You are on page 1of 2

A RECOLLECTION OF MEMORIES (Part 1) Di ako sigurado kung naiinis ka na sakin, ngunit gusto kong ipaalam sayo na di nawala ang

damdamin ko sayo at lubha na nasusugatan ang aking puso. Masakit na masakit para sa kin na may gusto kang iba at nothing (di man lang kaibigan) ang paguturing mo sa akin, galing mismo sa txt mo. Sabi ng mga kaibigan mo, huwag na raw kitang guguluhin pero ako ang ginugulo mo dahil sa bawat sulyap ko sayo katumbas ng sarap at sakit, mula sa nakaraan Noong outing sa Rawis, una kong narinig ang nakakabighani mong pangalan mula kay Syndee Lyn. Isa ka raw sa Top 10 Econ sa BUCET Result na nagbigay sa akin ng maling ideya na valedictorian ka. Pagkatapos nun, madalas kong i-search ang FB account mo ngunit mali pala ang spelling koh (kulang ng h). Sa unang araw bilang 2nd year, ginusto kong malaman kung sino ka dun sa mga dating Block B. Biglang tumibok ang aking puso noong una mo akong kinausap para sa paggawa ng nametag sa Acquaintance Party. Di ko maintindihan ang damdaming nararamdaman ko at pinilit ko itong itago sa lahat. For the first time in History, my heart seems to be beating so fast and I cant help falling in love with you. Sa El Carlos, doon ako nabighani sa iyong naiibang ganda ng iyong alisin ang iyong salamin. Cute ka pag naka salamin, at napakaganda mo naman pag walang salamin. Ngunit, wala pa rin akong lakas ng loob para ilabas ang aking damdamin. Nagkaroon sana ako ng pagkakataon noong birthday ni Malag, kaya lang nagbago ang aking isip at umuwi na lang ako sa Guinobatan para mag-tambay sa park. Doon napaisip ako kung anu ang pakiramdam ng maka-close ang babaeng minamahal. Sa araw ding yun, ginawa ko ang aking bagong FB account at ikaw ang unang inadd ko. Sa FB ring yun, I-popost ko ang mga nararamdaman ko sa puso ko at mga quotes na dedicated sayo. For example, if you graduated magna cum laude, I love you very much. Lubusan akong napahanga sa galing mo sa Math na nagtulak sakin na mag-aral ng mabuti sa subjek na mahina ako. Inspirado akong nag-aaral sa Math gamit ang laptop ko na may wallpaper na pricture moh, at calculator ko na may nakasulat na: I TEL. Trigonometry ba favorite subject mo, kasi ang ganda mo sa lahat ng angles Inaamin kong pangit ang boses ko, ngunit nagsasalita pa rin ako sa klase para kalabanin si Jollan at para magpakitang gilas sayo. Kahit napansin kong bihira ka lang na makinig sakin, di pa rin nawala ako ng pag-asa na mapapansin mo rin ako. Madalas kitang i-snubin dahil akoy nahihiya. Sabi nga ni Sr. Ador, nahihiya raw ang lalaki na mag-amin sa babaeng minamahal. In my case, akoy nahihiya rin na makipagusap sayo baka kasi ma-weirdohan ka lang sa akin. Noong CBEM Intramurals, kala ko nalaman na ni Jollan ang sikreto ko. Nabigla ako dahil alam ko namang ipagkakalat niya toh, at ginawa niya nga. Simula noon, mas lalo akong kinakabahan na pansinin ka baka kasi nalaman mo na. Inisip ko na baka pareho ang reaksyon mo sa reaksyon ni Malag nang malaman niyang in-love sa kanya si Ernie. Madalas akong magtambay kung saan-saan- nagiisip kung aaminin ko o hindi ang pagmamahal ko sayo, at nagtataka kung Single ka pa. Napaisip ako sa sinabi ng aking Chief Advisor na si Dexter na ayaw ng babae sa pa-torpe, gaya ng ginagawa ko. Pagkatapos ng Intramurals, napag-isipan kong sa kalagitnaan ng BU week ko, aaminin ang sekreto. Ngunit, magiging delubyo pala ang BU week sa akin. Bago pa ng BU week, nahahalata ko na lagi kayong magkasama ngunit inisip kong nagkataon lamang. Ngunit LUNES, pagkatapos ng HATAW, sa Boardinghouse ni Jollan ko nalaman na getting-to-know-eachother na kayo at pawang nagliligawan. Biglang nanlamig ang aking puso at nagpost ako ng I love You

