You are on page 1of 41

9

Modyul sa
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Palatandaan ng Pambansang
Kaunlaran
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Ikalawang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lynn C. Demafeliz
Editor: Lanilyn E. Gueta
Tagasuri: Michael M. Mercado
Lanilyn E. Gueta
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda
upang matutuhan mo ang araling “Palatandaan
ng Pambansang Kaunlaran.” Makikita sa
larawan ang mga nagtataasang gusali na isa sa
palatandaan ng kaunlaran ng isang bansa.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang


aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Konsepto ng Pag-unlad
Aralin 2 – Mga Palatandaan ng Pag-unlad Pinagkunan: pixabay.com

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul


na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan
sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nailalarawan ang konsepto ng “pag-unlad”;
2. Naiisa-isa ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran; at
3. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran (MELC).

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.

1. Ito ay kaisipang maaaring may kaugnayan sa pagsulong. Ito ay pagbabago


mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Ano ito?
A. kaginhawahan B. pag-unlad C. pagsulong D. pagyaman
2. Ayon sa paglalahad ni Feliciano R. Fajardo sa kaibahan ng pag-unlad sa
pagsulong mula sa kaniyang akdang Economic Development (1994) na ang pag-
unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Kung gayon, paano niya
inilarawan ang konsepto ng pagsulong?
A. Ang pagsulong ay may kahawig sa pag-unlad.
B. Ang pagsulong ay pag-usad mula sa isang lebel patungo sa ikalawa.
C. Ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad.
D. Ang pagsulong ay walang kaugnayan sa pag-unlad.
3. Sa paanong paraan inilarawan nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith and
tradisyonal na pananaw ng pag-unlad?
A. Ang pag-unlad ay pagsulong.
B. Ang pag-unlad ay sumasalamin sa yaman ng tao.
C. Ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan sa malawakang pagbabago sa
buong sistemang panlipunan.
D. Ang pag-unlad ay pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income
per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang
output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon.
4. Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ano pang panukat ang ginagamit upang
malaman ang antas ng pag-unlad ng isang bansa?
A. Human Development Index (HDI)
B. Literacy Rate
C. Peso-Dollar Exchange
D. Population Density

1
5. Alin ang hindi kabilang sa mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa ayon sa aklat ng Economics, Concepts and Choices
(2008) nina Sally Meek, John Morton at Mark Schug?
A. Edukasyon C. Teknolohiya at Inobasyon
B. Likas na Yaman D. Yamang Tao

Modyul
Palatandaan ng
1 Pambansang Kaunlaran
Ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa iba’t ibang sektor ng
ekonomiya ay may malaking tulong sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa. Ang
“Pambansang Kaunlaran” ay dapat na makamtan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay ang mga mamamayan ng bansa. Ang modyul na ito ay nakatuon sa
paglalarawan ng konsepto ng “Pambansang Kaunlaran” at masiyasat ang mga
palatandaan ng kakapusan.

Balikan
Itala ang mga institusyong bumubuo sa sektor ng pananalapi. Piliin ito sa
kahong nasa ibaba ng talahanayan.

SEKTOR NG PANANALAPI
MGA INSTITUSYONG BANGKO MGA INSTITUSYONG DI-BANGKO

Pawnshop o Registered
Pre-need Thrift Banks Rural Banks
Bahay Sanglaan Companies

Specialized
Commercial Insurance
Government Pension Funds Kooperatiba
Banks Companies
Banks

Tuklasin

Paghambingin ang
dalawang larawan at
sagutin ang tanong.

2
Mga Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng dalawang larawan?
2. Ano ang ipinakikitang sitwasyon ng Larawan A sa Larawan B?
3. Ano ang iyong nalalaman tungkol sa salitang “pag-unlad”?

Suriin
Konsepto ng Pag-unlad
Ayon sa diksyonaryong Merriam-
Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa
mababa tungo sa mataas na antas ng
pamumuhay. Ang konsepto ng pag-unlad ay
isang kaisipang maaaring may kaugnayan din
sa salitang pagsulong. Subalit sa aklat ni
Feliciano R. Fajardo na pinamagatang
Economic Development (1994), nilinaw niya
na may pagkakaiba ang dalawang konseptong
ito. Ayon sa kaniya, ang pag-unlad ay isang
Pinagkunan: sariling larawan ng may-akda
progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong
ay ang bunga ng prosesong ito. Samakatuwid ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad.
Inilarawan din niyang ang pagsulong ay nakikita at nasusukat samantalang ang pag-unlad ay
isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng
kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay at pananamantala.

Ayon naman sa aklat na Economic Development (2012) nina Michael P. Todaro at


Stephen C. Smith, mayroong dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang tradisyonal na
pananaw at makabagong pananaw. Ayon sa kanila, ang tradisyonal na pananaw ay inilalarawan
ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa
gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon
nito. Samantalang sa makabagong pananaw naman ay isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na
kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang
pansin sa iba’t ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa
nasabing sistema upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng
pamumuhay tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya.

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, ipinaliwanag naman niya


na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao
kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang
pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi
pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.

Halaw mula sa AP9 LM pp 380-381

Mga Palatandaan ng Pag-unlad


Pagsulong

Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Maraming bansa sa


kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo. Maraming modernong
gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mga korporasyon ang kumikita nang

Halaw mula sa AP9 LM pp 383

3
malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga dayuhang
mamumuhunan.

Ayon sa UNCTAD Investment Trends Monitor na nalimbag noong Enero 20, 2020, sa
taong 2019 ay may kabuoang 1.39 trilyong Dolyar na Global foreign direct investment (FDI) at
mas mababa ng konti sa taong 2018 na may 1.41 trilyong Dolyar.
Ayon din sa ulat nito ay mas malaki ang bilang ng mga dayuhang namumuhunan (FDI) sa mga
mauunlad na bansa kumpara sa papaunlad na bansa.
Pinagkunan: https://unctad.org/news/global-investment-flows-flat-2019-moderate-increase-expected-2020

FDI inflows: global and by group of economies, 2008–2019*


(Billions of US dollars)

Pinagkunan: https://unctad.org/news/global-investment-flows-flat-2019-
Ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunang ito ay nakapagtataguyod ng mas
mabilis na paglago at pagsulong ng kanilang ekonomiya. Subalit, laganap pa rin ang kahirapan,
kawalan ng sapat na edukasyon at patuloy na pagbaba ng antas ng kalusugan sa mga nasabing
papaunlad na bansa.

Ayon sa ulat ng International Monetary Fund noong 2013, malaki ang naitutulong ng
produktong langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa gaya ng mga nasa Kanlurang Asya
tulad ng UAE, Qatar at Saudi Arabia. Ang mga nasabing bansa ay nagtamo ng mabilis na paglago
ng ekonomiya dala ng kinita nila sa langis. Nakapagpatayo rin sila ng maraming gusali at
impraestruktura na talaga namang nakatulong sa pag-unlad. Bunga nito nakapag-angkat sila
ng mga makabagong teknolohiya, magagaling na manggagawa at mga dekalidad na hilaw na
materyales mula sa ibang bansa.

Nakasaad sa librong Economics, Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John
Morton at Mark Schug na may iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa maliban sa likas na yaman nito, at ito ay ang sumusunod:

1. Likas na yaman.
Bagamat malaki ang maitutulong ng likas na yaman tulad ng yamang lupa, tubig,
kagubatan, at mineral sa pagsulong ng ekonomiya hindi naman ito kasiguraduhan na
magkakaroon ng mabilis na pagsulong ng isang bansa.

2. Yamang Tao.
Ang pagsulong ng ekonomiya ay mapapabilis kung mas maraming output na nalilikha
ang lakas-paggawa ng isang bansa lalo kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa
nito na makalikha ng marami at mabilis na output.

3. Kapital.
Ang kapital ay may mahalagang gampanin sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa.
Tulad ng mga makina sa mga pagawaan bilang kapital ay may malaking naitutulong sa paglikha
ng mas maraming produkto at serbisyo.

4. Teknolohiya at Inobasyon.
Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.

Pag-unlad
Ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Ang halaga ng mga produkto at
serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon ay siyang nagiging sukatan ng pagsulong. Ilan sa
mga panukat nito ay ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP),
GDP/GNP per capita at real GDP/GNP. Ang kabuoang halaga ng mga produkto at serbisyo ay
hindi sapat na panukat lamang dahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang
kita at yaman ng bansa sa mga mamamayan nito. Ang mga numero, makabagong teknolohiya
at nagtataasang gusali ay hindi maaaring maging indikasyon ng kaunlaran ng isang bansa.

4
Ang konsepto ng pag-unlad ay hindi lamang makikita sa mga modernong kagamitan at
mga teknolohiya kung hindi mas higit pa rito. Dahil sa pag-unlad, kasama rito ang pagbabago
sa lipunan at pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao.

Ayon kay Fajardo, ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang
mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito
ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.

Ayon naman kina Todaro at Smith mula sa kanilang aklat na Economic Development,
ang pag-unlad ay isang multidimensional na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago
sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang
pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawas sa di-pagkakapantay-pantay at pag-alis ng
kahirapan.

Human Development Index

Ang Human Development Index (HDI) ay ginagamit din bilang panukat sa antas ng pag-
unlad ng isang bansa maliban sa Gross Domestic Product (GDP) at Gross National Product
(GNP). Ito rin ay isang pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao; kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.

