You are on page 1of 2

ROMTODAI

Rommel’s Tricycle Operator & Driver’s Association Inc.


Sec. Reg. AN. 96-00256 Tin No.: 258-177-122-000
Dahilan sa pagtatag sa samahan at by laws.

Nagkaisa ang mga operator at driver ng tricycle at mga Opisyales sa E. Jacinto St., Corner
Sumulong Highway Brgy. Sto. Niño, Marikina City 2015. Upang mapaunlad ang kabuhayan at
kapakanan ng nasabing samahan.

1. Ibayong paglilingkod sa mga tumatangkilik ng nasabing transportasyon.

2. Makiisa sa ibang samahan nararapat sa ikakabuti ng nasabing samahan.

3. Ang espesyal na pagpupulong ay pwedeng ipatawag ng pangulo o ng board sa


kahilingang ikatlong parte ng pangkahalatang kasapi.

4. Tungkulin ng lahat ng kasapi na sumunod sa mga batas at alituntunin ng samahan.

5. Ang mga operator na magpapalabas ng kanilang tricycle sa ibang driver na hindi


myembro ng samahan ay kailangang magbayad ng (Php. 8,000.00) bilang driver’s fee.

6. Sa mga opisyales na lalahok sa mga pag-pupulong o aktibidad na ipapatawag ng


(CTMDO) at iba pang pag-pupulong o aktibidad na para sa samahan ay magkakaroon ng
allowance na (Php. 400.00) batay sa napagkasunduan ng samahan.

7. Ang butaw ay hindi (Php. 15.00) lunes hanggang sabado lamang.

8. Ang kasapi na may sakit at naka confine sa hospital ay tatanggap ng (Php. 2,000.00) sa
samahan bilang tulong sa kaniya. Kailangan magpakita sya ng hospital bill o medical
certificate.

9. Ang mga kasapi na binawian ng buhay ay tatanggap ng halagang (Php. 7,000.00) sa


samahan bilang tulong sa kanyang pamilya.

10. Ang miyembro ng samahan na hindi aktibo sa pagbubutaw ay walang matatanggap na


tulong sa samahan tulad ng hospitalization at death benefits.

11. Sa mga miyembro ng ROMTODAI na hindi pumipila sa terminal unit o ng ibang toda ay
hindi papayagang ibyahe o ipasok sa ROMTODAI.

12. Sa mga driver na matagal na hindi bumibyahe at kukuha ng certification kailangang


magbayad sila sa samahan (Php. 500.00)

13. Sa lahat ng miyembro at Opisyales na hindi dadalo sa pagpupulong ng samahan sila ay


magmumulta ng (Php. 200.00) para sa miyembro at (Php. 400.00) naman para sa
Opisyales.

14. Bawal magbyahe ang driver pag nakainom o lasing sa alak at naka droga.

15. Sa mga miyembro na nakabili na ng units sa kapwa miyembro ng ROMTODAI siya ay


magbabayad ng (Php. 15,000.00) ang isang unit ay nabili ng hindi kasapi sa ROMTODAI,
siya ay magbabayad ng P30,000.00.
16. Kapag ang isang unit inililipat sa pangalan ng anak niya (mana o pamana) kailangan
siyang magbayad (Php. 2,500.00) para sa re-entry.

17. Kapag lumagpas na sa buwan ang utang sa butaw hindi na sya makakatanggap ng
backpay.

18. Isa lang libreng driver kapag operator subalit kapag driver ka lang at ipapasok mo para
maging kasapi ng ROMTODAI siya ay magbabayad ng (Php. 8,000.00).

19. Isang kasapi na magka-utang 2 buwan pataas. Pagkuha niya ng certification ito ay
kanyang babayaran lahat hanggang sa December.

20. Kailangang igalang at irespeto ang mga namumuno sa samahan, ang hindi pagsunod ay
may kaukulang parusa ito, base sa napagkasunduan.

21. Sa mga driver na gagawa ng gulo o pananakit sa kapwa driver ay bibigyan siya ng parusa
sa kanyang nagawang kasalanan.

22. Ang isang miyembro na walang anak na lalaki ay dapat magbayad ng pa member fee sa
halagang (Php. 2,000.00). Kung meron syang ipapasok na meyembro ng kanyang
pamilya. Pero sa pangalawa na ipapasok nya ay P8,000 na ang kanyang babayaran.

23. Bawal nang sukuin ang mga regular na pasahero.

24. Kung meron ipapasok na bagong member ay kailangang nyang magpapirma sa


presidente, vice, secretary, at limang (5) board member.

25. Ang mga member na may isang linggo na kulang sa butaw ay hindi pwedeng pumila sa
ROMTODAI, pwedeng bumayahe pero hindi makakapila.

26. Bawal nang magpapasok ng ibang unit na hindi galing sa ROMTODAI o magpasok ng
private.

27. Kapag ang isang opisyales na hindi na active, sya ay pwedeng palitan ng isang lumaban
na member sa pagka opisyales.

28. Ang isang member na hindi na active ay hindi na pwedeng bumoto sa eleksyon.

You might also like