You are on page 1of 10

4

Activity Sheet sa
MAPEH
Health
Quarter 4 – MELCs 5 & 6
Mga Alternatibong Paraan sa Pagdiriwang
ng Iba’t-Ibang Okasyon

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


1
Health 4
Gawaing Pampagkatuto Blg. 7 at 8
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”
Ang Health 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang
magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.
Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Health 4
Manunulat: Ma. Mia B. Iscala
Editor: Marvin N. Martirez , Jona D. Nabor
Tagasuri: Rebecca R. Ibarreta,Marie Joy Q. Remola
Tagaguhit: Tagalapat:
Division of Aklan Management Team:
Miguel Mac D. Aposin, EdD, CESO V
Samuel J. Malayo
Dobie P. Parohinog, PhD
Rebecca R. Ibarreta
Mahnnie Q. Tolentino
Regional Management Team: Ramir B. Uytico, PhD, CESO IV
Pedro T. Escobarte, Jr., CESO V
Elena P. Gonzaga, PhD
Athea V. Landar, PhD
Mr. Donald T. Genine

2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Health 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng SDO - Aklan sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng
Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and
Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na
inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Health 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi
ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

3
Ang Health 4 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Learning Activity Sheets (LAS)

Pangalan ng Mag-aaral:________________________________________________
Grado at Seksiyon:____________________________Petsa:___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA HEALTH 4, Q4-Blg. 7 at 8


Mga Alternatibong Paraan sa Pagdiriwang ng Iba’t-Ibang Okasyon!

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpili sa mga alternatibong


pamamaraan sa pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon. (H4IS-IVhij 32)
2. Natatangkilik ang paggamit ng alternatibong pamamaraan sa
pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon, tulad ng BagongTaon, pista, at iba pang
espesyal na okasyon. (H4IS-IVhij 33)

II. Panimula

May karanasan na ba kayo na dumalo sa isang okasyon? Sa kultura ng ating bansa,


likas sa ating mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba’t ibang okasyon na dumarating. Kaya sa
bawat selebrasyon ay lubos natin itong pinaghahandaan upang ang ating pamilya ay laging
masaya. Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

Pag-usapan Natin

4
Mga tanong:

1. Anong okasyong ang ipinagdiriwang nila?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Paano nila ipinagdiriwang ang mga ito?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

III. Mga Sangguinian


 Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4
Kagamitan ng Mag-aaral, ph 407- 412
 Edukasyong Pagkatawan at Pangkalusugan 4
Patnubay ng Guro p. 210 – 213
 Car TRUNK Bday Surprise facebook.com
 Birthday Surprise Car Boot Decoration.com.fnp.com.In stock

IV. Mga Gawain

1. Pag-aralan Natin

Mahalaga ang alternatibong paraan sa pagdiwang ng iba’t-ibang okasyon para


makaiwas sa disgrasya kagaya ng maputulan ng mga daliri at mabulag ang mga mata
kung bagong taon. At ngayon, mas lalong kailangan natin ang pag-iingat dahil may
kinakaharap tayong pandemya. Sumunod tayo sa Health Protocols kagaya ng pagsuot ng
facemask at face shield, paghugas ng mga kamay at ang tinatawag na physical distancing
upang maiwasang mahawaan ng sakit. Marami na ang bawal ngayong panahon. Sa
pagdiriwang ng bagong taon at kapistahan , narito ang mga alternatibong pamamaraan
upang maiwasan ang sakuna o masamang dulot ng pagtitipon:

Pagdiwang ng bagong taon Pagdiwang ng mga kapistahan

– Pagpalo sa tambol - Pagdalo ng kapamilya lamang

– Pagbusina at paggamit ng torotot - Pagdasal sa patron

– Pagpukpok ng kaldero - Paghanda ng simpleng pagkain

– Pag-alog ng alkansya - Maghanda ayon sa abot na makakaya

5
– Pagkumpas ng tambourine

– At pagpapatugtog ng malakas

Narito ang maaring aternatibong pamamaraan sa pagdiwang ng kaarawan. Alamin kung


paano gawing espesyal ang inyong mga okasyon habang sinusunod ang safety measures
ngayong may pandemya. Hindi man bawal ang magkakaroon ng mga selebrasyon, dapat pa
ring iwasan ang malalaking pagsasalo-salo nang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ang
ilan nating madiskarteng kababayan, nakaisip ng paraan upang kumita at makatulong
magbigay selebrasyon sa mga kapwa Pilipino.

Sa Pera Paraan, napanood ang ilang nauusong gimik para sa inyong mga virtual party.
Tulad na lang ni Sharon na may-ari ng Surprise in a Car-- kung saan tagahatid sila ng mga
regalo, bouquet, at iba pang sorpresa sa mga may ipinagdiriwang na okasyon. Kagaya ng mga
larawan sa ibaba.

Mga tanong:

1. Ano anong mga okasyon ang alam mo?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Paano mo ipinagdiriwang ang isang okasyon sa new normal?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Ihambing ang pagdiwang ng okasyon noon at sa new normal.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Nanaisin mo bang magdiwang ng isang okasyon ngayong
panahon? Bakit ?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Magbigay ng mga alternatibong pamamaraan sa pagdiwang ng iba’t
ibang okasyon kagaya ng bagong taon, kapistahan at kaarawan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Pagsikapan Natin

6
1. Ano-ano ang mga pangyayari na maaring magdulot ng panganib sa
buhay ng tao kapag gala ng gala sa oras ng pandemya?
______________________________________________________
______________________________________________________

2. Ano ang mas makabubuting gawin sa isang okasyon?


______________________________________________________
______________________________________________________
3. Paano mo maipakikita ang pagtangkilik at paggamit ng alternatibong
pamamaraan sa isang okasyon?
________________________________________________________
________________________________________________________

Pagyamanin Natin

Kaya Natin!