Ang haba ng buhay at kapanganakan ay ginagamit na pananda sa pagsukat ng


aspektong pangkalusugan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng
isang sanggol kung ang mga umiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang
kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay.

Ang mean years of schooling at expected years of schooling naman ang ginagamit naman
na pananda sa aspektong edukasyon. Ang mean years of schooling ay tinataya ng United Nations
Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa mga
sarbey at sensus ukol sa antas ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang.
Ang expected years of schooling naman ay batay sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas
ng edukasyon. Ang expected years of schooling na itinakda ng UNESCO ay 18 taon.

Ang Gross National Income (GNI) per capita naman ang ginagamit na sukatan sa aspekto
ng antas ng pamumuhay.

Kahalagahan ng HDI

Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang
dapat na pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa., hindi lang ang
pagsulong ng ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0
(pinakamababang antas ng kaunlarang pang-tao) at 1 (pinakamataas na antas ng kaunlarang
pantao). Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarang pambansa ng
dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa
kaunlarang pantao. Bawat taon, ang United Nations Development Programme (UNDP) ay
naglalabas ng Human Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga
kasaping bansa nito.

Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad


ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay
na kayamanan ng isang bansa”. Sa pamamagitan ng mga pahayag na ito, na kinatigan pa ng
maraming empirical na datos at makabagong pananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran, ang
Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga
polisiya ng mga bansa sa buong mundo.

Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon
sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng
mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga pamimiliang ito ay maaaring
walang katapusan at maaaring magbago. Madalas na pinahahalagahan ng mga tao ang mga
bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng mga datos at impormasyon tungkot sa kita at
pagbabago. Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong
pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang
mga libangan, kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing
panlipunan. Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon
sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog at maayos na pamumuhay.

Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development


Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi
pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI), kahirapan (Multidimensional Poverty Index)

5
at gender disparity (Gender Inequality Index). Ang Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang
matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan at edukasyon sa mga mamamayan ng
isang bansa. Ang Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang
paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas
ng pamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwang o gap
sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang pagbibigay ng pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang
mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao.
Ang Human Development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang
nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob
dito. Tanging ang katotohanang ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan
ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao.
Halaw mula sa AP9 LM pp 384-388
Pinagkunan: Fajardo, F (1994) Economic Development, 3 rd Edition.Manila: Navotas Press; Todaro, M.P., Smith S. C. (2012) Economic Development, 11 th Edition,
USA: PEARSON; Meek, S., Morton, J., Schug, M.C. (2008) Economics Concepts and Choices. Canada: McDougal Mifflin Company; United Nations Development
Programme. Human Development Reports. Retrieved from http://hdr.undp.org/en/content/human-development-index-hdi on July 28, 2014; United Nations
Development Reports. Retrived from http://hdr.undp.org/en/humandev on July 31, 2014

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran,” halina’t sagutin ang ating gawain.

Gawain 1.1
Kilalanin Mo. Tukuyin ang mga naglahad ng konsepto ng pag-unlad at ang kaibahan
nito sa pagsulong. Piliin ang titik ng tamang sagot na nasa kahon. Ang sagot ay
maaaring maulit.
A. Feliciano R. Fajardo
B. Michael P. Todaro at Stephen C. Smith
C. Amartya Sen

1. Ang kaunlaran ay matatamo kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga


tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
2. Ang pag-unlad ay ang patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita.
3. Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso samantalang ang
pagsulong ay nakikita at nasusukat.
4. Ang pag-unlad ay kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong
sistemang panlipunan.
5. Ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad.

Gawain 1.2
Graphic Organizer. Ipaliwanag kung paano nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya
ng isang bansa ang sumusunod na salik ng pag-unlad.

Likas na Yaman

Yamang Tao

Kapital

Teknolohiya at Inobasyon

6
Isaisip

Gawain 1.3
Tanong-Sagot.

Kumusta mag-aaral? Sagutin


ang mga tanong sa pisara.
1. Ano ang pag-unlad?
2. Ano ang kaibahan ng pag-unlad at
pagsulong?
3. Ano-ano ang mga palatandaan ng pag-
unlad?
4. Paano nasasabi na ang isang
bansa ay maunlad?
5. Ano ang mga panukat ng pag-
unlad ng isang bansa?

Isagawa

Gawain 1.4
Ilarawan mo. Gumawa ng isang poster o karikatura na nagpapakita ng isang ideyal na
maunlad na bansa para sa iyo.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Deskripsiyon Puntos
Akma ang paglalarawan sa isang ideyal na maunlad na bansa. 15
Angkop ang ginamit na paglalarawan at mga simbolong
10
nakapagbibigay ng ideya ng paksa.
Kabuuan 25

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
A. pag-angat C. pagsulong
B. pag-unlad D. transisyon

2. Ayon sa kaniya, ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng


kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng
trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala.
A. Amartya Sen C. Michael P. Todaro
B. Feliciano R. Fajardo D. Stephen C. Smith

7
3. Salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa
maliban sa ____.
A. kalakalan
B. likas na yaman
C. teknolohiya at inobasyon
D. yamang-tao

4. Ito ay isa sa mahalagang salik ng pag-unlad dahil sila ang nakalilikha ng mga
tapos na produkto gamit ang kanilang mga kakayahan at pagiging malikhain.
A. kapital
B. likas na yaman
C. teknolohiya at inobasyon
D. yamang-Tao

5. Nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat
na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa,
hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito.
A. Gender Inequality Index
B. Human Development Index
C. Inequality-adjusted HDI
D. Multidimensional Poverty Index

Karagdagang Gawain

Gawain 1.5
Suring-Balita. Humanap ng isang balita na may kaugnayan sa mga suliraning
kinakaharap ng ekonomiya ng ating bansa at sagutin ang mga tanong.

Mga Tanong:
1. Ano ang nilalaman ng balita?
2. Anong mga suliraning pang-ekonomiya ang nabanggit sa balita? Ipaliwanag ang
mga nabanggit na suliranin.
3. Kung ikaw ang magpapaunlad ng ating bansa sa paanong paraan ka
makatutulong para mapaunlad ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

8
9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Iba’t ibang Gampanin sa
Pambansang Kaunlaran
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Iba’t ibang Gampanin sa Pambansang Kaunlaran
Ikalawang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine G. Olegario
Editor: Lorna June S. Vallano
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael Ross A. Linatoc
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo. Ang modyul na ito ay
isinulat ng may-akda upang matutuhan mo ang araling
“Iba’t ibang Gampanin sa Pambansang Kaunlaran.”

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin.


Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Mga Estratehiya na Makatutulong sa
Pag-unlad ng Bansa
Aralin 2 – Kahalagahan ng Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang
Kaunlaran

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang
makatulong sa pambansang kaunlaran (MELC);
2. Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano makapag-ambag bilang isang
Pilipino sa pag-unlad ng bansa; at
3. Nabibigyang-halaga ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para
sa pambansang kaunlaran.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.

1. Ang sumusunod ay ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng


bansa maliban sa isa. Ano ito?
A. maabilidad B. maalam C. makabansa D. makasarili

2. Paano maipakikita ang pagiging makabansa?


A. Pagbili ng mga imported goods
B. Pagsuporta sa mga KPop artist
C. Paninira sa mga produktong lokal
D. Aktibong paglahok sa mga programa ng komunidad

3. Ang pagiging mapanagutan, maabilidad, makabansa, at maalam ay ilan lamang


sa estratehiya na ________.
A. makatutulong sa pag-unlad ng bansa
B. makatutulong upang makapagtrabaho sa ibang bansa
C. makatutulong sa pagbagsak ng ekonomiya ng ibang bansa
D. makatutulong sa pagbagsak ng ekonomiya ng sariling bansa

4. Ang pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa


komunidad ay naglalarawan bilang isang _______ na mamamayan.
A. maabilidad B. maalam C. makabansa D. mapanagutan

5. Bilang isang maalam na mamamayan, ikaw ay kinakailangang bumoto ng


.
A. mali B. may pag-aalinlangan C. minsan D. ama

1
Modyul
Iba’t ibang Gampanin sa
2 Pambansang Kaunlaran
Bawat isa sa atin ay naghahangad ng isang maunlad na pamumuhay. Katulad
ng ibang mga bansa, ang Pilipinas ay nangangarap din na mapabilang sa mauunlad na
bansa na kadalasan ay tinatawag na “First World Countries”. Dahil sa hangaring ito,
napakahalagang matutuhan ang mga estratehiyang makatutulong sa pambansang
kaunlaran at maunawaan na ang bawat isa ay may mahalagang gampanin at
kakayahan sa pagkamit nito.

Balikan
HALO-LETRA. Ayusin ang mga halo-halong letrang nasa loob kahon batay sa
kahulugang ibinigay sa bawat bilang.

1. Ito ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.

PDAAGLUN

2. Bunga ng isang prosesong nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya.


PSAGLUNOG

3. Isang mahalagang salik na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.


ATO

4. Isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.


HMANU DTENVEELPOM XNEDI

5. Salik na makatutulong sa pag-unlad ng bansa na mas maparami pa ang mga


nalilikhang produkto at serbisyo.
ATYEKINOHOL

Mga Tanong:

1. Ano ang mga aspektong sinusukat ng HDI?


2. Ano ang mga indicator ng bawat aspekto ng HDI?
3. Dapat bang pagtuonan nang pansin ng pamahalaan ang mga aspekto at
indicator na ginagamit sa HDI?

