga kagamitang panlinis ng hangin Ito ay gumagamit ng salaang panlinis sa hangin at ginagamit ito kung maalikabok. Kung kayo ay gumagawa sa may mga usok at kemikal maaaring nangangailangan kayo ng mga natatanging uri ng salaan. Magtanong sa inyong pangkaligtasang opisyal o superbisor upang matiyak na tama ang ginagamit ninyong salaan. Mga respirator na nagbibigay ng malinis na hangin Ang mga ito ay ginagamit kung nagtatrabaho sa may mga alikabok, usok at kemikal. Ito ay nagbibigay ng malinis na hangin. Palaging tiyaking ang pananggalang sa paghingang ginagamit ay: sukat na sukat para sa inyo talagang selyado at walang butas na labasan ng hangin malinis at inaalagaan ng mabuti tamang pananggalang sa uri ng inyong ginagawang trabaho. Kayo ay dapat na sinanay sa paggamit ng pananggalang sa paghinga at kung kailan ninyo ito gagamitin.
20

Pananggalang sa mata

Karamihang mga pinsala sa mata ay kagagawan ng: mga tumitilapon na bagay mula sa pagkikiskis, paglalagari, pagmamartilyo at pagpuputol. ang mga alikabok at maliliit na bahagi ng kahoy at bakal sa papawirin mga tumitilapong apoy mula sa pagwewelding mga usok at saboy mula sa mga kemikal

Ang anumang mga kapinsalaan sa mata ay maaaring nakakasira sa paningin. Karamihan sa mga kapinsalaan sa mata ay maaaring maiiwasan sa pamamagitan ng mga nababagay na pananggalang sa mata.

Mga karaniwang uri ng pananggalang sa mata


Mga salaming pangkaligtasan Kamukha ito ng normal na salamin. Lalo silang makapal at ginawang pananggalang sa inyong mga mata laban sa mga tumitilapon na bagay.

21

Mga maskarang pangkaligtasan Ang mga ito ay nagbibigay ng ligtas na panaklob sa mata at nagbibigay ng lalong malawak na proteksyon. Maaari itong pananggalang sa alikabok, mga saboy at masasamang hangin.

Mga pananggalang pangkaligtasan Ang mga ito ay ginagamit kung kayo ay nagtatrabaho sa mga kemikal, init at baril-pampako (nail gun). Ito ay maaaring ipatong sa safety glasses (salaming pangkaligtasan) Tiyaking palaging kayo ay may suot na tamang proteksyon sa mga mata naayon sa trabahong ginagawa. Kung hindi tiyak, magtanong sa superbisor o pangkaligtasang opisyal. Ang mga pangkaraniwang salamin ay hindi nakakapagbigay ng sapat na proteksyon sa mata .

22

Mga pananggalang sa kamay

Ang mga pinsala sa kamay ay maaaring sanhi ng: mga makinaryang pamputol o panlagare ang mga pagkasunog o pagkasira ng kutis na mula sa mga kemikal mga peligro sa koryente palaging pauli-ulit na pagkilos sa ginagawa ng mga trahador sa pagawaan at opereytor ng makinarya

Kung nagkakaroon kayo ng pananakit o pagkangimay sa inyong mga kamay, pulsuhan (wrist) o balikat magkaroon ng mga regular na pahinga iulat ang anumang pananakit sa superbisor, miyembro ng komite ng kaligtasan at kalusugan o sa opisina ng unyon. patingnan kung ano ang mga kailangang baguhin sa inyong paggawa kinakailangang ireport nang maaga ang anumang pananakit na naramdaman upang maiwasan ang pagkakaroon nang pinsala sa paglipas ng panahon

23

Mga karaniwang uri ng pananggalang sa kamay


Mga guwantes: maaaring gawa ito sa goma, plastik, balat, bakal, atbpa. Sila ay nakakaprotekta laban sa pagkapinsala kung may aksidente. May natatanging guwantes at pangangalagang kailangan kung gumagamit ng kemikal. Palaging tiyakin na ang mga guwantes ay: tamang-tama ang sukat walang butas nababagay ang guwantes sa paggagamitang trabaho palagiang malinis Tandaan: Ang paggamit ng mga makinaryang walang pananggalang at mga kagamitang hindi umaandar ng mahusay ay maaaring maging sanhi sa pagkapinsala ng kamay.

