You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Nueba Esiha


Lungsod ng Kabanatuan
BARANGAY BITAS

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

KASUNDUAN NG SANGLAAN

Ako si G. Angelito M. Jongco, may sapat na taong gulang, Pilipino at naninirahan sa Narra I, Barangay
Bitas, Lungsod ng Kabanatuan, Nueva Ecija, sa ilalim ng batas ay nagsasalaysay ng mga sumusunod;

 Na ako ay aktwal na nakaposisyon at nagmamay-ari sa bahay na matatagpuan sa Narra I, Barangay


Bitas, Lungsod ng Kabanatuan,
 Na aking isinasanla ang naturang pag-aari na nakatala sa ibabaw nito kasama ang metro ng tubig at
kuryente sa halagang P 50,000.00 ( Limampung libong piso perang Pilipino), ng walang anumang
interes, kaakibat ng kasunduang ito ay aking pansamantalang inililipat, isinasalin at ipinagkakaloob ang
aking partisipasyon at karapatan sa nabanggit na bahay pabor kina Gng. Florimel De Lara Magno at
Imelda A. De Lara, ang kasunduang ito ay may bisa sa loob ng dalawang taon.
 Na ginawa ko ang salaysay na ito na walang sinuman ang pumilit o tumakot sa akin at sarili ko itong
kagustuhan.

Sa katunayan ng lahat ay lumagda ako sa salaysay na ito ngayong ika-31 ng Enero 2022, dito sa Barangay
Bitas, Lungsod ng Kabanatuan.

ANGELITO M. JONGCO FLORIMEL DL. MAGNO


Nagsangla Tumanggap ng sangla

IMELDA A. DE LARA
Saksi Tumanggap ng sangla

Pinagtibay ni:

ROLANDO L. EUGENIO
Kalihim

You might also like