Tuklasin

Pagmasdang mabuti ang


larawan. Pagkatapos ay sagutin
ang mga tanong sa iyong
kuwaderno.

2
Mga Tanong:
1. Ano ang nakikita sa larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang nais
ipahiwatig ng larawan?
3. Mahalaga bang maipakita ng mga tao
ang ganitong pag-uugali? Bakit?

Pinagkunan: https://pixabay.com/photos/hands-team-united-together-people-1917895/

Suriin

Sama-samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran


Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang mga mamamayan nito.
Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng
kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o
sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan
na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala
ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan.

Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiyang makatutulong


sa pag-unlad ng bansa:

Mga Estratehiya na Makatutulong sa Pag-unlad ng Bansa

1. MAPANAGUTAN

a. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng


kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makatutulong
upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang
magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng
edukasyon, murang programang pangkalusugan at iba
pa. https://www.google.com/search?q=p
aying+taxes+drawing+public+domain

b. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban.


Paglaban sa anomalya at korapsyon, maliit man o malaki sa
lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang
itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat
sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang
pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga
maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa
paaralan, pamahalaan, at sa trabaho.
https://www.google.com/search?q=figh
t+for+rights+clipart+public+domain
2. MAABILIDAD

a. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang


paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa
paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng
puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at
tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang
nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang
pag-unlad.

3
b. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat
nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang
kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.

3. MAKABANSA

a. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala


ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang
mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat
mamamayan upang umunlad ang bansa.

b. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng


bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang
produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong
Pilipino.

https://pixabay.com/illustrations/local-
4. MAALAM shop-stores-retail-business-2974159/

a. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng


mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung
pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may
malalim na kabatiran sa mga ito.

b. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa


komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang
ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad
ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa
ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong
magpapaunlad sa ating komunidad.

Halaw mula sa AP 9 LM pp. 353 - 354

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Iba’t ibang Gampanin sa


Pambansang Kaunlaran”, halina’t sagutin ang ating gawain.

Gawain 2.1
Hagdan ng Pag-unlad. Punan ng tamang impormasyon ang dayagram tungkol sa mga
estratehiyang makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Isulat sa loob ng maliit na kahon
ang estratehiya at sa itaas naman ay magbigay ng halimbawa. Gawin ito sa papel.

Halimbaw
Halimba a
Halimba wa
Halimbawa wa

Estratehiya Estratehiya Estratehiya Estratehiya


4
Gawain 2.2
Good or Bad. Isulat sa patlang ang Good ‘yan kung ang pangungusap ay naglalarawan
ng pagiging isang mabuting mamamayang Pilipino at Bad ‘yan kung hindi naman.

1. Pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral.


2. Ako ay tumatawid sa tamang tawiran.
3. Ang mali ay aking lalabanan at ang tama ay ipaglalaban.
4. Mas bibilhin ko ang produktong galing sa ibang bansa.
5. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan na sumali sa kooperatiba.
6. Ang pinakasikat na tumatakbong pangulo ang aking iboboto.
7. Iiwas ako sa pagbabayad ng buwis.
__________8. Sisikapin kong magtayo ng sariling negosyo.
9. Kung saan-saan ko itatapon ang balat ng kendi na aking kinain.
10. Hindi ko papayagan ang pabor o lagay sa mga transaksyong pang-
gobyerno.

Isaisip

Gawain 2.3
Tanong-Sagot.

Kumusta mag-aaral? Sagutin ang


mga tanong sa pisara.

1. Ano-ano ang mga estratehiya na


makatutulong sa pag-unlad ng
bansa?
2. Magbigay ng halimbawa ng mga
estratehiyang ito?
3. Paano makatutulong ang mga
estratehiyang ito sa pag-unlad ng
bansa?

4. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong


sa pag-unlad ng bansa?
5. Ano ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos
para sa pambansang kaunlaran?

5
Isagawa

Gawain 2.4
Ang Pangarap Kong Pilipinas. Bawat mamamayang Pilipino ay nangangarap ng isang
maunlad na pamumuhay. Tulad ng ating napag-aralan, nalaman nating mahalaga ang
sama-samang pagkilos upang maabot ang pambansang kaunlaran. Ano nga ba ang
iyong pangarap sa bansang Pilipinas? Ngayon ay gumawa ka ng isang editorial cartoon
na nagpapakita ng iyong pangarap sa Pilipinas at kung paano ito makakamit. Gamitin
ang rubriks upang maging gabay sa iyong paggawa.

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Deskripsiyon Puntos
Nakaakma sa paksa ang larawang naiguhit. 10
Ang mga simbolong ginamit ay malinaw, orihinal, at makabuluhan
10
sa karikatura.
Mahusay ng pagkakaguhit. Lahat ng simbolo ay napagsama-sama
5
ng maayos.
Malinis ang pagkakagawa. Malinaw ang lahat ng detalye. Naaangkop
5
ang kulay sa larawan.
Kabuuan 30

6
Tayahin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.

1. Bawat mamamayan sa bansa nito ay naghahangad ng isang maunlad na


pamumuhay. Ano ang dapat gawin ng bawat isa upang makamit ito?
A. Iatang sa mga kabataan ang pagpapaunlad ng bansa.
B. Kailangan ng sama-samang pagkilos para sa pag-unlad ng bansa.
C. Hayaan ang pangulo na kumilos mag-isa upang umunlad ang bansa.
D. Ipaubaya sa mga matatalino at mayayaman ang pagbibigay ng kontribusyon
upang umunlad ang bansa.

2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pagiging isang maabilidad na


mamamayan?
A. Bumoboto nang tama.
B. Nagbabayad ng buwis.
C. Bumuo o sumali sa kooperatiba.
D. Nakikilahok sa pamamahala ng bansa.

3. Kung ikaw ay nagbabayad ng buwis, nilalabanan ang mali, at ipinaglalaban ang


tama, ikaw ay isang .
A. maalam na mamamayan
B. maabilidad na mamamayan
C. makabansang mamamayan
D. mapanagutang mamamayan

4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang gampanin mo sa pag-unlad


ng bansa?
A. Mag-aaral akong mabuti.
B. Ipapasa ko ang aking modyul ng walang sagot.
C. Paminsan-minsan lang ako papasok sa aking online class.
D. Hihikayatin ko ang aking mga kamag-aral na mag-aklas laban sa
pamahalaan.

5. Mahalaga ang sama-samang pagkilos tungo sa pagkamit ng .


A. kasiyahan
B. kaunlaran
C. isang mithiin
D. kabutihang panlahat

7
Karagdagang Gawain

Gawain 2.5
Sagutan ang sumusunod na gawain.

Kunin ang Learner's Module ng Araling Panlipunan 9. Buksan sa pahina 361.


Gawin ang Gawain 18: Magsuri! Isulat ang sagot sa kuwaderno o sa hiwalay na
papel.

Kunin ang Learner's Module ng Araling Panlipunan 9. Buksan sa pahina 359.


Gawin ang Gawain 19: Awitin Mo at Gagawin Ko! Isulat ang sagot sa kuwaderno
o sa hiwalay na papel.

8
9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Sektor ng Agrikultura
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Sektor ng Agrikultura
Ikalawang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jellie Ann A. Accad
Editor: Marlene Q. Ting
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael Ross A. Linatoc
Tagaguhit: Lyka Faye P. Villarisco at Edward Jaye A. Nama
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo! Ang modyul na ito ay isinulat
ng may-akda upang matutuhan mo ang paksang “Sektor ng
Agrikultura”. Inaasahang pagkatapos mong pag-aralan ang
modyul na ito ay higit mong mauunawaan ang kahalagahan
ng sektor ng agrikultura sa ating ekonomiya at sa iyong pang-
araw-araw na pamumuhay.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang
sumusunod: Pinagkunan: Kagawaran ng Badyet at Pamamahala

Aralin 1 – Ang Sektor ng Agrikultura


Aralin 2 – Dahilan at Epekto ng Suliranin ng Sektor ng Agrikultura
Aralin 3 – Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang
sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency
-MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natatalakay ang bumubuo sa sektor ng agrikultura;
2. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
ekonomiya at bansa (MELC);
3. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda,
at paggugubat sa bawat Pilipino (MELC); at
4. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng
agrikultura (MELC).

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.
1. Mahalagang bahagi ng kaunlarang pangkabuhayan ang sektor na ito dahil ito ang
nagbibigay ng pagkain at mga hilaw na sangkap na pinoproseso upang maging isang
produkto. Ano ito?
A. agrikultura C. industriya
B. impormal na sektor D. paglilingkod
2. Ano ang karaniwang produktong matatagpuan sa sektor ng agrikultura?
A. Dumaan na sa pagproposeso C. Primaryang produkto
B. Nilikhang mga produkto D. Sekundaryang produkto
3. Ano ang pangunahing layunin ng Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform
Program na inaprubahan ni Pangulong Corazon Aquino noong 1988?
A. Magbigay ng libreng pabahay para sa lahat ng magsasaka.
B. Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka.
C. Magbigay ng tulong pinansyal sa lahat ng magsasaka ng bansa.
D. Maipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga magsasaka at sa mga
manggagawa sa sakahan.
4. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagliit ng
lupang sakahan o pagtataniman. Bakit nangyayari ito?
A. Mayroong kakulangan sa mga magsasaka.
B. Patuloy na paglobo ng populasyon sa bansa.
C. Kawalan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.
D. Nagkakaroon ng pagpapalit gamit ng lupa (land conversion) para pagtayuan ng
pabrika, pabahay at establisyimento.
5. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa pagtataguyod ng ekonomiya ng bansa?
A. Nagkakaloob ito ng serbisyong pampamayanan, panlipunan, o personal.
B. Pinoproseso nito ang mga hilaw na sangkap upang makabuo ng mga produktong
ginagamit ng tao.
C. Ginagabayan nito ang buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at
pagkonsumo ng mga produkto.
D. Tinutugunan nito ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan
mula sa pagkain hanggang sa sangkap ng produksiyon.

