You are on page 1of 5

Cagayan de Oro Network Archdiocesan School

St. Isidore School of Medina, Misamis Oriental Inc.


Medina, Misamis Oriental, 9013
Recognition nos: Prep:K10-201 s.2020: Elem: E10-201 s. 2020; JHS: J10-201s. 2020; SHS Permit no. S10-301. 2020
Email: st.isidore_school@yahoo.com/st. Isidoreschool.medinamisor@gmail.com

FOR JUNIOR HIGH SCHOOL MODYUL-1

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

NAME: _______________________________ GRADE & SECTION:____________________________

TEACHER:_____________________________ DATE:__________________________

PREPARED BY: MR. CHRISTHIAN ROY L. AGUILAR, LPT


ARALIN 1: Isip at Kilos-loob, Kapangyarihang Kaloob sa Atin ng Diyos

Mahalagang Kaisipan

Ang katotohanan ang magpapalaya sa


tao. Ito ay pagpapahalaga sa kung ano
ang totoo. Walang halong
pagpapanggap o pagsisinungaling.
Masakit man tanggapin kung minsan, sa
pagkapit lamang sa katotohanan
nagkakaroon ng kapayapaan ang
isipan ng tao.

Sa iyong paglago bilang tao, tumataas


din ang iyong mga tunguhin, hindi lamang upang mabuhay para sa sarili nang masaya at may
pananagumpay, kundi itinutuon mo na ang iyong pansin sa iyong kapuwa-tao. Sa ganitong
pagkakataon, turmataas din ang gamit mo sa iyong isip at kilos-loob.

Isip at kilos-loob ang mayroon ang tao na wala ang ibang nilikha. Sa tulong ng dalawang
kapangyarihang ito na kaloob sa atin nakagagawa tayo ng angkop na kilos upang mahanap natin
ang katotohanan at naising gawin ang mabuti.

Sa panahon ngayon na laganap ang pandaraya dala ng mahigpit na kom- petisyon sa


komersyo at mabilis na daloy ng komunikasyon, higit na dapat linangin ng bawat tao lalo na ang
mga kabataan na target ng komersyal- ismo, ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
upang makilala niya ang kaniyang mga kahinaan sa pagpapasiya upang magkaroon siya ng
manuring pag-iisip. Ito ang makatutulong sa kaniya upang maiwasan niya ang lahat ng uri ng
panlilinlang.

Higit sa lahat ang mataas na gamit ng isip at kilos-loob ay makatutulong sa kaniya sa


paghahanap sa katotohanan at sa paglilingkod pagmamahal.

PAG-ALAM

Mahalagang' espiritwal na handog ny Diyos sa tao ang isip, (intellect) at lilos-loob (will). Ito ang
nagpapaangat sa kaniya sa iba pang nilikha, Ang isip ang sumusuri, kumikilatis, at nagpapasiya.
Pangunahing tunguhin nito ay ang alamin ang katotohanan: Ang kilos-loob naman ang nagsisil-
bing tagapaggapyak upang gustuhin ny tao ang isang kilos o gawain. Ang mataas na' tunguhin nito
ay ang gumawa ng kabutihan, ang magmahal, at maglingkod.

Mahalagang gabay ng kilos-loob ang isip sapagkat ito ang nakakikilala sa katotohanan at
hindi lahat ng gusto ng kilos-loob ay mabuti. Madali nating mauunawaan, ang ugnayan nito.
Halimbawa, ang isang tong may bisyo tulad ny paninigarilyo. Mahirap siyang awatin sa paninigarilyo
dahil gusto niya ito at kaniya itong hinahanap-hanap. Ngunit mabuti bang manigarilyo? Ano ang
katotohanang hatid ng paninigarilyo sa' kalusugan ng taong may bisyo nito? Sakit tulad ng
emphysema, sakit sa baga, at iba pa. Subalit alintana ba ito ng mga taong lulong na sa
paninigarilyo? Hindi. Tanging ang mga tong pinangingibabawan ng isip at katuwiran ang titigil
kapag nalaman ang katotohanan sa likod ng paninigarilyo.

Bulag na taga-akay ang kilos-loob kung kaya't mahalagang isip ang umaakay sa kaniya tungo sa
katotohanan. Hindi lahat na gusto ng kilos-loob ay tama, ang isip ang dapat laging pinaiiral upang
hindi madaya ng masama at makagawa ng mga pasiya at kilos na pagsisisihan niya sa huli.

