You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LALAWIGAN NG SILANGANG MINDORO


MUNISIPALIDAD NG VICTORIA
BARANGAY ALCATE

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY


ENERO 06, 2018

K A S U N D U A N
Kami, Pio Nazaro, Vencent Gapito, Sofronio Ilustre at Roberto Anonuevo, may mga
asawa at nasa hustong gulong, pawang magbubukid sa Sityo Ipil-Ipilan at Kalbot, Alcate, Victoria, Oriental
Mindoro ay nakipagkasundo kay Ginoong Jovert V. Leteral, isang negosyante at nasa husto ding gulang,
may asawa at mga anak, na may mga lupain sa kanlurang Alcate, tabi ng Mag-Asawang Tubig, na aayusin
niya ang daan buhat sa National Highway hanggang Ilog Mag-Asawa na nagdaan sa aming mga lupaing
sakop, na kasama sa aming kasunduan ay lalagyan ng culvert ang mga kanal na tatawid sa kalsadang
kanyang gagawin, upang maayos na makadaloy ang tubig patungo sa aming mga bukid, na dahil din sa
nakikita namin ang kaayusang makakatulong hindi lamang sa amin kundi sa lahat ng gagamit ng daang ito.
Kami ay lubos na nagtitiwala at nakikipagkasundo kay G. Jovert V. Leteral.

Ang kasunduang ito ay naganap ngayong Enero 06, 2018 sa harap ng mga kapwa naming
magsasakang sina Badoy Hatulan, Dalang Tupaz, Narding Maligaya, Lito Castillo, Joseph Sapungan at
marami pang iba, na kung saan ay sa mismong lugar na gagawan ng daan.

Bilang katunayan, lakip nito ang aming mga lagda sa ilalim ng kasunduang ito:

Nakipagkasundo/Gagawa: Nakipagkasundo:

JOVERT V. LETERAL PIO NAZARO VENCENT GAPTIO

SOFRONIO ILUSTRE ROBERTO ANONUEVO

Mga Saksi:

EX BRGY. KON. JOSEPH SAPUNGAN

BRGY. POLICE CHIEF FERNANDO PARALEJAS

DALANG TUPAZ

NANDING MALIGAYA

BADOY HATULAN

DADO TORRES

Pinagtibay,

KAPT. LETECIA L. DE TORRES

You might also like