1
Modyul
Sektor ng Agrikultura
3
Sa nakalipas na talakayan, nabatid mong ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay
sa malaking pambansang kita nito na nagmumula sa sektor ng agrikultura, industriya ,at
paglilingkod. Tunay na may malaking gampanin ang bawat sektor sa pag-unlad ng bansa, lalo
na ang agrikultura. Dahil dito, kailangang malaman mo ang mga suliraning kinakaharap nito at
mga patakaran at programang ipinatutupad ng pamahalaan upang mas mapaunlad ang
agrikultura ng bansa nang sa gayon ay maging kabahagi ka sa pagtugon ng mga suliranin ng
agrikultura.

Suriin
Ang Sektor ng Agrikultura
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman at binubuo ng halos 7,641 na isla. Itinuturing
ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa, dahil sa lawak at dami ng lupain nito. Sa
kasalukuyan, malaking bahagdan ng lupain sa bansa ay nagkaroon ng pagpapalit lupa (land
conversion) mula taong 1988 hanggang 2016. Batay sa Dayagram 1 na nasa ibaba, naitala ang
malaking pagpapalit lupa sa rehiyon ng CALABARZON sa lawak na 26,739.3 hektarya na halos
66.34 porsyento ng lupain sa bansa.
Bunsod nito, sa paglipas ng panahon unti-unting lumiliit ang kontribusyon ng sektor ng
agrikultura sa Gross Domestic Income (GDI) ng bansa. Makikita sa Dayagram 2, mula sa taong
2009, mayroong 14.54 % na kontribusyon ang sektor ng agrikultura sa GDI hanggang bumaba
pa ito sa 8.82 % noong taong 2019.

Bagamat, lumiliit ang kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa ating pambansang kita,


hindi pa rin nito maitatanggi ang katotohanang pangunahing pinagkukunan ito ng pagkain at
mga hilaw na sangkap na kailangan para sa industriya. Matutunghayan sa Talahanayan 1, ang
datos tungkol sa tumataas na bahagdan ng pag-aangkat ng Pilipinas sa pangangailangang
produktong agrikultural nito mula taong 2014 hanggang 2018.

2
Malinaw na ipinakikita ng datos ang tungkol sa pangangailangan ng Pilipinas sa
produktong bigas at mais dahil sa malaking bilang ng pag-aangkat nito. Mapapansing sa
produktong bigas noong taong 2016 at 2017, bumababa ang pag-aangkat nito ngunit muling
tumaas noong 2018. Marahil bunsod ito ng kawalan ng suplay at lalo na pangunahing pagkain
ang bigas ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, umaangkat ang Pilipinas ng bigas sa kalapit bansa
nitong Thailand, Vietnam at India.
Kung susuriin, nangangahulugan ito na tumataas ang bahagdan ng pag-aangkat ng
Pilipinas at umaasa ito sa ibang bansa para matugunan ang pangangailangan sa produktong
agrikultural nito. Ang ganitong sitwasyon ay nagaganap bunga ng lumalaking populasyon ng
Pilipinas at hindi kayang matugunan ng lokal na produksiyon ang pangangailangan sa pagkain.
Samakatuwid, ito ang nagtutulak para magpatuloy ang pag-aangkat ng produkto sa ibang bansa
na maaaring maiwasan, kung papaunlarin ang sarili nating sektor ng agrikultura. Samantala,
bago natin pag-usapan ang mga isyu at suliraning kinahaharap ng sektor ng argikultura. Ano
nga ba ang kahulugan ng sektor ng agrikultura at ang mga bumubuo rito. Ang sektor ng
agrikultura ay binibigyang kahulugan bilang isang agham na may kinalaman sa paghahalaman
at pagpaparami ng mga hayop. Ang lahat ng gawain na may kaugnayan sa pagpaparami ng
hayop at halaman ay sakop ng agrikultura. (Antonio et al., 2016, 321). Gayundin, ang sektor ng
agrikultura ay binubuo ng espesyalisasyon at gawaing pamproduksiyong nababatay sa
heograpiya at pisikal na aspekto ng isang lugar. Dito nagkakaroon ng kasanayan ang mga tao
batay sa kanilang kapaligiran at ang nagiging uri ng hanapbuhay ay nakatuon sa mga gawaing
dulot ng kalikasan. Produktong primarya ang karaniwang nagmumula rito, mga produkto na
hindi dumaan sa pagproproseso. Makikita sa Pigura 1, ang mga bumubuo sa subsektor ng
agrikultura.

Pigura 1: Sub-sektor ng Agrikultura

Kahalagahan ng Agrikultura
Ang mataas na pambansang kita na nagmumula sa lahat ng sektor ng ekonomiya ang
nagiging batayan ng pag-unlad ng isang bansa. Dahil dito, mahalagang mapagtuunan ng pansin
ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura sapagkat dito kumukuha ng pagkaing tutugon sa
pangangailangan ng mamamayan at nakapagbibigay rin ito ng trabaho. Matutunghayan sa Pigura
2, ang ilan sa bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya at pag-unlad ng
bansa. Bakit nga ba mahalaga ito sa pagtataguyod ng ekonomiya?
Nababatid natin na ang sektor ng agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain
ng mga tao sa isang bansa. Sa pagpasok ng pandemyang COVID-19 sa Pilipinas, nahirapan ang
bansa sa pagkuha at pagpapanatili ng suplay ng mga produktong agrikultural na kailangan para
sa malaki nitong populasyon. Dahil sa patuloy na kawalan ng suplay ng mga produktong gulay,
bigas, isda, karne at iba pa ay nagdulot ito nang pagtaas ng presyo. Malinaw na ipinakikita ng
sitwasyon ang katotohanang nararapat bigyang-pansin ang pagpapaunlad ng agrikultura upang
patuloy nitong matugunan ang pangangailangan sa pagkain, hilaw na materyales at maiwasan ang
malawakang pag-aangkat.
Kaugnay nito, hindi lamang tagapagtustos ng pagkain ang papel ng sektor ng agrikultura.
Ito rin ay pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na kinakailangan sa produksiyon. Ginagamit
ng industriya ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa agrikultura upang makalikha ng
bagong produkto. Halimbawa, ang punongkahoy ay pinagmumulan ng maraming produkto tulad

3
ng papel, tabla at muwebles, goma at iba pa. Maraming produkto ang nalilikha buhat sa puno at
napakikinabangan ito batay sa kailangan ng tao at bansa. Samantala, kapag ang mga nakuhang
produkto sa sektor ng agrikultura ay hihigit sa pangangailangan ng mamamayan ay maaari itong
iluwas at ikalakal sa labas ng bansa. Dahil dito, ang agrikultura ay isang mahalagang
pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas mula sa mga produktong naibebenta sa pandaigdigang
pamilihan. Marami sa ating produkto tulad ng prutas, abaka, asukal, coconut oil, seaweed, mga
lamang dagat at iba pa ang iniluluwas sa ibang bansa na nakapagdaragdag ito sa pumapasok na
dolyar sa atin.
Dagdag pa, maraming mamamayan rin ang nagkakaroon ng hanapbuhay sa tulong ng mga
gawain ng agrikultura. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2018, nasa 24.29
% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang
nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, at tagapag-alaga sa paghahayupan. Gayundin,
mahalaga ang agrikultura dahil pinagkukunan ito ng sobrang manggagawa patungo sa sektor ng
industriya at paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at
pagliit ng lupa para sa pagtatanim, ang sobrang manggagawa sa agrikultura ay pinakikinabangan
ng sektor ng industriya at paglilingkod. Sa pangkalahatan, ang sektor ng agrikultura ay isang
mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya
ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan sa
pagpapalakas at pagtugon sa mga
pangunahing pangangailangan ng
mamamayan mula sa pagkain hanggang sa
sangkap ng produksiyon. Ang
kasiguraduhang sapat at tumutugon ang
makukuhang pagkain at hilaw na materyales
sa agrikultura, kasama nito ang mataas na
antas ng pagluluwas ng produkto sa ibang
bansa ay isang matibay na sandigan upang
makamit ang inaasam na kaunlaran.
Balikan muli ang datos sa Dayagram 2 sa itaas, kung ating titingnan ay ipinakikita nito ang
naging kontribusyon ng agrikultura sa kita ng bansa sa iba’t ibang panahon. Mapapansin mula
rito ang mabagal na pag-unlad ng agrikultura kung ihahambing sa tumataas na bilang ng sektor
ng paglilingkod. Bakit kaya unti-unting bumababa ang kontribusyon ng agrikultura sa
pambansang kita? Ilan sa mga kadahilanan, epekto at mungkahing solusyon ay inilahad sa Pigura
3.

