You are on page 1of 1

Performance Task #2

Salinas, John Harvey C.


10- Aauino

EsP Reaction Paper


Reaksyon tungkol sa mga video na pinanood.

Marami ang mga suliranin or mga isyu na nakatungkol sa ataing moralidad at paggalang sa buhay, sa mga
napanood ko ay mga halimbawa ng mga iyon. Sa unang video pinatungkol ang isang lalaki na dati ay naging adik
sa masamang paggamit ng pinagbabawal na gamot, ngunit kinalaunan ay sya ay nagbago at nakapag taguyod
para sa kanyang pamilya at nakagawa ng isang rehabilitation center para sa mga dating drug addicts, ang aking
reaksyon at naiisip tungkol dito ay bagama't maaring maging lubhang lugmok ka sa pinagbabawal na gamot ngunit
sa tulong ng mga tao at ng Diyos ay magiging mulat ka sa mga ginagawa mo at hindi pa huli ang lahat para sa
mga drug addicts at may pagkakataon pa silang iliko ang daan ng kanilang buhay para sa mas maliwanag na
patutunguhan.

Sa pangalang video naman ay tungkol sa mga Pinay Alcoholics, bagaman ang mga kalalakihan ay mas nakikita ng
mga tao na mas may alkoholismo o bisyo na relatibo sa alkoholismo, may mga kababaihan din na mga alcoholics,
sa tingin ko ay masama ang alkohol para sa tao at sa pinakaunang babda ay hindi dapat na binabalak na gawin
itong bisyo o magnasa lamang na inumin 'to sa pinaka mababang antas ng pag-iisip, dahil ito ay hindi nagdudulot
ng anumang maganda sa kalusugan, katiwasayan ng isip, at marami pang ibang bagay.

Pangatlo at pang-apat na video ay tungkol sa aborsyon sa pilipinas. Ang naging reaksyon ko at napag-isipan
dito ay: may mga kababaihan na nagkaroon ng hindi kanais-naia na karanasan at ang iba naman ay hindi nais na
mahirapan ang bata sa kanilang paglaki kung sila ay maisisilang. Nakita ko rin na ang mga Healthcare service
providers ay hindi maayos ang pakikitungo sa mga kababaihan na gumawa ng aksyon na labag upang mamatay
ang bata at sila din ay nadadamay at naapektuhan ang kalusugan tungkol sa pag inom o paggawa ng mga bagay
upang malaglag ang bata mula sa kanilang sinapupunan, bagaman marami ang mga bagay na nagiging sanhi ng
kanilang hindi ninanais na pagda-dalang tao ay sa tingin ko na dapat hindi nila ginagawa iyon sa bata at sa
kanilang sarili, at kung gagawin man o nararapat ay hindi dapat ito magdulot ng kasawian ng kanilang buhay o
sakripisyo ang kanilang kalusugan.

Sa video tungkol sa kaso ng depression sa pilipinas. Naniniwala ako na tunay na tumataas ang kaso ng
depression lalo na sa mga teenagers na kagaya ko, dahil sila ay nalulumbay at nahihirapan dahil sa maraming
sanhi. Dapat na talaga ang mga bagay na tulad ng depresyon ay agad na natutugunan, kung maaari ay
magpunta sa doktor o espesyalista, makipag-usap sa mga magulang, at magkaroon ng family hour para
magkaroon ng komunikasyon at pakikihalubilo sa iyong mga kapamilya dahil lubha itong nakatutulong upang
maresolba at maka-recover ang mga depressed na tao sa karamdaman nila. At kung may nakakakita ng
sintomas na ito sa kaninuman ay agad silang lapitan at kumustahin.

Ang video tungkol sa euthanasia at mercy killing ay totoo at maraming mga tao ang taliwas at ang iba naman
ay payag dito, para sa sakin kung ang pagkamatay na ayon sa video ay passive, ako ay ayos lang dito ngunit
kung ang pagpatay ay dulot ng isang lethal injection ay taliwas ako dito sa kabila ng sakit na nararamdaman ng
kung sasabihin ay aking kapamilya ay hindi iyon magkakaroon ng epekto, hindi dapat na pinapatay ang isang tao
gamit ang kamay ng ibang tao, kung mamamatay sya ay dapat hindi sa kamay ninuman kundi sa kamay ng diyos,
dahil para sa aking pananae ay iyon ang tama.

Sa konklusyon ay marami ang halo-halong reaksiyon sa mga bagay na tungkol sa isyu ng moralidad at paggalang
sa sariling buhay, dapat na lagi natin gawin ang naayon sa tama at kung nagkaproblema ay daoat na humingi ng
tulong. Sa lahat ng bagay daoat manguna ang moralidad at paggalang sa iyong buhay na ibinigay ng diyos dahil
ito ay sagrado at banal.

You might also like