bago kita in-UNFRIEND. Nag-GM ako ng I unfriend cuz I want you to be more than as a Friend ngunit nalaman kong di mo pala na-receive. Sunod, TUESDAY, nawala ang celfone ko sa Amphitheatre ng BUCN: di tuloy nakapag-txt sayo. At WEDNESDAY, pagkatapos ng Philippine Literature, dun ko sana aamin sayo ang nararamdaman ko ngunit sumama ka sa iba at sabay kayong naglakad pa-uwi, sweet na sweet pa nga kayo. Hindi niyo nalalaman na sinusundan ko lamang kayo sa likod. Nag-txt pa ako sayo na I predict your downfall dahil sa sobrang bitterness sa puso ko. Tumakbo ako sa CR ng CBEM at dun naglabas ng sobrang kalungkutan. Sana di ko na kayo sinundan-I should have known better, now it hurts much more. Pati sa pagpasok sa klase, sabay pa kayo, nabibitak na ang aking puso ngunit pinilit kong magpakatatag. Ang ChocoTops na may naka-sulat na I LOVE YOU TEL, na ibibigay ko sana sayo, ay ibinigay ko na lamang kay Syndee Lyn. Sa kanya ko rin, inamin ang nararamdaman ko sayo at ang masakit na na-experience ko. Noong THURSDAY, Quizbowl, nag-txt ka sakin ng Gudluck ngunit sariwa pa ang nangyari kahapon na nagdulot ng kaguluhan sa isip ko. Noong FRIDAY, nakikita kong wala na akong pag-asa sayo at nag-post ako ng ibat-ibang bitter quotes na ginawa koh. Tinext ko sayo yung isa sa mga quotes at nagreply kang: y sad dahil di mo alam ang sakit na nararamdaman ko. Sa mga sumunod na araw, madalas na kayong nagsasamahan at sweet na sweet sa isat isa. Pinapadala mo pa sa kanya ang bag mo at sabay pa kayong pumapasok sa klase. Habang akoy naguguluhan at nasasaktan, di mapigilang mainis sa sarili. Pagkatapos ng report mo sa Philippine Literature, sweet na sweet kayong naglalakad at naghoholding hands sa harapan ko pa mismo. Kinonmtrol ko ang aking galit at inilabas ito sa report ko sa Philosophy tungkol sa Faith vs Reason. Doon sa report ko, pinagsigawan ko na God, if you really exists, why did you let her fall in love with another man. Sa pagkatapos ng klase, muli ko kayong nakitang nagsasama at para magpalamig ng ulo, sumama ako kina Jollan, Syndee, at Erickson sa Gaisano. Doon napag-isipan kong mag-move on na!!! Na-interupt ang moving-on ko nang balitaan ako ni Edrez na di na kayo nagsasama ng lalaking iyon dahil break na kayo. At noong Seminar sa CSB1, nag-volunteer akong magparticipate para sayo at binigyan kita ng lollipop pagkatapos. Kala ko, sunod-sunod na ang swerte ko pero yun palay temporary lang. Sa mga unang araw ng October, madalas akong malungkot ngunit di pa ako nawawalan ng pag-asa. Naghanap pa ako ng teddy bear bilang regalo sayo ngunit parang mas gusto mo pa ang lalaking yun kaysa sa anumang regalo. Dahil nahihirapang makalapit sayo, nag-txt na lang ako ng I LOVE YOU sayo. At ang sumunod na araw October 12 ang pinakamaligayang araw ko sa taong 2012. Pero noong October 15, nasaktan ulit ako ng makita ko kayong nag-uusapan at hindi man lang ako pinapansin. Umalis ako dahil pawang nagmamahalan kayo at nagpalamig na lang ng ulo sa Gaisano. NagGM ako na maanghang na salita dahil nasaktan talaga ako. Pagkatapos ng klase, muli ko kayong nakitang nagsasama sa harap ng botika at nakaharap sa LCC, parang isang senti-moment. Kumakain kami nun ng mami nang tinawag ka ni Jollan. Ngunit, as usual, di mo ako pinansin. Sa kagabihan, linoad kita ng AllTxt para maki-pagtxt sayo. Dun sa txt-txt natin sinabi mo na wala ka sa kanyang gusto at binusted mo na rin ako. Sa birthday mo, nag-greet ako sayo kaya lang hindi ko naibigay ang regalo ko dahil akala ko noon October 17 pa ang birthday. OK na sana, kaya lang lagi naman kayong magkasama sa mga sumunod na araw at kumakalat ang balita na kayo na!!! To Be Continued

You might also like