Pigura 3: Dahilan, Epekto at Solusyon sa Suliranin ng Sektor ng Agrikultura


Suliranin/Dahilan Epekto Solusyon
A. Pagsasaka
1. Pagliit ng lupang pansakahan - Ang pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan 1. Tunay na
-Paglaki ng populasyon upang maging pansakahang nakasisira sa natural implementasyon ng
-Paglawak ng panirahan, komersiyo habitat ng mga hayop ng halaman. reporma sa lupa.
at industriya - Dagdag pa, ang pagkasira sa mga lupa. 2. Pagbibigay ng
- Magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng impormasyon at
2. Pangangailangan sa paggamit ng pananim. pagtuturo sa mga
teknolohiya - Nagdudulot ng mababang produksiyon at kawalan magsasaka ukol sa
-Kawalan ng makabagong ng inobasyon sa pagtatanim. paggamit ng makabagong
teknolohiya sa pagtatanim teknolohiya.
-Kulang sa post-harvest na mga -Kakulangan sa mga irigasyon o patubig 3. Pagbibigay ng subsidi sa
gamit -Nagdudulot ng matagal na transportasyon sa mga maliit na magsasaka.
-Mayroong pangangailangan sa produkto dahil sa kawalan ng farm to market road. 4. Pagtuunan ng pansin ang
pondo na mula sa pamahalaan. pagpaparami ng ani at
-Unti-unting napapabayaan ang mga magsasaka. klase ng itinatanim.
3. Kakulangan ng mga pasilidad at -Hindi natutugunan ang mga pangangailangan sa (Batay sa isinulat nila
impraestraktura sa kabukiran pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil at ipa Brown, Ernesto et al.
-Kawalan ng mga proyekto sa ba dahil sa walang suporta na nakukuha. 2019)
pagpapagawa ng mga kalsada at 5. Pagpapatayo ng mga
imbakan -Nawalan ng mga manggagawa at namumuhunan sa imbakan, irigasyon, tulay
sektor ng agrikultura. at kalsada.
4. Kakulangan ng suporta mula sa - Mas pipiliin ang pumunta sa industriya dahil sa 6. Pagtatatag ng mga
iba pang sektor insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng kooperatiba at bangko na
-Kawalan ng impormasyon at produksiyon at kita sa agrikultura. magpapautang sa
edukasyon sa lalong pagpapabuti magsasaka at
ng pananim. -Maraming magsasaka ang nahirapan makipaglaban mangingisda.
-Kawalan ng ahensiyang sa murang produkto mula sa ibang bansa. 7. Maaari ring magsagawa
magpapautang sa mga magsasaka. -Huminto ang maraming magsasaka at ipinagbili ang ng mga programa ang
lupang sakahan upang maging bahagi ng ilang ahensiya ng
5. Pagbibigay prayoridad sa sektor subdibisyon. pamahalaan para sa
ng industriya pagpapautang ng pondo o
-Mas binigyan ng pamahalaan ng - Kapag mayroong kalamidad ay maraming mga puhunan.
maraming proteksiyon at nasisirang pananim. 8. Pagtatakda ng tamang
pangangalaga ang industriya. presyo sa mga
produktong agrikultural.
6. Pagdagsa ng mga dayuhang 9. Paghihigpit sa mga
kalakal dayuhang produktong

4
-Pagkakaroon ng mababang quota agrikultural na
at buwis sa mga produktong pumapasok sa bansa.
pumapasok sa bansa. 10. Pagpapatupad ng mga
-Ang liberalisasyon na nagpabilis programa at batas na
sa paglago ng kalakalang panlabas nangangalaga sa
at pamumuhunan. kapaligiran lalo na sa
bawat lokalidad.
6.Climate Change 11. Pagbuwag sa programang
- Pagkakaroon ng Polusyon liberalisasyon ng pag-
B. Pangisdaan aangkat ng gobyerno.
1. Mapanirang operasyon ng - Nasisira ng thrawl fishing ang mga korales sa
malalaking komersiyal na karagatan.
pangingisda - Nauubos na ang mga yamang-dagat sa bansa.
-Ang pamamaraang thrawl fishing -Nasisira ang yamang-tubig ng bansa at nauubos na
na kung saan gumagamit ng ang mga makukuhang isda at halamang dagat.
malalaking lambat at pabigat.
- Pagsasagawa ng dynamite fishing
at paggamit ng mga maliit na butas -Habang lumalaki ang bilang ng populasyon ay unti-
ng lambat. unting bumababa ang bilang ng yamang-dagat dahil
sa dami ng kumokonsumo.
2. Epekto ng polusyon sa
pangisdaan -Ang mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay
- Pagtatapon ng mga dumi ng tao, hindi naghihikayat sa batang miyembro ng kanilang
basura at mga kemikal na sangkap pamilya na manatili sa sektor.
sa mga anyong tubig ng bansa.

3. Lumalaking populasyon sa
bansa.

4. Kahirapan sa hanay ng mga


mangingisda.
-Ang mga magsasaka at
mangingisda ay isa sa may
pinakamababang sahod na
natatanggap.
C. Paggugubat
-Nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap
1. Mabilis na pagkaubos ng mga na ginagamit ng mga industriya.
likas na yaman lalo na ng -Sa pagkawala ng kagubatan, nawawalan ng tirahan
kagubatan. ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
-Malawakang paggamit sa mga - Nagiging sanhi ng pagbaha na sumisira sa libo-
likas na yaman. libong ektaryang pananim taon-taon.
-Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed
ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon.
- Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng
pagguho ng lupa.

Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang


Sektor ng Agrikultura

Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor
ng agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikultura at ng mga
mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bunga ng mga nakaraan
at kasalukuyang desisyon na ginagawa ng mga namumuno ng bayan, gayundin ng mga
mamamayan na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa. Bunga nito, dapat nang
mapag-ibayo ang implementasyon ng mga batas at programa upang matiyak ang kaayusan sa
sektor ng agrikultura.

A. Mga Batas tungkol sa Sektor ng Agrikultura

MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA


1.Land Registration Act -Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga
ng 1902 titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.

2.Public Land Act ng - Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na
1902 nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16
ektarya ng lupain.
3.Batas Republika Blg. - Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration
1160 (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng lupain para sa mga rebeldeng
nagbalik-loob sa pamahalaan. Kasama rin sa bibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
4.Batas Republika Blg. - Nagbibigay- proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari
1190 ng 1954 ng lupa sa mga manggagawa.
5.Agricultural Land - Ito ay nilagdaan ni Pang. Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963.
Reform Code - Ayon sa batas, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari.
(Batas Republika Blg. - Inalis ng batas ang sistemang kasama.
3844)

5
-Sinimulan ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka. Ang
lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong
ibinayad ng pamahalaan sa may-ari.
6. Atas ng Pangulo Blg. -Isinailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
2 ng 1972
7. Atas ng Pangulo Blg. - Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya na lupa kung
72 walang patubig at tatlong ektarya lamang kung may patubig.
- Inilipat sa mga magsasaka ang pagmamay-ari ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi
kasama rito ang malawak na lupang tinatamnan ng niyog, tubo, pinya at iba pa.
8. Batas Republika Blg. - Ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ay isang programang isinakatuparan ng
6657 ng 1988 Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) o ang Republic Act No. 6657, na nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino noong Hunyo 10, 1988.
- Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim sa mga walang
lupang sakahan.
- Ang may-ari ay makapagtitira ng limang ektarya ng lupa at bawat anak naman ay bibigyan ng
tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang nagsasaka.
- Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa mga may-ari ay isinagawa sa paraan na:
a. Magbabayad ng salapi ng ilang porsiyento at ang ilang bahagi ay sa panagot o bonds ng
pamahalaan. Ang lupang hihigit sa 50 ektarya ay binayaran ng 25 % na salapi at 75% ay bonds.
Ang 24-50 ng ektarya ng lupa ay 30% ng salapi.
b. Pagbibigay ng Kredito sa buwis na binabayaran ng may-ari ng lupa.

B. Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura

PAGSASAKA/PAGTATANIM
1.Gulayan ng Bayan - Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka na may layuning magkaroon ng pagkain ang bawat
at Scholarship Pilipino.
- Itinayo ang Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship upang masiguro na ang mga anak
ng magsasaka ay makapag-aral.
2.KALAHI Agrarian - Ang mga sonang ito ay binubuo ng isa o higit pang munisipalidad na may layuning gawing
Reform Zones produktibo ang agrikultura.

3.K-AGRINET -Knowledge Networking towards Enterprising Agricultural Communities na nagbibigay ng


pagkakataon sa mga magsasaka, mangingisda at agri-entrepreneur sa mga pook rural na matuto at
makagamit ng ICT para sa pagkuha ng impormasyon.

4.Modernisasyon ng 1. Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)


Agrikultura -Upang mabigyan ng makabagong kagamitan sa pagsasaka, mga inbred rice seed, pinalawak na
tulong pautang, at mga agricultural extension service ang mga magsasaka at mga samahan ng
magsasaka alinsunod sa Batas Republika Blg. 11203 (Rice Tariffication Law)

2.Pagpapagawa ng mga kalsadang mula sa bukid hanggang palengke (Farm-to-Market Roads) para
mabilis na maibenta ang mga ani.

3.Subsidyong Pinansiyal para sa mga magsasaka ng palay


- Upang mabigyan ng tiyak na akses sa mga cash grant ang mga magsasaka na may isang ektarya
ng lupa o mas mababa pa at mga apektado ng tariffication ng bigas, sa pamamagitan ng Land Bank
of the Philippines.