A. Isulat ang (/) sa patlang kung sang-ayon at (X) kung di-sang-ayon


sa sinasabi sa bawat patlang.

_________1. Nagsisiksikan ang mga tao habang namimili sa tindahan para sa


kapistahan at hindi ginamit ang alternatibong pamamaraan ng
paghanda .
_________2. Dumalo ang mga piling tao sa isang okasyon at ipinatupad ang
safety measures.
_________3. Si Scarlett ay gumamit ng alternatibong pamamaraan sa
pagsalubong ng bagong taon sa pamamagitan ng pagpatunog ng
torotot.
_________4. Si Ana ay hindi na nagdiwang ng kanyang kaarawan para
makaiwas sa Covid-19 sa halip sinurpresa sya ng kanyang
pamilya sa pamamagitan ng “surprise in a car”.
_________5. Hindi pinahalagahan ni Daniel ang alternatibong pamamaraan sa
isang okasyon.

Pagsasanay

Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang appel..

1. Niyaya ka ng iyong kaibigan na dumalo sa isang kapistahan. Ano ang


gagawin mo?
A. Huwag nang sumama sa kaibigan
B. Sumama at uuwi na lampas sa curfew
C. Umalis ng walang paalam
D. Magagalit sa mga magulang

2. Ano ang dapat mong gawin sa iyong kaarawan?


A. Magpa deliver na lng ng pagkain
B. Magkumbida ng maraming kaibigan
C. Mag-usap ng walang social distancing
D. Magkantahan

7
3. Ipinagbabawal ang magkaroon ng okasyon sa iyong bayan. Ano ang
magiging reaksiyon mo?
A. Magagalit sa punong barangay
B. Lalabag sa batas
C. Makikipag-away sa otoridad
D. Sumunod sa batas

4. Ano ang tamang paraan ng pagdiriwang ng isang okasyon?


A. Ipagdiwang sa alternatibong pamamaraan na kasama ang buong
pamilya.
B. Ipagdiwang kasama ang buong barangay.
C. Ipagdiwang na may kantahan at sayawan.
D. Magsiksikan sa okasyon.

5. Ano ang alternatibong paraan ng pagdiwang ng isang okasyon para sa mga


minamahal?
A. Kumuha ng ”surprise in a car”
B. Magpa deliver ng pagkain
C. Mag virtual party
D. Lahat ng binanggit

V. Repleksiyon

Isulat ang lahat ng inyong natutuhan tungkol sa kahalagahan ng pagpili ng


alternatibong pamamaraan sa pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon. (Sumangguni sa
Rubrik na nasa ibaba para sa pagbibigay puntos)

______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG TALATA


MGA 5 4 3 2 1 PUNTOS
KRAYTERYA
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang May ilang Maraming
komprehensib nilalaman ng kakulangan sa bahagi ang kakulangan
o ang talata/sulat. nilalaman ng hindi angkop sa nilalaman
nilalaman ng talata/sulat. ang tema sa ng talata.
talata/sulat. pagsulat
Organisasyon Malinaw ang Malinaw ang May bahaging May ilang Maraming
daloyat daloy ng hindi gaanong bahagi ang bahagi ang
organisado ang paglalahad ng malinaw hindi hindi malinaw
paglalahad ng kaisipan. maintindihan ang
kaisipan ang paglalahad
pagkakasulat ng
kaisipan
Presentasyon Malikhaing Maayos na Hindi gaanong May ilang Hindi maayos
nailahad ang nailahad ang maayos na bahagi na nailahad
ang hindi

8
nilalaman ng nilalaman ng nailahad ang akma sa ang
talata/sulat talata/sulat nilalaman ng pagsunod nilalaman
talata/sulat sa panuto. ng
talata/sulat

Kabuuang Puntos

VI. Susi sa Pagwawasto

Panimula

1. Kaarawan, Kapistahan at bagong taon


2. Pinagdiriwang kasama ang pamilya, masaya, at nagtutulungan
(Ang mga bata ay maaaring magkakaiba ng sagot)

Pag-aralan Natin(Maaaring magkakaiba ang mga sagot)

1. Ano anong mga okasyon ang alam ninyo?


2. Paano ninyo ipinagdiriwang ang isang okasyon sa new normal?
3. Ihambing ang pagdiwang nga okasyon noon at sa new normal.
4. Nanaisin mo bang magdiwang ng isang okasyon ngayong panahon,Bakit ?
5. Magbigay ng mga alternatibong pamamaraan sa pagdiwang ng iba’t
ibang okasyon kagaya ng bagong taon, kapistahan at kaarawan.
Pagsikapan Natin (Maaaring magkakaiba ang sagot)

1. Ano-ano ang mga pangyayari na maaring magdulot ng panganib sa buhay


ng tao kapag gala ng gala sa oras ng pandemya?
2. Ano ang mas makabubuting gawin sa isang okasyon?
3. Paano niyo maipakikita ang pagtangkilik at paggamit ng alternatibong
pamamaraan sa isang okasyon?
4.
Pagyamanin Natin

1. X
2. /
3. /
4. /
5. /
Pagsasanay
5. A
6. A
7. D
8. A
9. D

9
Repleksiyon(Maaaring magkakaiba ang sagot)

10

You might also like