You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Nueba Esiha


Lungsod ng Kabanatuan
BARANGAY BITAS

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

KASUNDUAN

DAPAT MALAMAN NG LAHAT:

Ako si Gng. Elizabeth E. Manaois, may sapat na taong gulang, Pilipino at naninirahan sa Yakal II Barangay
Bitas, Lungsod ng Kabanatuan, at kinilala bilang Unang Panig.
AT
Ako si G. Renz Santiago, may sapat na taong gulang, naninirahan sa Barangay Isla, Lungsod ng Kabanatuan, at
kinilala bilang Ikalawang Panig.

 Na ang Unang Panig at may pag-aari na paupahang pwesto na matatagpuan sa Yakal II Barangay Bitas, Lungsod
ng Kabanatuan kung saan naninirahan ang Unang Panig at ang nabanggit na pwestong paupahan ay
kinakailangang gawin, ipagawa at isa-ayos ito ay kinakailangang gampanan, balikatin at pananagutan ng Unang
Panig,
 Na ang nabanggit na pwesto ay pinauupahan, pinarerentahan ng Unang Panig sa halagang (P3,000.00) Tatlong
Libong piso bawat buwan, tuwing o bago sumapit ang ika-__ ng bawat buwan na may (2) buwang deposito at (1)
buwang paunang bayad sa renta sa kundisyong maaari lamang gamitin ang deposito sa sandaling gusto nang
tapusin ng umuupa o ng Ikalawang Panig ang nilalaman ng kasunduang ito at panagot sa danyos na sanhi ng
pagkasira ng pwesto at ang deposito ay hindi na maaaring ibalik(REFUND) sa umuupa o Ikalawang Panig,
 Ang umuupa o ang kinikilala, itinuring na Ikalawang Panig ay hindi pinahihintulutan ng Unang Panig na isalin
mula sa Ikalawang Panig patungo sa Ikatlong Panig at ito ay maituturing na isang paglabag sa kasunduan, isang
dahilan upang agarang pagkansela sa kasunduan,
 Ang kasunduang ito ay maaari lamang tumagal o may bisa sa loob lamang ng isang taon simula ngayong ika-__
ng ________________, 2019 hanggang sa ika-__ ng __________________, 20__, maliban kung ang Una at
Ikalawang panig ay parehong nais ipagpatuloy pa ang kasunduan,
 Ang Unang Panig at Ikalawang Panig ay lalagda sa ibabaw ng kanilang pangalan bilang patunay at pagsang-ayon
sa nilalaman ng kasunduang ito.

ELIZABETH E. MANAOIS RENZ SANTIAGO


Unang Panig Ikalawang Panig

Pinatutunayan ni:

ROLANDO L. EUGENIO
Kalihim

You might also like