4. Pagpapatupad ng sistemang patubig


- Ngayong 2020, naglaan ng P36.3 bilyon na pondo para sa pagsasaayos at pangangalaga ng mga
irigasyon at iba pang sistemang patubig sa pangunguna ng Kagawaran ng Agrikultura.

5. Seguro sa Pananim
- Upang pondohan ang buong premium ng Seguro ng 1,800,144 na mga benepisyadong magsasaka
at mangingisdang nasa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
PANGINGISDA
1. Pagtatayo ng mga - Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan, at nagsisilbing
daungan bagsakan ang mga daungan.
2. Pamamahagi ng - Naglaan ng pondo ang pamahalaan noong 2020 para bumili at mamahagi ng mga environment-
mga kagamitan sa friendly na kagamitan sa pangingisda (tulad ng mga gill net, kawil at pisi, bangkang de-motor at
pangingisda walang motor, at mga crab lift net) para sa 17,784 indibidwal na benipisyado at 279 samahan ng
mangingisda.
3. Philippine -Itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa pangisdaan ng
Fisheries Code of Pilipinas.
1998
4. Fishery Research - Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources
development at post-harvest technology ay patuloy na ginagawa upang masiguro ang pagpaparami
at pagpapayaman sa mga yamang tubig.
PAGTOTROSO
1.Community - Paglilipat ng teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na
Livelihood yaman ng bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union,
Assistance Program at plantasyon ng halamang medicinal sa Penablanca, Cagayan.
(CLASP)
2.National - Ang pangunahing layunin ng programa ay maingatan at protektahan ang kagubatan upang
Integrated Protected mailigtas ang mga hayop at pananim.
Areas System
(NIPAS)

6
3.Sustainable - Ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan. Isa ito sa istratehiya
Forest Management ng pamahalaan upang maiwasan ang squatting, huwad at illegal na pagpaaptitulo ng lupa at
Strategy pagpapalit gamit ng lupa.

Sa pangkalahatan, mapupuna ang unti-unting pagbaba ng kita ng sektor ng agrikultura bunsod


ng mga suliraning kinahaharap nito. Malinaw na ipinakikita sa Dayagram 2 (tingnan ang datos sa
itaas), ang pagbaba sa 8.82 % noong 2019 ng kontribusyon ng agrikultura sa GDI ng bansa. Halos
mas mababa na sa 10 % ang nagiging bahagi ng agrikultura sa kabuuang kita ng bansa at maaaring
magpatuloy ito kapag hindi ginampanan ng pamahalaan ang tungkulin nito. Ang papel ng pamahalaan
ay napakahalaga dahil malaki ang magagawa nito upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Ang mga
polisiya at programa na inilalatag sa agrikultura ay ipinatutupad ng mga ahensiya ng pamahalaan
tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR),
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Irrigation Administration at iba pang
ahensiya.
Sa isang banda, ang kawalan ng maayos na implementasyon, maling desisyon at prayoridad ng
pamahalaan sa mga patakaraan at programang inilatag ang nagbibigay-daan sa unti-unti paghina ng
sektor ng agrikultura. Gayundin, ang mga mamamayan mismo ay mayroong kritikal na pananagutan
bilang kumokonsumo. Dapat manguna ang mga mamamayan na ingatan at pangalagaan ang mga
likas na yaman sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit. Ito ay upang masigurong mayroon pang
magagamit ang susunod na henerasyon at hindi tuluyang maubos ang masaganang likas na yaman
ng bansa.
Hinalaw mula sa Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul, 2015 at
Project EASE Module 12- Sektor ng Agrikultura, Industriya at Pangangalakal

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol
sa “Sektor ng Agrikultura”, masasagot mo ba ang mga
gawain? Halina’t simulan mo na.

Isaisip

7
Isagawa
Gawain 3.4
Balita-Suri-Editoryal. Ikaw ay
nagtatrabaho sa isang pahayagan at
inaatasan kang magsulat sa bahagi ng
editoryal tungkol sa bagong ipinatutupad
na batas o patakaran ng pamahalaan sa
sektor ng agrikultura. Isaalang-alang ang
sumusunod na panuntunan sa
pagsusulat ng editoryal:
1.Basahin at unawain ang nilalaman ng
balita.
2.Sagutan ang mga tanong bilang gabay
mo sa paggawa ng iyong editoryal hinggil
sa kung ano ang epekto ng batas na “Rice
Tarrification Law” sa mga mamamayan.
Mga Tanong:
a. Anong batas o patakarang pang-
ekonomiya ang binibigyang -diin sa balita?
Ipaliwanag ang nilalaman nito.
b. Ano-ano ang maidudulot na epekto ng
“Rice Tarrification Law” ayon sa
Departamento ng Agrikultura?
c. Mayroon bang mabuting epekto ang
batas na ito sa mga magsasaka at
mamamayan? Ipaliwanag.
d. Kung ikaw ay isang magsasaka,
sumasang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang
pagpapatupad ng Rice Tarrification Law?
Bakit?
3.Maaaring magsaliksik din ng
Tayahin
mahalagang impormasyon sa ibang pang
artikulo, dyornal at sa pahayagan upang
makagawa ng iyong editoryal.
https://archive.journal.com.ph/editorial/
opinion/agrikultura-pangingisda-
pangangahoy
https://masipag.org/2020/03/masipag-
covid19-statement/
https://www.ibon.org/wp-
content/uploads/2015/11/IBON_August2
018_Hinggil-Sa-Rice-Tariffication.pdf
4.Gumuhit din ng isang editorial cartoon
kasama ng iyong ginawang likhang
editoryal.
5. Isaalang-alang ang pamantayan ng
pagmamarka sa gawaing ito.

8
9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Sektor ng Industriya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Sektor ng Industriya
Ikalawang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Bonnie Jay A. Taguinod
Editor: Lanilyn E. Gueta
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael Ross A. Linatoc
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang
matutuhan mo ang paksang “Sektor ng Industriya.”
Makikita ang iba’t ibang larawan sa sektor ng industriya.
Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin. Ito
ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Konsepto ng Industriya
Aralin 2 – Mga Bumubuo sa Sektor ng Industriya
Aralin 3 – Dahilan at Epekto ng Suliranin ng Sektor ng Industriya
Aralin 4 – Mahahalagang Gampanin ng Sektor ng Industriya
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo
ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natatalakay ang konsepto ng sektor ng industriya;
2. Natutukoy ang mga bumubuo sa sektor ng industriya;
3. Natataya ang mga kahinaan ng sektor ng industriya; at
4. Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga
patakarang pang-ekonomikong nakatutulong dito (MELC).

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.
1. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa sektor ng industriya?
A. paghahalaman C. pagmimina
B. paghahayupan D. pagsasaka
2. Alin sa mga sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na
materyal upang ito ay maging isang produkto?
A. agrikultura C. paglilingkod
B. industriya D. pangangalakal
3. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng sektor ng industriya sa isang
bansa?
A. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay.
B. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng kitang panlabas.
C. Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit materyal sa industriya.
D. Ito ang lumilikha ng mga tapos na produkto na tumutugon sa
pangangailangan ng mga Pilipino.
4. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng industriya?
A. Kakulangan ng kakayahan ng mga Pilipino sa paggawa.
B. Kakulangan ng dolyar at pananalapi na panustos sa sangkap na
inaangkat sa labas ng bansa.
C. Maraming dayuhan ang namumuhunan ang nagiging kakompitensiya
ng mga lokal na namumuhunan.
D. Ang lahat ng tatlong nabanggit ay mga suliranin ng industriya na
nagkakaroon ng malaking epekto sa takbo ng ekonomiya.
5. Alin sa sumusunod ang maituturing na suliraning dulot ng
industriyalisasyon?
A. Tumataas ang bilang ng mga manggagawa sa bansa.
B. Lalong lumalawak ang mga lupaing sakop ng mga panginoong
maylupa.
C. Nababawasan ang mga produktong ating nailalabas bunga ng
industriyalisasyon.
D. Lumalaki ang utang panlabas ng bansa bunga na rin ng paggasta na
kailangan sa programang industriyalisasyon.

1
Modyul

4 Sektor ng Industriya

Ang industriyalisasyon ay sinasabing senyales ng isang umuunlad na bansa. Ang


pag-unlad at pabago-bagong kapaligiran ng bawat industriya ay dulot ng iba’t ibang
sitwasyong maaaring epekto mula sa ibang sektor ng ekonomiya.

Balikan
Pagmasdan ang larawan ng magsasaka.
Magbigay ng mga kadalasang salitang
pumapasok sa isipan kapag pinag-uusapan ang
magsasaka at bigyan ng paliwanag ang mga
salitang naiugnay gamit ang relationship chart.
Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na
tanong.

Mga Tanong:

1. Bakit kadalasan ay iniisip natin na ang mga


magsasaka ay mahirap, naghihikahos sa
buhay, at maraming problemang kinakaharap?

2. Ano-anong suliranin ang kinakaharap ng


sektor na ito?

Tuklasin
Tingnan at suriin ang mga larawan. Isulat mo
sa iyong kuwaderno kung ano-ano ang mga
produktong iyong nakikita. Pagkatapos ay
sagutin mo ang mga tanong.

Mga Tanong:
1. Paano kaya nalilikha
ang mga produktong
nasa larawan?
2. Sino-sino kaya ang
mga lumilikha ng mga
produktong ito at ibang
mga ginagamit natin sa
pang-araw-araw?
3. Saang sektor kaya
nabibilang ang mga
ito?

