Kami, JUNE G. TOLENTINO, sapat na gulang, naninirahan sa Brgy. Dila, Bay, Laguna, bilang may-ari at unang panig, at ANTONIO DOLLOLASA, sapat din ang gulang kasal kay ARLYN PAMINI, naninirahan sa Brgy. Bulilan Sur, Pila, Laguna, dito ay kilala bilang nangungupahan at ikalawang panig, ay nagkasundo at nagsasaysay; 1. Na pumayag ang unang panig na paupahan sa ikalawang panig ang bahagi ng Lot 1B (ayon sa mapa) na lupang agrikultural sa halagang APATNAPUNG LIBONG PISO (Php. 40,000.00) bawat taon, ito ay salaping Pilipino; 2. Na ang nasabing upa ay ibibigay ng ikalawang panig sa unang panig sa madaling panahon o sa unang buwan ng bawat isang taon; 3. Na ang nasabing kasunduan ay magkakabisa mula Pebrero 1, 2013 hanggang Enero 31, 2014; 4. Na ipinangangako ng ikalawang panig na ang lugar na kanyang inuupahan ay pananatilihin niyang malinis at di-nakakapinsala sa iba, at ito naman ay gagamitin lamang niya ng naayon sa batas at sa kasunduan ng magkabilang panig; 5. Na ang anomang kaluwagan na ibibigay ng magkabilang panig sa bawat isa ay hindi maituturing na pagbabago sa anomang nilalaman ng kasunduan ito;
Isinagawa ngayong ika-18 ng Pebrero, 2013 sa Brgy. Dila, Bay, Laguna.
JUNE G. TOLENTINO ANTONIO DOLLOLASA
May-ari at Unang Panig Nangungupahan at Ikalawang Panig