You are on page 1of 7

Wastong Pagbabadyet

ng mga
Pinagkukunang – Yaman ng
Pamilya
1. Kailangan ng maayos na pakikitungo sa paggawa.
Mataas ang moral at saloobin sa paggawa, tinatapos
ang mga gawain, at nakikipagtulungan sa mga
miyembro ng pamilya. Ang lumaking marunong
magmahal sa mga ginagawa ay dapat ikarangal.
Magiging magaan, masaya, at mabilis ang pagtatapos
ng mga gawin kapag pinahahalagahan at tinatanggap
nang buong puso ang mga gawain. Dapat gawin ang
mga gawain sa takdang oras.
2. Gumawa ng maayos na
talatakdaan (to do list)
para sa mga gawain sa
tahanan upang mapagbuti
ang pangangasiwa ng
oras. Maganda ang may
plano para sa mabisang
pagtupad ng mga
nakalagay sa listahan.
3. Pag-aralan ang pagkakaiba ng pangangailangan sa
luho at kagustuhan. Maraming tao ang gumagastos
nang higit o sobra sa kanilang kinikita. Sanayin ang
pagpipili sa sariling kagustuhan lalo na kung hindi
sapat ang badyet. Kung talagang gusto ang isang
bagay, pag-ipunan ito.
4. Tukuyin ang mga pangmadaliang layunin at
pangmatagalang layunin. Sa pangmadaliang layunin,
ginagastos lamang ang kinikita at walang naitatabi para
sa hinaharap. Sa pangmatagalang layunin, nakapagtatabi
ng bahagi ng kinita upang handa kapag nangangailangan.

5. Ang pangmatagalang planong pampinansyal ay dapat


isulat upang mapaghandaan kung ano ang dapat gawin
bilang isang bata para sa pag-unlad ng sarili, pamilya at
bansa. Isang halimbawa sa maaring isulat ang
sumusunod; makapagtapos ng pag-aaral, makapag-invest,
o magnegosyo.
6. Gumawa ng talaan ng mga
gastusin. Mahalaga sa
pagbabadyet ang talaan ng
gastos o talaarawan ng
pagbabadyet
buwan-buwan. Sa
pamamagitan nito,
mapag-aaralan kung saan
napupunta ang iyong pera.
7. Pagtukoy sa mga pag-aari, bayarin at gastusin. Dapat tukuyin
ang mga pag-aari ng pamilya o pansariling ari-arian katulad
ng sariling sasakyan, sariling bahay, at sariling damit. Dapat
malaman ang mga buwanang bayarin tulad ng bayarin sa
tubig at elektrisidad, upa sa bahay at tuition fee. Dapat ding
malaman ang gastusin sa pagkain, ang pinagkakagastusan sa
araw-araw.
8. Pagtukoy sa mga pag-aaring kumikita at di kimikita. Ang
mga pag-aaring kumikita o pinagkakakitaan ay ang mga
paupahang bahay at maliit na tindahan. Ang mga pag-aaring
di kumikita ay ang sariling bahay, sariling sasakyan, at mga
kagamitan sa bahay.
9. Pagtukoy kung saan ilalaan ang perang naipon. Dapat ilagak
ang pera sa pag-aaral, kalusugan, negosyo, at sa ibang
mahahalagang bagay.

You might also like