2
Suriin
Sektor ng Industriya
Ang Pilipinas, ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB) ay may malusog na
sektor ng paglilingkod ng sandigan ng ating ekonomiya. Subalit kailangan ng bansa na magkaroon
ng ganoon ding kalakas na sektor ng industriya upang makapagbukas ng mas maraming
pagkakataong makahanap ng trabaho ang mga mamamayan. Ito ay isang pagpapatunay na ang
sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran. Pangunahing
layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng
mga produktong ginagamit ng tao. Karaniwang nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na
materyal upang mabuo ang mga produktong maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang
bahagi ng isang produkto tulad ng tornilyo sa kotse. Bunga nito, nakapagbibigay ang sektor na ito
ng trabaho sa maraming Pilipino na ipinakikita sa Talahanayan 1.

Talahanayan 1 Kabuoang Empleyo Ayon sa Industriya at Kabuoang Lakas Paggawa


(libo) 2000-2010

2002 2003 2004 2005 2006 2007 2008 2009 2010


Kabuoang
Lakas 33,674 35,120 35,629 35,494 35,806 35,919 37,058 38,196 39,289
Paggawa
Kabuoang
lakas- 30,251 31,553 31,741 32,875 33,185 33,671 34,533 35,478 36,489
paggawa
Agrikultura 11,311 11,741 11,785 12,171 12,164 16,364 12,328 12,062 12,260
Industriya 4,669 4,948 4,880 4,883 4,895 4,849 5,076 5,144 5,364
Paglilingkod 14,271 14,865 15,076 15,820 16,126 12,458 17,128 18,271 18,865
Pinagkunan: Labour Force Survey, National Statistics Office.(n.d.) .www.census.gov.ph retrieved on August 16, 2014

Batay sa talahanayan, ikatlo ang industriya sa nakapagbibigay ng trabaho sa mga


mamamayan. Higit itong mababa kumpara sa agrikultura at paglilingkod. Ang karagdagang dami
ring napapabilang dito ay mas maliit kaysa sa potensiyal na kaya nitong tanggapin. Sa kabila nito,
kinakailangan pa ang ibayong pagtutok upang maging maayos at malusog ang sektor ng industriya.
Kung magiging malakas ang sektor, higit na maraming tao ang magkakaroon ng hanapbuhay. Ang
mataas na kita ng ekonomiya ay higit na mararamdaman kung ang halos lahat ng mamamayan ay
mayroong pinagkakakitaan. Ang bansang may mataas na pag-unlad sa kanilang kabuoang kita ay
inaasahang makapaghahatid nang mas maayos na buhay para sa mamamayan.

Ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na sekondaryang sektor:


• Pagmimina. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at
enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto
(halimbawa ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring kalakal (halimbawa ay
tornilyo para sa kotse). Ang mismong produkto, hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng
kita para sa bansa.
• Pagmamanupaktura. Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ang pagmamanupaktura ay
tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga
makina. Dagdag dito, inilarawan din ng Australian and New Zealand Standard Industrial
Classification (ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga
materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
• Konstruksiyon. Kabilang dito ang mga gawain tulad ng pagtatayo ng mga gusali,
estruktura at iba pang land improvements. Halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang
bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan. Kasama rin sa
sekondaryang sektor na ito ang probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at
konstruksiyon tulad ng pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang ang personal na
konstruksiyon ng mga tirahan.
• Utilities. Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan
ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente at gas. Sa sekondaryang
sektor na ito, Malaki ang papel ng pamahalaan upang masiguro ang maayos na serbisyo.

3
Kasama sa mga tungkuling ito ang paglalatag ng mga impraestruktura at angkop na
teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao. Ito ay bilang
paninigurong ang bawat mamamayan ay maaabot ng mga nasabing serbisyo.

Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng


bansa. Ang bansa, ayon sa artikulo mula sa Economy Watch, ay ikatatlumpu’t dalawang (32)
bansa na may pinakamalaking ekonomiya sa mundo at may GDP na US$188.719B noong 2010.
Dahil dito, ang Pilipinas ay may napakalaking potensiyal upang maging ganap na industriyalisado.
Dagdag ni Ginoong Usui ng ADB, ang Pilipinas ay maaaring maging pangunahing lokasyon ng
produksiyon sa Asya. Sa panahong naghihigpit ang pamilihan ng manggagawa sa ibang mundo,
at habang patuloy na bumabangon pa lamang mula sa mga kalamidad ang ibang bansa at sa
gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng Yen, ang Pilipinas ay may isang napakalaking
pagkakataon upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan. Inaasahang ang tagumpay ay
hindi malayo para sa mga Pilipino.

Epekto ng Industriyalisasyon
Ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran, ayon sa mga ekonomistang sina Adam
Smith (1776), Marx, Engels, (1848 at John Williamson (1990), ang patuloy na motibasyon ng
maraming bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya. Ngunit ayon din sa kanila,
sa kabila ng mga benepisyo na dala ng mga industriyalisasyon sa mga mamamayan, marapat na
makita rin ang epekto nito. Mangangailangan ng kritikal na pang-unawa at pagninilay upang
mapagtimbang ang kahalagahan at epekto ng industriyalisasyon at ang pangmatagalang
implikasyon nito sa lipunan at sa bansa. Ayon sa mga ekonomistang nabanggit sa itaas, ang
industriyalisasyon ay nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon, hindi pagkakapantay ng
kalagayang pang-ekonomiko, at ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil
sa paglakas ng kumpetisyon. Nabanggit din sa batayang aklat na isinulat nina Balitao et al. (20212)
na ang polusyon at pagkasira ng kapaligiran ay masyadong mabilis dulot ng industriyalisasyon.
Samantala, batay naman kay Williamson (1999), ay maaari ring maging dahilan upang bumaba
ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip na tapusin
ang kanilang pag-aaral. Dahil dito, inaasahang maging mapanuri at matalino ang pamahalaan.
Totoong maraming benepisyo kapag nakamit ng bansa ang kalagayang industriyal na karaniwang
nakaugnay sa kaunlaran. Subalit, nangangailangan ding maunawaan at makilala ang mga
negatibong epekto nito, higit kung ang isang bansa ay may kahinaan sa regulasyon na
ipinatutupad. Tandaang ang pamahalaan ay may responsibilidad pangalagaan ang limitadong likas
na yaman ng bansa upang masiguro na maiingatan ang mga ito. Gayundin naman, dapat maikintal
sa mga mamamayan na ang bawat isa ay katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod at pag-iingat
ng ating yamang likas dahil kapag napabayaan, maaaring wala ng magamit pa ang susunod na
henerasyon ng mga Pilipino.
Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang
iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa modernization
theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasandra na nagsaad na ang kaunlaran ay
matatamo kung susundan ang mga dinaraanang proseso ng mga mauunlad na bansa, ayon naman
sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga
kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng
transpormasyon ang isang lipunan mula sa pagiging ‘rural, agricultural, atrasado, at mapamahiin
patungong urban, industriyal progresibo, at modern’. Ang paniniwalang ito ay naging isang mainit
na paksa sa maraming panig ng mundo dahil sa magkakaibang paniniwala at kalagayan. Ang isang
debate tungkol sa teorya ay batay sa hindi magkakaparehong katangian ng mga bansang
papaunlad. Ngunit sa anomang kaparaanan, malinaw ang mensaheng ninanais ng bawat bansa,
ito ang makamit ang kaunlarang mayroon ang mayayamang bansa tulad ng Japan, Singapore,
Switzerland, at iba pa. Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng
industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya at pag-
unlad ng mga industriya. Higit sa lahat. Tinutukoy nito ang pagbabagong teknolohikal sa
sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya. Nagpapakita ito ng
pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip na panatilihin ang isang kaayusang
tradisyonal. Pinakatiyak na katibayanng industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriya na
pagawaan. Masasabing may kaunlarang pang industriya kung lunos na napakilos ang lahat ng
mga pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.”
Pinagkunan: Viloria, E., Cruz, N., Rillo, J. & Lim, A. (2000). Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon Quezin City: SD Publication.,
http://www.academia.edu/3596310/Rostows_theory_of_modernization_development Retrieved on November 7, 2014

4
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Industriya
at Pangangalakal

Mula sa mga talahanayan tungkol sa investment, makabubuo tayo ng konklusyon na ang


Pilipinas ay nakapagtala ng mas mababa sa maaaring asahan dito. Sa pagdaan ng mga panahon,
matitiyak ang unti-unting pagbaba sa kontribusyon ng sekondaryang sektor ng
pagmamanupaktura sa ekonomiya, gayundin ang pagbaba sa pangkalahatang
pamumuhunan.

