You are on page 1of 2

Mga salik sa Plastik

“Ano bay an, saying.” Ganito tayong mga Pilipino. Nasasayangan


tayo kahit sa kakapiranggot na bagay lang. At halos lahat ng sa tingin
natin ay maari pang magamit ay ginagamit parin natin nang paulit-ulit.
Ang hindi natin alam, sa sobrang pagiging masinop natin ay may
kaakibat pala itong kapahamakan. Sa bawat paggamit nating muli sa
mga bagay bagay may mga sakit nap ala tayong maaaring makuha. Isang
napakalapit na halimbawa nito ay an botelya ng tubig, softdrink, juice.
Akala natin, halos lahat ng uri ng plastic na botelya ay ligtas na
uliting gamitin basta’t ito ay mahuhugasan nang mabuti. Ngunit ang mga
rebelasyon ukol sa plastic number 7 o Lexan Bottle ay sapat na upang
maalarma tayong lahat at ang mga environmentalists na tumatangkilik sa
paggamit nito.
Natuklasan sa ilang pag-aaral na ang paulit-ulit na paggamit ng
botelyang may plastic number 7 ay nagpapataas ng tansa na ang kemikal
na Bisphenol A (BPA) ay tumulo mula sa mga maliliit na bitak at
siwang ng botelya tungo sa mga likido o pagkain.
Ayon sa Environmental California Research and Policy Center, na
siyang nagsasagawa ng 130 pag-aaral ukol sa nasbing isyu, ang, BPA ay
maaaring magdulot ng breast at uterine cancer, mas mataas na tsansa ng
pagkalaglag sa mga buntis, at pagbaba ng testosterone levels. Ang BPA
ay maaring makasira sa developing system ngbat, dahil ang ilang mga
tsupon at botelya ay gawa sa plastic na may BPA.
Karamihan sa mga eksperto ay sumasang-ayon na ang dami ng
BPA na maaaring mahalo sa mga pagkain at inumin sa pamamagitan ng
normal na paghawak ay napakaliit lamang, ngunit may mga pag-aalal
tungkol sa mga naiipong epekto ng maliliit na dosage na ito.
Rinerekomenda ng ilang health advocates na huwag gamitin ang
mga botelyang gawa sa plastic number 1 (polyethylene terephthalate)/
kasama ang mga disposable na botelya ng tubig, soda, at juice.
Isa pang delikadong uri ng botelya ay ang plastic number 3
(polyvinyl chloride) na maaring magpatak ng hormone-disrupting
chemicals sa likido nan aka-imbak sa botelya at maglabas ng synthetic
carcinogen sa paligid kapag nasunog.
Ang plastic number 6 (polystyrene) ay naipakita na nagpapatak ng
styrene, isang paosibleng human carcinogen, sa pagkain at inumin?
May mga botelya parin naman na ligtas gamitin ulit gaya ng mga
botelya na gawa sa plastic number 2 (High-demsity polyethylene),
plastic number 4 (low-density polyethylene), o plastic number 5
(polypropylene). Ang mga botelyang gawa sa aluminum at stainless
steel ay maaaring gamitin nang pauli-ulit at maaaring i-recycle.
Bago natin gamitin ang mga bagay bagay, dapat ay alamin muna
natin kung ligtas ba itong gamitin o hindi. Huwag tayong magpadala sa
salitang “saying”. Dahil aanhin natin ang ating kasinupan kung ang
nakataya naman ay ab gating kalusugan?
RHEA MAE ROMERO

You might also like