You are on page 1of 8

Ang Ipis at ang Pusa

Noong unang panahon ang ipis at


ang pusa ay mortal na magkaaway
di sila nagkakasundo sa kanilang
mga kagustuhan

Ngunit isang araw ng napadaan si


pusa sa bahay ni ipis sya ay
napahinto at sinabi “Hoy ipis”ang
sigaw ni pusa “kay liit liit mo lamang
ngunit tindig at asta mo ay
napakayabang”ang sabi ng Pusa,

ngunit sa halip na magalit si ipis ito


ang kanyang tugon “kaibigang pusa
ikaw pala’y nandyaan halina’t ating
pagsaluhan kaunting pagkaing
sayo’y aking inilaan,dadatpuwa’t ito
ay di masyadong kasarapan,ngunit
ito’y gawa naman sa aking
pagmamahal. Ito’y akin sanang
iaalay sa’yo aking tinuturing na
kaaway ngunit nabatid ko
kamakailan lamang na tapusin na
ang ating matagal na tampuhan,
dahil nabatid ko ang ating buhay ay
maikli lamang upang sayangin sa
walang kwentang mga bagay
kaya’t aking napag isipan ipag luto
ka ng walang pakundangan,
ialay syo at hainan pambihirang
sahog ng pagkakaibigan,sana’y
hwag mong talikdan ang wagas na
katapatan ng ating samahan na
kung minsan ay nagtatalo at
nagkakainitan ng ulo subali’t
dadapwa’t iyong pakinggan ang
matagal ko ng pakiramdam na
tapusin na ang ating
awayan,magkasundo na at wala ng
bangayan, dahil lahat naman tayo
ay may pagkakamali sa ating
bawa’t ugali,kaya itigil na natin ang
awayan at tayo na lang ay
magmahalan bilang tapat na
kaibigan magpakilan man”…
noong una ay nag alangan itong
pusang may bahid ng kaguluhan sa
kanyang gulong-gulo na isipan na
nagtatanung kung “bakit ganyan”
subalit sya ay napilitan sinilip nya
ang kalderong puno ng laman ng
mga sangkap ng pagkakaibigan ng
isang ipis na pasaway at ngayon
tinutiring syang“kaibigan”?
Bandang huli’y kanyang napag
isipan ito nga ay kanya ng tinikman,
baka sakaling sya ay matauhan na
tangapin na nya ang
“pagkakaibigan”?May mga tanung
man sa kanyang isipan ngunit ito’y
kanya ng tinikman sa unang lasa
ito’y may kaasiman ngunit bandang
huli’y sya ay nasarapan…”maraming
salamat aking kaibigan sa mainit na
sabaw na aking natikman bagama’t
di masyadong kasarapan alam kong
ito’y iyong pinaghirapan,magmula
ngayon iyong tangdaan tinatanggap
ko na aking kaibigan,ang samahan
na walang hanggan,isang kaibigan
na iyong maasahan ipagtatangol sa
kahit kanino man”. at doon
nagsimula ang masaya nilang
samahan at pagkakaibigan…
Ang Kwento ng Ipis at Pusa

You might also like