You are on page 1of 2

2nd Place

Jainee Lynne S. Flores


City of Mandaluyong Science High School

Karunungang Pampinansyal: Binhi ng Tagumpay

Pagtitipid, pangangasiwa at paggastos.

Tatlong salita na maaaring iugnay sa tuwing mapag-uusapan ang edukasyong


pampinansyal. Ang konsepto ng pagtitipid ay pumapasok kapag nag-iipon ang isang bata sa
alkansya. Pangangasiwa naman kung tawagin ang tamang pagtimbang sa mga bagay na
kailangan kumpara sa kagustuhan lamang. Sa huli, ang paggastos ay pwedeng iugnay sa
mabisang paraan ng paglalaan ng bawat kusing sa loob ng bulsa. Tatlong salita na maaaring
makapagbago sa buhay ng sangkatauhan lalo na ng kabataan. Mga gawain na magtutulak sa
atin sa rurok ng tagumpay, kapag naisapuso at naisabuhay.

Iba-iba ang paningin natin sa pera, subalit may isang katotohanan na hindi kailanman
mababago. Ito ay ang bawat barya ay may nakapakong halaga at upang magkaron ng maayos
na kinabukasan, nararapat lamang na bigyan ng importansya ang salaping ginagasta. Para sa
karaniwang Pilipino, ang pag-iimpok ay para lamang sa mayayaman. Dito sila nagkakamali. Dahil
bakit may mga taong tulad nina Steve Jobs at Walt Disney? Rags to riches ika-nga. Mula sa
simpleng pamilya subalit tinitingala na ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo. Marahil ang isang
susi sa tagumpay nila ay wastong pagkontrol ng perang pinaghirapan.

May tinatawag tayong Financial Edukasyon o karunungang pampinansyal. Tumutukoy


ito sa kakayahan ng isang tao na mabisang magamit ang kinikita at maipundar sa tamang
alokasyon. Dito na rin pumapasok ang pormula na inithala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
kaugnay sa tamang pag-iimpok. “Kita - Perang itatabi = Gastusin”. Iminumungkahi rin ng
nasabing ahensya na 10% ang ilaan na iipunin sa bawat sweldo ng tao.

Batay sa datos na inilabas ng Asian Developing Bank (ADB) ang Pilipinas ay pang 68 sa
mga bansa sa mundo pagdating sa karunungang pampinansyal habang naitaya naman ng World
Bank na 69% sa mga Pilipino ay walang Bank Account. Indikasyon ito na hindi sapat ang
kaalaman ng ating mga kababayan ukol sa kahalagahan ng matalinong paggastos.

Bilang solusyon sa problema, nakikipagtulungan ang BSP at Kagawaran ng Edukasyon


(DepEd) na hikayatin ang kabataan na magtipid, ang unang salik ng pinansyal na edukasyon.
Naglulunsad sila ng mga interaktibong programa tulad ng “Money Matters to Kids” (MMK) kung
saan aktuwal na nararanasan ng mag-aaral kung paano mag-deposit at mag-withdraw. Dagdag
pa rito, ang proyekto “Ipon Ipon din, a saving video” na naglalayong imulat ang menor-de-edad
sa kahalagahan ng pagkakaroon ng secured accounts sa bangko.
Page 1 of 2
Sa kabilang dako, kumikilos na rin ang ibang sektor ng pamahalaan. Sa katunayan,
kakapasa pa lamang ng Senate Bill 2212 o Youth Entrepreneurship Act na may hangaring mas
palawigin pa ang mga asignaturang tumatalakay sa “Financial Literacy”. Nakasentro ito sa
kabataan sapagkat batay sa datos ng United Nations (UN) kabilang sa “Youth Sector” ang mga
may edae 15-24 o mga estudyante sa sekondarya hanggang kolehiyo. Tamang pangangasiwa
ang sinosolusyunan dito, ang ikalawang salik.

Samantala, dumako naman tayo sa ikatlong salik o tamang paggastos. Kilala ang pinoy sa
pagiging ubos-ubos biyaya kung minsan. Ang mga patunay dito ay ang mga sumusunod: una,
mga artistang bumabalik sa isang kahig isang tukang pamumuhay matapos ang matagal na
kasikatan. Ikalawa, mga tinaguriang “one-day millionaire”, sila ang mga nanalo ng milyones sa
lotto ngunit pagkalipas ng ilang taon ay muling naghihirap. Ikatlo, mga atletang matapos
manalo o magkampeon sa iba’t ibang torneo ay naghihikahos muli.

Ito ang kulang sa atin, kawalan ng disiplina sa paggastos, kaya naman binuksan ng BSP
ang pintuan para sa mga taong hindi gaanong kalaki ang sweldo, upang magkaroon sila ng Bank
Account at hindi basta-basta makuha ng perang inipon. Tinatawag ito na Microdeposit kung
saan hindi lalagpas sa P100 ang maintaining balance. Layon nito na hikayatin ang publiko na
mag-ipon, mayaman man o mahirap.

Ang isang taong tunay na kumakatawan sa kahalagahan ng pag iimpok ay walang iba
kundi si Nick D’Aloisel, isang 18 taong gulang at tinaguriang pinakamayamang binatilyo sa
mundo na may $30 Milyon na net income. Siya ay isang entrepreneur at self-made millionare.

Lagi nating tatandaan na ang pagpapairal ng karunungang pampinansyal ay hindi


‘option’, isa itong obligasyon dahil sa bawat piso na masasayang natin, magsasara ito ng
maraming oportunidad. Pagkakataon na magkaroon ng panatag na kalooban sa oras ng
pangangailangan. Pagkakataon na maging isang bantog at matagumpay na indibidwal balang
araw.

Sa huli, ang tatlong salik sa itaas ang magiging pundasyon ng daan tungo sa
pagpupunyagi ng isang bata, isang pamayanan at isang bansa. Nararapat lamang na habang
maaga ay maipunla na ang binhi ng karunungang pampinansyal, diligan ng disiplina sa sarili at
determinasyong makaipon, upang sa huli isang masaganag bukas ang anihin ng bawat Juan dela
Cruz.

Page 2 of 2

You might also like