You are on page 1of 3

CROSSING TODA BY-LAWS

ARTILCLE I

Bawal pumila ang mga sumusunod:

a) Naka-short e) kolorum
b) Sando f) hindi naka-uniform
c) Tsinelas g) lasing
d) Walang lisensya h) nagiinom

ARTICLE II

Susundin ang sumusunod na dress code para sa pagsusuot ng uniform:

Monday- Yellow
Tuesday- Sky Blue
Wednesday- Navy Blue
Thursday- White
Friday- Gray
Saturday and Sunday- Walang uniform (ngunit bawal ang naka-short at
sando)

Article III

Lasing at umiinom ng alak:

a) Bawal pumila ang lasing at nag-iinom


b) Kung nagiinom ay aalisin sa pila ang tricycle
c) Kung umalis ay huwag iwanan sa pilahan ang tricycle. (Halimbawa:
Namiesta)

PENALTY: 2 weeks suspension


Article IV

Pag-uugali/ Kilos

a) Bawal magmura sa pasahero.


b) Laging maging magalang sa lahat ng pasahero.
c) Ugaliin ang pagiging mapagpakumbaba at maunawain.

PENALTY: 2 weeks suspension

ARTICLE V

Mga obligasyon at responsibilidad ng bawat miyembro:

a) Ang lahat ng miyembro ay may obligasyong dumalo sa mga pagpupulong


para sa ikabubuti ng TODA.
b) Ang hindi makadadalo ay may karampatang parusa na dalawang
linggong suspension.
c) Ang bawat miyembro ay may karapatang sumita o manita sa mga
kasamang may pagkakamali.
d) Ang lahat ng nakikilabasan ay magpapa-miyembro muna bago pumila.
(Membership Fee- Php 500)
e) Huwag magkalat at panatilihing malinis ang pilahan.
f) Bawal ang umihi sa pader at poste
g) Bawal mamili ng pasahero.

ARTICLE VI

Tungkol sa membership:

Ang lahat ng miyembro na hindi na aktibo sa loob ng sampung taon o higit


pa ay hindi na ikokonsiderang miyembro ng TODA.

Prepared by: Approved by:

Marietto M. Alo Leo Ramos Apolo L. Robles


Secretary President Overall Chairman, TCFTODA

You might also like