You are on page 1of 2

Apalit Branch Jennifer Pacheo Hope Center Ang aking pong natutunan sa panunuod ay kung paano magbudget ng tama

paano balansehin ang gastos, kita at ipon. Natutunan kop o ang tamang paraan sa pagiipon. At bawasan ang mga gastusin na hindi naman kailangan talaga sa pang-arawaraw na buhay. Dati po hindi ako nakakapag-ipon ng maayos pero ng ako ay nakapanuod natutunan ko ang formula para magkasya ang aking kita sa gastos, kita-gastos ang sumobra ay para sa ipon at savings. Ngayon nakakapag-ipon na po ako. Apalit Branch Cristina Andan Amorillo Center Sa ngayon dahil nalaman ko na, na madali pala ang pagtitipid, kung sa arawaraw ay namomonitor ko ang aking gastos at ang aking kita. Naging mabisa naman dahil nalaman ko, na sumosobra na pala ako sa aking gastos kesa sa aking kinikita. Kasi dati, kapag kumita ako, ay gastos lang ako ng gastos kaya ang nangyayari ay nagkakautang pa ako. Kulang na kulang ang aking kinikita. Ang ginawa ko ay sinunod ko ang payo nmi payo na malista ng gastos at kita, upang malaman ko kung sumosobra nab a ako ng gastos kesa sa kita, kaya nagbudget ako, binawasan ko ng sampung porsyento ang aking gastos ng sa ganun ay hindi lalampas sa aking kita, at ngayon sakto na lamang ito sa aking lingguhang kita. Apalit Branch Eden Centeno Frances Center Sa aming napanood na Eddie Get Set Go ay malaking tulong sa aming mga Nanay na nag bubudget. Ipinapakita nito na dapat maging disiplinado sa paghawak ng pera o budget. Kailangan nakamonitor ang lumalabas na gastos at pumapasok na kita para mabalanse ng wasto ang budget at para kahit papano ay may maitabi pa para sa ipon. Ipinakita rin na dapat nakaayon lamang ang mga binibiling gamit at mga kailangan lang talaga sa bahay. Apalit Branch Myra Carreon Courteous Center Sa aking pagkakaintindi sa aking napanuod sa Eddie Get Set Go ang pagbabalanse ng pera/kita ay importante. Kung saan kailangan nakabudget lahat ang mga bibilhin, pagkakagastusan. Dapat nakamonitor ang paglabas at pagpasok ng pera o kita para malaman kung sumosobra na ang gastos kesa kita. Kumabag proper budgeting lang ang kailangan para ang lahat ay nasa ayos.

Apalit Branch Elvira Soliman Gugo Center Magmula ng mapanuod ko ang Eddi Get Set Go, Nalaman ko kung paano magtipid ang mag-ipon sa aking kita. Ngayon minomonitor ko ang gastusin arawaraw. Madali lang pala ang mag-ipon sa aking kita araw-araw para ipambayad sa aking utang at minomonitor mo rin ang mga gastos mo.

Apalit Branch Rhodora Salvia Job Center Maraming Micro finance sa panahon ngayon. Sa napanood naming na Eddie Get set Go ng TPKI nagging mas interesado ako sa part na tinuruaan kami na kumilatis kung ang tao ba ay fraud o manloloko. Dahil hindi basta basta kung maloloko kami, lalo na kung sapat lang ang aming kinikita. Dapat ay sa bawat kita namin ay pupuntahang mabuti at mapakinabangan ng aming pamilya. Tama lamang na alamin at kilalanin mabuti ang mga taong nag ooffer ng insurance o ng anuman na may kaugnayan din sap era. Ngayon ko mas lalo naintindihan kung bakit sa TPKI ay hindi ka basta basta irerelease hanggat hindi mo lubusang naintindihan ang Programa. Dahil nais ng TPKI na makatulong sa mga miyembro nila na magamit mabuti ang kanilang mga kinikita at iniipon. Apalit Branch Anisil Guinto Colgante Ang aking natutunan sa aking napanood ay kung paano mag budget at mag ipon ng pera. Natuto ako kung paano hati hatiin ang aking kinikita araw araw. Sa ngayon ang lahat ng importante lamang ang aking binibili upang sa ganun kapag mayroon akong emergency gaya ng nagkasakit at least po may huhugutin po kami kung may ipon na.

Apalit Branch Viveina Pengson Fuego Center

Marami po kami natutunan sa aming napanood . Lalo na sa aming gumagastos lang kapag may pera lang. At hindi naming naiisip na magbudget. Para kaming mga one day millionaire kung minsan. Pero ngayon nagkaroon kami ng pag papalano sa paglabas ng aming mga pera. Bago namin ilabas ang pera naming dapat isipin muna namin kung kikitain o babalik pa ba ito. Para maiwasan naming ang patong patong na utang.

You might also like