You are on page 1of 4

St. Joseph College Olongapo, Inc.

Senior High School Department

HUMSS St. John of the Cross

Ang Positibong Benepisyo ng Alak sa Katawan ng Tao sa Barangay West Tapinac

Parsyal na pagtupad sa;

Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa ni:

Faten Joyce Aquino

Marso 7, 2017
A.) Paunang Kaalaman

Kapag sinabing alak, ang unang naiisip ng tao ay ang beer at ang masasamang

epekto nito. Ang alak ay karaniwang nagdudulot ng sakit kapag nasobrahan. Ngunit hindi alam

ng karamihan na may mga benepisyo sa pag-iinom nito.

Ang alak ay unang ginamit noong unang panahon bilang medisina at alay sa mga diyos-

diyosan. Iniinom ito ng mga taong nakatira sa malalamig na lugar upang pampainit ng kanilang

mga katawan.

Ang alak ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng prosesong fermentation, kung

saan itoy isisilid sa isang lugar sa loob ng isang sisidlan o bote kung saan ito ay mayroong

yeast upang ang sugar ay maging ethyl alcohol. Nabibilang sa taon ang paghihintay upang

makuha ang nais na lasa at tapang ng alak. Ang alak ay mas matapang kung itoy sumailalim sa

ganitong proseso ng mas mahabang panahon. Kadalasang ang pinakamaikling fermentation ay

nangyayari sa paggawa ng beer, kung saan inaabot ito ng limang linggo bago mainom

(Christensen, 2015).

B.) Layunin

Magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa benepisyo ng alak.

Maalis sa isipan ng tao na puro masasamang dulot lamang ang hatid ng alak.
Maging alisto ang mga tao sa gamit ng alak.

Matalakay nang mabuti kung paano nakapagbibigay ng positibong benepisyo ang

alak

C.) Pahayag ng Tesis

Kailanman ang alak sa kasalukuyan ay makapagdudulot ng hindi magandang epekto sa

kalusugan ng isang indibidwal.

D.) Kahalagahan ng pag-aaral

Ang tesis na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Pamilya. Ang pamilya ay kung saan unang natututo ang mga kabataan. Maaaring

magamit ang mga datos na nakalap dito upang maturuan nang mabuti ang mga bata sa

pagdidisiplina sa sarili at tamang attitude pagdating sa pag-inom ng alak.

Edukasyon. Maipagbibigay alam sa mga mag-aaral na may kabutihan ding idinudulot

ang alak kung hindi aabusuhin.


Lipunan. Upang lubusang mapakinabangan, bibigyan ng tesis na ito ng sapat na

kaalaman ang mga tao na maging responsableng manginginom.

E.) Lawak at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay layuning malaman ang benepisyo ng alak. Upang makakalap ng

datos, magsasagawa ng interview ang mananaliksik sa lima (5) hanggang sampung (10)

manginginom sa Barangay West Tapinac mula Marso hanggang Abril ng 2017.

Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin lamang ang mga benepisyo ng alak. Hindi nito

tatalakayin ang masasamang epekto ng alak. Tanging manginginom lamang ang magiging

respondents ng pag-aaral.

You might also like