You are on page 1of 2

Meteor Garden, sa puso ng mga Millenial

Irah Jane Navarro

“Bes, nanood ka ba ng Meteor Garden kagabi? Nakakakilig! Nakakamatay!” Pagkapasok


ko sa klasrum, yan na agad ang bubungad sa akin. Ang mas malala, may kasama pang, hampas,
kurot at sabunot. Oo nga naman, sino ba naman ang hindi kikiligin sa apat na mala-adonis ang
kagwapuhan at isang babaeng ubod ng ka-kyutan. Tara na’t pasukin ang nakakakilig na mundo
ng Meteor Garden at sabay-sabay tayong mangisay sa kilig.

Matangos na ilong, mapupulang labi, makinis at maputi na balat, makahulog panty na


ngiti, magagandang mata at maangas na aura, sino ng aba ang hindi makakakilala sa kanya? Siya
lang naman ang nag-iisang si Dao Ming Si. Isang lalaki na maangas, seryoso at maiksi ang
pasensiya, pero tiklop naman, pagdating kay San Chai. Aminin niyo man o hindi, napapahiyaw
talaga kayo, kapag may “sweet moments” sila Kahit ba na parang aso’t pusa sila, hindi pa rin
maikukubli na may nararamdaman sila para sa isa’t-isa. Pag-ibig nga naman.

Mula sa kanyang maamong mukha, matamis na ngiti, maputing kutis, mapupulang labi at
nangungusap na mata, mukhang kilala na natin siyang lahat. Siya lang naman ang nag-iisang si
Dong Shan Chai. Oo nga’t maiksi ang kanyang buhok pero daig pa ata niya si Rapunzel sa haba
ng buhok, abot pa ata hanggang EDSA. Si Shan Chai, siya lang naman ang babaeng gustong-
gusto ng nag-iisang si Dao Ming Si. Si Shan Chai na tahimik ang buhay kasama ang pamilya at
ang dalawang kaibigan na si Lie Jen at Shing Ha, ngunit nabahiran ng kaguluhan buhat ng
dumating si Dao Ming Si sa buhay niya. Ang dating hindi makabasag pinggan na si Shan Chai ay
naging palaban at natutong ipagtanggol ang sarili. Pinatunayan niya na kahit maliit siya ay kaya
niyang labanan ang mga taong nang-aapi sa kanya.

Ang sarap talagang ulit-ulitin lahat ang mga episodes. Lalong-lalo na noong hinalikan ni
Dao Ming Si si Shan Chai, naku nakakahimatay sa kilig. Yung pakiramdam na, gustong-gusto
mo ng pagsusuntukin yung katabi mo. Nakakagigil. Tapos meron pa noong, nag-away si Hua Za
Lei at Dao Ming Si dahil kay Shan Chai, naku! Akala ko talaga noon, friendship over na. Buti na
lang nagkaayos sila. Tapos ang dami pang-arte ni Dao Ming Si, may papunta punta pa siya sa
London para makalimot, pero nasa eroplano pa lang, gusto na agad bumalik, ayan tuloy,
nakatikim ng nakakamatay na suntok kay ate Zuang. Wala pa ngang isang buwan sa London,
umuwi rin agad sa Shanghai, naku! Sayang ang pamasahe! Sabagay mayaman naman sila eh.

Ewan ko, pero mas kinikilig talaga ako, lalo na kapag may Love Quarrel sila. Ang
guwapo kasing magselos ni Dao Ming Si eh. Lalo na noong nagselos siya sa isang French at
inakalang mayroong nangyari sa kanila ni Shan Chai, dahil na rin sa mga litrato na nakita niya na
kagagawan mismo ng best friend ni Shan Chai. Tapos meron din noong nasampal siya ni Shan
Chai, kasi nga nanggulo lang naman siya sa “High School Reunion” nila na matagal pa man din
niyang hinintay. Akala ko talaga, hindi na mapapatawad ni Shan Chai si Dao Ming Si kasi hindi
na niya ito pinapansin. Tapos ang dami-dami pang pagkakataon na ang hirap basahin ni Daong
Ming Si. Hindi mo alam kung galit, masaya o ano.

Pero kahit na ganun si Dao Ming Si, maasahan naman siya sa oras ng pangangailangan at
kagipitan. Tulad na lang, noong nangangailangan ng isang milyon ang pamilya ni Dong at hindi
nagdalawang isip na ibigay ang card niya. Tapos noong nakidnap si Shan Chai, si Dao Ming Si
ang tumulong sa kanya. Iniligtas niya ito, sa kamay ng mga taong sinaktan niya dati kahit ilang
hampas at hataw ng kahong natamo niya, hindi siya lumaban, para lang masiguro ang kaligtasan
ng babaeng gusto niya. Hindi siya nagreklamo at buong pusong tinanggap ang sakit ng palo,
dahil para sa kanya mas masakit pag si Shan Chai, mismo ang mawala. Ganyan niya kagusto si
Shan Chai. Kamahal pala.

Ito talaga ang pinakagusto ko sa lahat, ito eh yung, umamin si Daong Ming Si kay Shan
Chai, kaya nga lang, epic fail! Hindi kasi narinig ni Shan Chai ang salitang binitawan ni Dao
Min Si na, “I love you.” Minsan talaga ang sarap pingutin sa tenga si Shan Chai, nandoon na nga
eh. Pero nakakakilig pa rin yun kasi may pa-fire works pa at sakto pang bagong taon. Meron pa
noong, umamin si Dao Min Si kay San Chai sa parang may tulay at sinabing kahit saan siya
magpunta at kahit pa pumunta siya sa Mars ay susundan pa rin daw niya ito. Kamusta naman ang
puso niyo doon? Ang sarap sarap magtumbling eh. Di talaga nakakasawa.

Oh, ano ba? Bibitinin ko muna kayo ah? Hanggang diyan pa lang kasi yung napanood ko
eh. Pero wag kayong mag-alala. Ibabahagi ko ulit yung susunod na kabanata, ‘pag may oras ulit
ako.

You might also like