Pananggalang sa paa
Ang mga pangkaligtasang sapatos at bota ay nasa ibat-ibang uri at materyal na babagay sa natatanging gamit. Ang pangkaligtasang sapatos ay may mga pinatibay na harapan upang maipagtanggol ang paa kung mabagsakan. May mga sapatos ding may mga natatanging apakan upang malabanan nito ang mga asido at pangontra-asidong kemikal (alkalis). Sa mga nagtatrabaho sa pagawaan ng maiinit na bakal, may mga pananggalang sa paa laban sa mga kumukulong metal. Kinakailangang maging tamang-tama ang sukat ng pangkaligtasang sapatos. Tingnan kung ang inyong pangkaligtasang sapatos o bota ay nababagay sa uri ng inyong trabaho.

24

Ingles sa lugarpagawaan

Lalong madaling maiintindihan ang pangkalusugan at pangkaligtasan sa lugar-pagawaan at magkakapag-usap sa katrabaho kung kayo ay nakakaintindi ng Ingles. Ang kakayahang mag-Ingles ay nakakatulong sa inyong pakikipag-usap tungkol sa mga problema sa kalusugan at kaligtasan. Ang pamahalaan ay naglagak ng perang magagamit sa pagsasanay ng Ingles sa mga lugar-pagawaan. Kung may mga manggagawang gustong mag-aral ng Ingles, maaari ninyong hingin sa kompanya o sa opisina ng unyon ang tungkol sa isang programa ng Ingles sa lugar-pagawaan.

Ang pagpapahusay sa paggamit ng Ingles ay may maraming benepisyo:


maaari ninyong sabihin ang inyong mga pag-aalala tungkol sa kalusugan at kaligtasan. maaari kayong maging miyembro ng komite sa pangkalusugan at pangkaligtasan at mga ibang samahan sa lugar-pagawaan. magkakaroon kayo ng katatagan sa trabaho. makakatulong ito sa pagsulong ninyo sa trabaho. lalong maraming malalaman sa pagsasanay

25

makakatulong ito sa karagdagan ng pagtitiwala sa sarili sa lugarpagawaan. Ilang mga simpleng hakbang upang lalong mapahusay kayong mag-Ingles: alamin ang pangalan sa Ingles ang mga makinarya at kagamitang ginagamit ninyo sa trabaho. Gamitin ang pangalan nito kung pinaguusapan ito. humingi ng kopya ng librong ito sa Ingles at sa inyong wika (kung may makukuha) at ikumpara itong dalawa. palagiang magsanay na gamitin ang mga napag-aralang salita sa Ingles.

26

Kaligtasan sa sunog

Alamin sa inyong lugar-pagawaan: kung paano ninyo malalaman kung may sunog kung ano ang gagawin kapag may sunog ang lokasyon ng: F  ire Extinguishers. (mga gamit pamatay sunog): ibat-ibang uri ang ginagamit depende sa pinanggalingan ng sunog. Huwag gagamit ng tubig sa mga sunog mula sa koryente, F  ire hoses. Ito ay mga gomang-tubo ng tubig. F  ire blankets. (kumot pamatayapoy) Ito ay gamit sa mga maliliit na sunog, panaklob sa basurahan o pangkumot sa inyong katawan o sa kasamahan. E  mergency exits. (pangemerhensyang labasan). Ito ay may markang EXIT na kulay berde at puti sa itaas. Gamitin ito kung kailangang lumabas ng madalian sa isang gusali dahil sa emerhensya katulad ng sunog.

Kung may sunog, huwag piliting puksain ito kung hindi kayo nagsanay sa pagpuksa ng sunog.

27

First Aid (Pangunang lunas)

Bawat lugar-pagawaan ay dapat may first aid kit (kaha ng pangunang lunas) Tiyaking alam ninyo kung nasaan ang lalagyan ng first aid kit Tiyaking alam ninyo kung sino ang mga opisyal sa first aid (pangunang lunas) Tiyaking alam ninyo kung kanino ninyo irereport ang mga aksidente at pagkapinsala.

Ang paggamit ng mga kagamitang pang-first aid para sa pagkapinsala sa trabaho ay walang bayad.

28

Mga pambansang markang pangkaligtasan

Panganib sa sunog

Panganib sa pagkakakoryente

Panganib sa radyasyon

Panganib sa pagsabog

Panganib sa kemikal

May mga ginagamit na forklift

Peligrong biyolohikal

Mag-ingat sa bumubukas na pintuan

Peligro sa agnas/kalawang

29

Catalogue No. WC00909.7

WorkCover Publications Hotline 1300 799 003

WorkCover NSW 92-100 Donnison Street Gosford NSW 2250 Locked Bag 2906 Lisarow NSW 2252 WorkCover Assistance Service 13 10 50 Website www.workcover.nsw.gov.au
ISBN 978 1 74218 003 8 Copyright WorkCover NSW 0408

You might also like