You are on page 1of 6

PANGUNANG LUNAS PARA SA (FRACTURE) BALI

Ano nga ba ang Fracture Bali?


Ang bali ay pinsala sa buto na maaaring mangyari kapag hindi nakayanan ang pwersa mula sa labas tulad
ng pagkakadagan o pagkakabangga sa mabigat o matigas na bagay.
Sanhi at panganib
Ang bali ay maaaring sanhi ng isang malakas na pagkabagsak o magkatama ng pwersa na hindi
nakayanan ng buto. Ang mga karaniwang sanhi ng bali ay pagkahulog, aksidente sa sasakyan at
panghihina ng buto o osteoporosis.
Ang mga sumusunod ay maaaring magpataas ng panganib sa pagkakaroon ng bali:
Katandaan
Ilang mga genetic disorders
Sobrang paninigarilyo at pag-inom ng alak
Kakulangan sa [[[ehersisyo]]
Kakulangan sa tamang nutrisyon, lalo na sa mga pagkain na sagana sa calcium
Osteoporosis
Pagsali sa mga larong pisikal o pagligsahan
Disorder sa glandulang thyroid o sa endokrin
Kakulangan sa bitamina

May dalawang uri ng bali:
Saradong bali. Walang sugat sa parte ng bali, nanatili ang bali sa loob.
Bukas. May sugat sa parte ng bali, at paglabas ng parte ng buto o laman mula sa sugat.

Mga Palatandaan at sintomas:
Nakararamdam ng matinding kirot ang nabalian sa tuwing igagalaw ang bahaging napinsala.
Ang parte ng bali ay nagiging malambot, namamaga at nawawala sa anyo.
May butong nakikita sa bukas na sugat.
Pamamaga o pagkakaroon ng pasa sa taas ng buto.
Pagkawala ng tungkulin ng napinsalang parte ng katawan.

Pangunang Lunas
Hanapin ang iba pang malalang pinsala. Tiyaking hindi nababarhan ang paghinga ng biktima.
Kuwagan ang kanyang kasuotan. Kung mawalan siya ng malay, o kung halos hindi na siya
humihinga, bigyan ng artificial respiration.
Pigilin ang pagdurugo.
Pigilin ang anumang paggalaw ng parteng nabalian upang maiwasan ang pananakit at ang higit
pang pinsala.
Takpan ang mga bukas na bali ng isang malinis na piraso ng tela.

Mga Paraan upang hindi gumalaw ang mga nabaling buto:


Gumamit ng mga saha ng saging, tiniklop na diyaryo, ilang pirasong kahoy, balat ng punung-kahoy,
karton o unan sa paggawa ng pansamantalang balangkat (splint).

Huwag igagalaw ang kasukasuan (joints) sa itaas at sa ibabang parteng nabalian. halimbawa, kung
sa may binti ang bali, huwag igagalaw ang mga kukasuan ng tuhod at bukung bukong.
Bagamat hindi pagagalawin ang biktima, kailanganin din siyang gawing maginhawa sa kanyang
posisyon.
Lagyan ng suporta ang mga mahinang bahagi ng katawan, tulad ng ilalim ng bukung-bukong,
pulsuhan, at tuhod.
Huwag pakahigpitan ang balangkat (splint), at baka hindi dumaloy ang sapat na dugo.
Sa mga bukas na bali, huwag susubukang ibalik ang buto sa dating posisyon. Hugasan ang sugat ng
malinis na tubig.. Takpan ang sugat at lagyan ng balangkat, at isugod ang biktima sa pinakamalapit
na klinika o ospital.











Narito ang ibat ibang paraan ng paglalagay ng balangkat sa mga bali:


Pagbalangkat ng Bali





Posibleng komplikasyon

Ang mga sumusunod ay posibleng komplikasyon na dulot ng bali, depende sa lala ng pinsala:
Pagkawala ng isang sangay ng katawan tulad ng kamay, binti, hita o paa.
Osteomyelitis o impeksyon sa buto.
Pagiging paralisado dahil sa bali sa leeg o likod.
Permanenteng pag-iba ng anyo.
Permanenteng pagkawala ng sensasyon.

Pag-iwas

Pag-iwas sa pagkakaroon ng osteopororsis sa pamamagitan ng pag-inom ng calcium at bitamina D.
Pagkain ng masusustansyang pagkain at tamang ehersisyo.
Subaybayan ang mga maliliit na mga bata upang hindi maaksidente.
Mag-suot ng seatbelt kapag nagbabyahe sa sasakyan.
Mag-suot ng gamit pang-proteksyon kapag naglalaro ng sports.

Reperensya:
Gabay sa Kalusugan ng Pamilya, Isinaaklat ng Department of Health, Commision on Population, at
Population Center Foundation. Ikalawang Edisyon sa Wikang Pilipino.

You might also like