Narito ang ilan sa mga madalas na parang ginagamit sa pandaraya at panloloko:


1. Komersyal ng mga produktong pampaganda, pampaputi, pampa- payat, at iba pa.

2. Pakikipag-ugnayan lalo na sa mga social networking sites.

3. Mabilis at malaking pagkita ng pera tulad ng paluwagan; pyramiding, networking at online


gaming

4. Mga promo tulad ng "buy one take one"

5. Text messages na magbibigay ng libreng load

Kung paiiralin lamang an isip, pababawasan ang mga naloloko dahil mulat sila sa katotohanan at'
nakikilatis nila kung masama o mabuti ang layon sa kanila ng kausap. Subukin nating kilatisin ang
katotohanan sa likod ng mga nabanggit.

1. Mga produktong pampaganda, pampaputi, at pampapayat. Dapat nating tandaan na sadyang


pilikha tayo ng Diyos na iba't iba ang anyo ny kagandahang taglay. Hindi ba nakababagot kung
kahit saan ka tumingin ay iisa ang hulma at itsura ng tao? Subukan mong pumunta sa tindahan ng
laruan at tingnan ang hanay ng mga manika. Magkakamukha, iisa ang laki, at kulay. Sauna,
maaaring matuwa ka pa subalit kapag nagtagal ka pang ilang oras ay magsasawa kana dahil
walang naiba. Sa panonood ng mga beauty contest tulad ng Miss Universe, higit na nasasabik ang
mga tao kapag may kani-kaniya kayong kandidatang nais na manalo. Magkakaiba sila ng
kagandahan. Ito ang nagbibigay ng labis na pagkasabik sa mga patimpalak. ba ang paningin mo
sa maganda, at iba ang sa kaniya. Maaaring mas gusto mo ang gandang Asyano samantalang
ang sa kaibigan mo ay gusto ang gandang kanluranin. Huwag kang padaya dahil sa inendorso ng
isang maganda at sikat na artista ang isang produktong pampaganda. Hindi ito sagot upang
maging kasingganda, kasing puti o kasing payat ka niya dahil iba ka sa kaniya. Ang paunlarin mo ay
ang sariling kagandahang kaloob ng Diyos sa iyo. Tandaan mo, binayaran ang artistang nag-
eendorso ng produktong pampaganda pang makahikayat ng marami upang bilhin ang produkto.

2. Ilan ang mga friends mo sa social media? Nakasisiguro ka ba na mga kaibigan mo nga sila sa
tunay na buhay? O baka ang inaakala mong "friends" ay bunga lamang ng imahinasyon ny isang
taong hagpapanggap.? Marahil marami ka na ring narinig na balita sa radyo at telebisyon na mga
kabataan na na-blackmail, pinagsamantalahan, at ang nakalulungkot ay pinatay pa. Ano ang
naging daan sa pambibiktima sa kanila? Ang pakikipagkita sa isang "friend"sa na nakilala lamang sa
social media. Tandaan, hindi dahil friend mo sa social media ay buong-buo na ang tiwalang
ibibigay mo sa kaniya lalo na kung nasa katapat na kasarian ito at sa unang pagkakataon mo pa
lang makikita. Kung babae ka, makabubuting siya ang papuntahin mo sa inyong bahay upang
nasa ligtas na teritoryo ka, huwag na huwag kang pupunta sa isang lugar na ikaw lamang at siya
ang makikita. Laging isa-isip ang iyong personal na kaligtasan. Hindi masamang magduda o
maghinala, madalas ang tong nabibiktima ay ang mga walang paghihinala at agad ibinibigay ang
tiwala. Huwag lalabas o makikipagkita sa isang hindi kakilala lalo kung gabi na. Mabuti pa ring
sumunod sa kaugaliang Pilipino na ang babae ay dapat nasa bahay na bago magtakipsilim.

3. Huwag na huwag patutukso sa madaliang pagkita ng pera. Ito ang dahilan kung bakit may mga
taong naloloko ng mga pyramiding scam. Nais nila ang malaki at mabilis na pagkita ng pera. Sinabi
ni Mahatma Gandhi ng India na, "Ang yamang hindi pinaghirapan ay maituturing na masama." May
Rasabihan sa Pilipino na, "Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala." Ganito ang sinasapit ng
mga nadala sa tukso ng salapi. Isipin mo na lamang na paano ka mananalo sa isang patimpalak
kung hindi ka naman sumali at wala kang inilahok. Marami ang nagpapadala ng mga text
messages na nagsasabing nanalo ka kaya kailangang ibigay mo ang mahahalagang impormasyon
para maiproseso nila ang panalo mo. Paano ka mananalo kung wala ka namang nilahukan? Dapat
alam mo ang, katotohanang ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng iyong license
number, tax account number, credit card, PIV sa AT M card at iba pa ay hindi dapat ibinibigay sa
mga taong hindi mo kilala at walang kaugnayan sa iyong trabaho. Personal na bagay ang mga ito
na oras makuha ng iba ay may perwisyong idudulot sa iyo.

