You are on page 1of 2

“ Salamat Tatay”

Simula pagkabata wala akong maalala na pinagbuhatan mo ako ng kamay dahil sa aking kasarian.
Kung nasaktan man ako ay dahil dun sa mga responsibilidad na di ko nagampanan bilang isang
anak na dapat tumulong sa mga gawaing bahay.
Salamat dahil hindi biro ang maging isang haligi ng tahanan lalo na sa estado ng ating buhay, ngunit
nagampanan at nalagpasan mo ang lahat ng pagsubok. Taas akong pagsaludo at respeto sayo itay.
Naalala ko noong piliit mo akong tinuturuan mag-araro at ako naman reklamo ng reklamo dahil
ayokong gawin ang pinapagawa mo. Kaya nagtiis nalang akong mag linis ng pilapil ng palayan , mag
abono at taga igib ng tubig sa tuwing kailangan mong mag spray ng palayan. Paulit-ulit mo pa nga
sinasabi sa akin na dapat magtapos talaga ako na pag-aaral dahil hindi ako tatagal sa ganitong
trabaho. Kaya pinipilit at kinakaya kong tapusin para sa inyo. Di man ako nangako sayo pero sa awa
ng Diyos natapos ko sa hirap at ginhawa. Alam kong walang mapagsidlan ng tuwa ang iyong
nararamdam ng malaman mong magtatapos ako na pag-aaral sa high school . Salamat dahil ni
minsa hindi mo kami sinisigawan, pinapahiya at pinapalo sa harap ng maraming tao. Parang hindi ka
nga galit dahil wala man sa tono ng boses mo pero kami nanginginig na sa takot sayo. Ang bait mo
pa nga kasi tatanungin mo muna kami kung ilang palo ang gusto namin saka mo kami papaluin tapos
deretso luhod sa harap ng altar. Hindi ka man pinalad na makapag-aral noong kapanahunan ninyo
ngunit higit pa sa isang magaling at matalinong tao ang iyong natutunan sa buhay. Ang iyong mga
pangaral ay baon namin hanggang sa huling buhay namin. Hindi ka nagkulang bilang ama, kami ang
may maraming pagkukulang bilang mga anak mo sana ay mapatawad mo kami. Salamat dahil sa
dami ng problemang pinapasan ng ating pamilya buhat ng maagang nag-asawa ang iba naming mga
kapatid at hindi sila nakapagtapos sa pag-aaral ni minsa di ko nabalitaang sinaktan at sinumpa mo
sila, bagkus tinanggap at minahal mo parin sila.
A. Ibigay ang payak na paksa at pangaguri ( salungguhitan ng isa ang payak at dalawang
salungguhit sa panaguri.
1. Simula pagkabata wala akong maalala na pinagbuhatan mo ako ng kamay dahil sa aking
kasarian.
2. Ang iyong mga pangaral ay baon namin hanggang sa huling buhay namin.
3. Di man ako nangako sayo pero sa awa ng Diyos natapos ko sa hirap at ginhawa.
4. Taas aking pagsaludo at respeto kay itay.
5. Hindi ka nagkulang bilang ama, kami ang may maraming pagkukulang bilang mga anak mo sana
ay mapatawad mo kami.
6. Kaya nagtiis nalang akong mag linis ng pilapil ng palayan , mag abono at mag-iigib ako ng tubig
kung kailangan mong mag spray ng palayan.
7. Ang bait mo pa nga kasi tatanungin mo muna kami kung ilang palo ang gusto namin saka mo kami
papaluin tapos deretso luhod sa harap ng altar.
8. Paulit-ulit mo pa nga sinasabi sa akin na dapat magtapos talaga ako na pag-aaral dahil hindi ako
tatagal sa ganitong trabaho.
9. Kung nasaktan man ako ay dahil dun sa mga responsibilidad na di ko nagampanan bilang isang
anak na dapat tumulong sa mga gawaing bahay.
B. Ibigay ang uri ng pangungusap
1.payak
2.payak
3.lansakan
4.tambalan
5.tambalan
6.tambalan
7.lansakan
8.tambalan
9.tambalan
C. Ano ang uri ng pangalan
Pantangi
 Diyos
Pambalana
 Tatay
 Ama
 Anak
 Trabaho
 Tao
 Kapatid
 Pamilya
Tahas
 Palo
Basal
 Tuwa
 Pagsubok
 Naalala
 Respeto
 Pangaral
 Minahal
 Problemang
 Pinapasan
Lansakan
 Wala
D. Pang-uri
 Mapasidlan ng tuwa
E. Pandiwa
 Tumulong sa mga gawaing bahay
 Tinuturaan mag-araro
 Mag-;inis ng pilapil ng palayan
 Mag-abono ng palayan
 Taga-igib ng tubig
 Pinapalo
 Sinisigawan
 Palo
 Sinaktan
 Pinagbuhatan mo ako ng kamay
F. Pang-abay
 Na
 Man
 Naman
 Kaya
 Sa
 Kung
 Ng at iba pa
G. Panghalip
 Ako
 Sila
 Kami
 Mo
 Kasi
 Ko at iba pa

You might also like