IPINATUTUPAD SA BAHAY NA ITO: 1. Siguraduhing naka LOCK ang gate sa ibaba ng hagdan bago matulog upang maiwasan na kayo ay manakawan. 2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng babae/lalake na hindi asawa ng nangungupahan, sa medaling salita, huwag gagawing “MOTEL” ang bahay. 3. Hangga’t maaari limitahan ang pag-iinuman at sobrang pag-iingay ng tugtog/pagkakantahan. Pinahihintulutan ang pag-iinuman kung may mga okasyon lamang. 4. Ipinagbabawal din ang madalas na pagpapapunta ng bisita. Ang bisita ay pinahihintulutan na hindi lalagpas ng isang linggo. 5. Sa dahilan ng kapabayaan o bumara ang lababo o kubeta, obligado ang boarder na ipaayos o ipagawa ang nasabing sira, gayundin ang ilaw at gripo ay hindi saguting ng may-ari ang pagpapalit ng mga ito. 6. Maging responsableng maninirahan. Alalahanin na ang kalinisan ay kalusugan kaya panatilihing malinis ang inyong tirahan. HUWAG BURARA. Siguraduhing walang maiiwang nakasinding ilaw, kalan o nakasaksak na kagamitan bago aalis ng bahay 7. Magbayad ng mga bills sa takdang oras. (electricity and water bills, house rent, etc.) 8. Ang deposit ay gagamitin lamang kung aalis na ng bahay 9. Ang deposit at hindi maaaring mairefund. 10. Bawal ang kahit anong uri ng alagang hayop sa bahay. KUNG MAY PROBLEMA O KATANUNGAN, HUWAG MAHIHIYANG MAGTANONG/ LUMAPIT SA MAY-ARI. TAYO ANG MAKAPAGBIBIGAY NG KASAGUTAN KUNG MAY PROBLEMA MAN, HINDI IBANG TAO O KAPITBAHAY. MALIGAYANG PANUNULUYAN! Buddy & Fe Regalado