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from
http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Gayundin naman, ilan sa mga naging impresyon ng mundo sa Pilipinas ay hindi


maikakailang hindi kaaya-aya. Ilan sa mga impresyong ito ang sumusunod:

“In 2009, the Philippines ranked 43rd out of 57 countries and last among five ASEAN
members; next to last in infrastructure; and 51st in economic performance in the IMD Global
Competitiveness Report; and placed 139th out of 180 countries (6th among the ASEAN-6) in
the Transparency International’s Corruption Perception Index. In 2010, the country ranked
144th among 183 countries and also last among the ASEAN-6 in the International Finance
Corporation/ World Bank’s (IFC/WB)”.
Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from
http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development


Plan 2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa nasabing plano, ang sumusunod
na aspekto ay tututukan: (a) mas maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo, (b) mataas na
produktibidad at maayos na paggawa; at (c) mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili. Ang
nasabing plano ng pamahalaan ay isang pagsisikap upang mapaunlad ang sektor ng industriya.
Malinaw ang layuning nakasaad sa nasabing plano. Subalit tulad sa mga nakaraang panahon,
ang katatagang maipatupad ang mga plano ang pinakamalaki pa ring balakid upang masiguro
ang pangmatagalang benepisyo mula rito. Ilan sa direksiyon ng pamahalaan ay pagsasaayos ng
ilang mga polisiya upang masigurong ang mga ito ay magpapatatag at kaaya-ayang kondisyon sa
pagnenegosyo para sa local at dayuhang mamumuhunan. Ilan sa mga inaasahang may pagbabago
sa mga patakaran ang sumusunod:
Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of
1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong
industriya ng Board of Investment (BOI)
Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga gawaing hindi patas
pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal
ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo.
Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta sa patas na
pakikipagkalakan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa. Pagsisiguro
din ito na ang Pilipinas ay makasusunod sa pandaigdigang pamantayan pagdating sa
panuntunan ng custom batay sa naging komitment ng bansa sa Kyoto Convention.
Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay magiging
kaaya-aya sa pagnenegosyo.
Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang mga R and D na
isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat ang mga pribadong sektor na

5
magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas ang pagsasagawa
ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat.
Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto
ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay.
Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang suporta sa
pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa
pagbibigay ng trabaho.

Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang pagtataguyod sa


industriya. Bilang suporta, nakikita ng pamahalaan ang pangangailangan sa pagkakaroon ng
kalidad sa lakas paggawa na naaayon sa demand ng pamilihan. Kinakailangan ding malinang
ang impraestruktura at ang mga regulasyong ipinatutupad upang ganap na mapabuti ang sosyo-
ekonomikong kapaligiran. Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang
matamo ang nasabing adhikain:
Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya
sa pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama ang pribadong
sektor, upang magamit nang husto ang mga likas na yaman.
Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng industriya.
Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad sa
pamamagitan ng training at opportunity building.
Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal) at manguna sa
paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industriyal sa ibang bansa.
Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng katanggap-tanggap
na kapaligiran sa pagnenegosyo.
Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong sektor, upang
mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng
bansa.

Makikita rin ang layunin ng pamahalaang maisaayos ang kalagayan sa mga


sekondaryang sektor ng industriya:
Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala bilang pangunahing tagapagpakilos ng
ekonomiya. Upang masiguro ang pagkilala sa mga produktong ito na mula sa Pilipinas, ang
pagkakaroon ng brand. Dapat ding makaakit ng mga negosyanteng maaaring ang pokus ay iba
pang larawan na malaki ang demand tulad ng paggawa ng mga gadyet na patuloy na lumalaki
ang pangangailangan sa buong mundo.
Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa siyam (9) na milyong
ektarya sa bansa ang posibleng may metallic na mineral. Dahil sa malaking potensiyal nito, ang
pamahalaan ay naglalayong mapabuti pa ang sekondaryang sektor na ito ng industriya. Nais na
mapalakas ang kakayahan nito na makabuo ng mga tapos na produkto mula sa mga hilaw na
sangkap at maipagbili sa dayuhang pamilihan. Habang nagnanais ang pamahalaan na mapabuti
ang kontribusyon ng pagmimina, hinahangad ding mapasunod ang lahat sa polisiya tungkol sa
matalinong paggamit ng ating likas na yaman. Ito ay pagsisiguro na magiging responsable ang
bawat isa sa paggamit ng mga yamang mayroon ang bansa habang nagkakamit ng kaunlaran.
Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestruktura ng bansa ay inaasahang magiging isa sa
mga prayoridad ng pamahalaan. Ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, pagtatayo ng mga
bagong paliparan at daungan, at iba pa ay isang patunay kung gaano kaseryoso ang pamahalaan
sa pagpapatatag ng ekonomiya.
Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro upang ang iba
pang mga nakapaloob na gawain sa sektor ng industriya tulad ng homestyle products; pag-
aalahas; motor vehicle parts and components; tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at
iba pa ay magiging matibay na sandigan ng ekonomiya. Ang mga polisiya ng bansa at pagbuo ng
pangalan at kalidad sa mga produktong mula sa bansa ay isang malaking hamon upang
masiguro ang kakayahan ng industriyang makipagkompetensiya sa mga bansang nangunguna
sa kalakalang panlabas.
Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from
http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Halaw ang mga teksto sa Suriin mula sa Ekonomiks Araling Panlipunan Learner’s Module
Yunit IV pahina 388-403

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol


sa “Sektor ng Industriya”, simulan mong sagutan ang
sumusunod na gawain. Galingan mo!

6
Pagyamanin

Gawain 4.1
Balita-Suri. Basahin at unawaing mabuti
ang balita. Sagutin ang mga tanong. Gawin
ito sa hiwalay na papel.
Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang balita?


2. Paano nakaapekto ang pandemyang
dulot ng COVID-19 sa ilang mga
negosyo at industriya sa Pilipinas? sa
mga manggagawa?
3. May epekto kaya ang pagsasara ng
maraming industriya at negosyo sa
ekonomiya ng ating bansa?
Patunayan ang iyong sagot.
4. Sa iyong sariling pananaw, anong mga
hakbang o paraan ang dapat gawin ng
pamahalaan para manumbalik ang
sigla ng industriya sa ating bansa sa
kabila ng hamon na kinakaharap ng
mundo dahil sa pandemya?

Isaisip
Kumusta mag-aaral? Sagutin
Gawain 4.2 ang mga tanong sa pisara.
1. Ano ang sektor industriya? Ano-anong gawaing
pang-ekonomiko ang sinasaklaw nito?
2. Bakit patuloy na binibigyang-diin ang
pagpapaunlad ng industriya? Ano ang papel
nito sa ating ekonomiya? Ipaliwanag.
3. Ano ang kabuluhan ng industriyang
sambahayan sa mga Pilipino?
4. Ano ang papel ng teknolohiya sa
industriyalisasyon ng isang papaunlad
na bansa gaya ng Pilipinas?
5. Ano-anong mga dahilan ang maaaring
makaapekto sa pagpili ng teknolohiyang
gagamitin?

Isagawa

Gawain 4.3
Iguhit Mo. Nabatid mong mahalaga ang ginagampanan ng mga manggagawa, investor,
at pamahalaan sa pag-unlad ng industriya. Ipakita ang iyong natutuhan sa pamamagitan
ng paggawa ng poster kung paano ka makatutulong sa pagbangon ng mga industriyang
naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19. Gamitin ang rubriks sa ibaba sa
pagmamarka.

7
Rubric sa Paggawa ng Poster:
Deskripsiyon Puntos
Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto. 10
Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster. 10
Malinis at maayos ang kabuoang presentasyon. 10
Kabuuan 30

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa papel.
1. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sektor ng industriya?
A. konstruksiyon ng tulay C. pagbuo ng makinarya
B. pagbabangko D. paggawa ng damit
2. Bakit mahalaga ang magkaroon ng makabagong teknolohiya sa mga pagawaan?
A. Unti-unti nitong inaalis ang manual labor sa mga pagawaan.
B. Mabawasan ang bilang ng mga manggagawa sa isang pagawaan.
C. Maaantala ang pagluluwas ng mga lokal na produkto sa ibang bansa.
D. Mapatataas nito ang produksiyon ng mga manggagawa sa mga pagawaan.
3. Anong sangay ng pamahalaan ang tuwirang tumitingin at nangangalaga sa larangan ng
industriya at pangangalakal?
A. Department of Agriculture
B. Department of Finance
C. Department of Labor and Employment
D. Department of Trade and Industry
4. Alin sa sumusunod ang maaari mong gawin bilang konsyumer upang matulungan ang
mga lokal na industriya sa ating bansa?
A. Pagbili ng mga nakaw na kalakal
B. Pagbili sa mga tindahang dayuhan
C. Pagbili sa black market upang makamura
D. Pagbili ng mga produktong mula sa cottage industry
5. Ang industriyalisasyon sa kasalukuyan ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang
bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng
pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami
ang limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi
nagpapatotoo rito?
A. Unti-unting nasisisra ang ating kapaligiran fulot ng polusyon at masyadong
mabilis na industriyalisasyon.
B. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas
maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
C. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay
nakaapekto sa availabililty ng hanapbuhay para sa mga manggagawa.
D. Ang bansang may mabilis na industriyalisasyon ay nakatutulong sa pagbabayad
ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita.

Karagdagang Gawain
Gawain 4.4
Your Opinion Matters! Maraming nagsarang mga negosyo at industriya sa ating bansang dulot ng
COVID-19. Bunga nito, humina at bumagal ang dating masiglang ekonomiya ng bansa. Gamit ang
internet o mga pahayagan, magsaliksik ng mga industriyang naapektuhan ng pandemya at magbigay
ng isang suliraning kinakaharap ng bawat isa at ang katuwang na ahensiya ng pamahalaang
maaaring mamahala upang matugunan ang bawat suliranin. Ibigay din ang iyong mga mungkahing
solusyon sa mga suliraning ito.

Suliranin ng Ahensiya ng Mungkahing Solusyon


Pangalan ng Industriya
Industriya Pamahalaan ng Mag-aaral
1.
2.
3.

You might also like