4. Nangungutang ka ba? Sikaping mamuhay nang hindi nangungutang. Bakit? malulubog ka sa


utang. Hindi mo namamalayan na wala ka na palang ibabayad. Materyalismo at konsumerismo

ang uri ng pamumu- hay na nililikha ng pangungutang. Pagdating ng araw, mawawala sa iyo ang
kapayapaan ng isip at loob dahil sa laki ng utang na dapat mong bayaran. Matutong mamuhay ng
ayon sa kakayahan.
5. Huwag kang matakot na tumanggi sa mga sobreng iniaabot sa iyo na ginagamit ang relihiyon sa
mga fund raising projects. Kilatising mabuti kung totoo o hindi ang mga sobreng ito. Kung minsan,
halatang-halata ang panloloko, sasabihing kailangan ang donasyon para sa pagpapatayo hing
fund raising para sa pagpapagawa ny simbahan sa Aparri, Cagayan gayong nasa Maynila ka?
Maliban na lang kung kakilala mo ang isang kasapi ng organisasyon sa simbahan at alam mong
lehitimo at totoo ang proyekto at saka ka magbigay.

PAG-SUSURI
Batay sa iyong pagkakaunawa sa mga nabanggit na pahayag, sagutin ang sumusunod.

Ano-anong sitwasyon ang kadalasang kinasasangkutan ng mga taong hindi marunong sumunod?
Magbigay ng limang halimbawa at ipaliwanag.

1.

2.

3.

4.

5.

PAG-SUBOK

Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung ang pahayag ay wasto, kung mali, isulat ang
salitang nagpamali sa pahayag.

___________ 1. Ang mataas na gamit ng isip ay ang gawain ang mabuti.

___________ 2. Mapanuring pag-iisip ang maingat na pag-aaral sa sitwasyon bago gumawa ng pasiya.

___________ 3. Ang Kilos-loob ang nagdidikta sa taong hanapin ang katotohanan.

___________ 4. Ang mga taong hindi marunong sumunod ay hindi marunong umunawa.

___________ 5. Ang isip at kilos-loob ay dalawang kapangyarihan taglay ng tao.

___________ 6. tao lamang ang nilikhang may isip.

___________ 7. Ang isip ang umaakay at nagsisilbing gabay ng kilos-loob.

___________ 8. Nananaig ang naisin ng isip sa mga taong may bisyo.

___________ 9. Maiiwasan ang maraming pagkakamali kung magiging mapanuri ang isip.

___________ 10. Lahat ng naisin ng kilos-loob ay mabuti.

Cagayan de Oro Network Archdiocesan School


St. Isidore School of Medina, Misamis Oriental Inc.
Medina, Misamis Oriental, 9013
Recognition nos: Prep:K10-201 s.2020: Elem: E10-201 s. 2020; JHS: J10-201s. 2020; SHS Permit no. S10-301. 2020
Email: st.isidore_school@yahoo.com/st. Isidoreschool.medinamisor@gmail.com

MONDAY TUESDAY
LEADERS: UYGUANGCO, Frenz William B. LEADERS: CUBAO, Johnneo A.

RODRIGUEZ, Christine Ann G. SINAJON, Arabelle B..

MEMBERS: MEMBERS:

AMPER, Jay Vee L. DOLDOLIA, Nash Aogostine M.

BIASONG, Kien Jerald D. AMATONG, Karyel S.

PALAC, Harold James G. VILLANUEVA, Ian Keith D.

AMBAL, Jestine Gail B. LADESMA, Mosiah Clyde

APALISOC, Crish Adelin S. PALLUGNA, Christine Kaye P.

CASISON, Marie Athena A. CABUGNASON, Samson Jr. S.

SABIJON, Marc Lister L. PRIMERO, Patricia Marie M.

VELARDE, Ricarte Emanuel R. CAGO, Jhon Maxard

LAUZON,Angel Jaennel S. CLAVERIA, Pat Lorence F.

WEDNESDAY SPECIAL TASKS


LEADERS: RANISES, Hannah Athlea WINDOW (Opening & Closing) :

MICOSA, Jaennel S. ⚫ LIM, AL A.

MEMBERS:

ORHEN, Bernadette Seina ELECTRIC WIRING (Turn Off):

LABADAN, Sairamee T. ⚫ GAHAY, Nathniel

AMPER, Shyrine B.

CAÑIOS, Martina Ashley P. CHALKBOARD (Erase the writings of the board):

UGPO, Crissa Ghuen L. ⚫ BALATAYO, Ma. Emman Jove P.

MAQUIDATO, Miguel Gian M.

AZNAR, June Rye Azher O. DESPOSING TRASH BINS:

PEÑERO, Rejie Laurence D. ⚫ BACHARPA, Charles Jefferson B.

You might also like