You are on page 1of 1

Akala Ko, Mabait Ka

Dexter Rualizo

Dear Ompong,

Noong una akala ko ay mabait ka, pero hanggang akala lang pala. Kagaya ka lang pala ng
iba diyan na dumarating sa aming buhay upang kami ay saktang at pahirapan. Bakit ba ganyan ka?
Dumating ka para magdulot ng matinding pinsala, pinaramdam mo sa ami ang takot at pangamba.

Ang sama mo, ang lupit mo at higit sa lahat, wala kang awa. Nang dahil sa iyo maraming puno
ang natumba, nang dahil sa iyo maraming palayang ang nasira, nang dahil sa iyo mas dumami ang
pamilyang naghirap at nang dahil sa iyo, maraming bahay at pasilidad ang nawala. Ano, hindi ka pa ba
nakuntento? Pati kuryente dinamay mo pa, kaya yung lola lo, halos madapa na sa pangangapa dahil sa
kadiliman ng gabi.

Dahil sa kalupitan mo, yung munting bahay naming pinayuko mo, at hindi ka pa nakuntento
pinabagsak mo pa. Pero alam mo, mahina ka rin pala, kasi hindi mo napabagsak ang pag-asa ng aming
pamilya. Bagama’t ako’y nagpapasalamat sa iyo, kasi may natutunan din naman ako, dahil lalo mong
pinagbigkis at pinatibay ang pagmamahalan ng aming pamilya.

You might also like