You are on page 1of 6

ARALIN 19:

COMPUTER ARTS AND TECHNOLOGICAL COLLEGE Inc.


Balintawak St., Albay District, Legazpi City
Junior High School Department
School Year 2021-2022

IKA-APAT NA MARKAHAN GAWAIN 1-


GRADE 10 A, B, C, D
(Online Distance Learning / ODL)

PANGALAN: Alexa S. de Lumen ID NO.: H1800051

BAITANG AT
Grade 10- ALGORITHM PETSA: Mayo 12, 2022
SEKSYON:

GURO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO: Bb. Feberlie C. Lopez

GAWAIN 1:
A, B, C, D

1 | EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
A. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano-ano ang iyong kaisipan at damdamin ukol sa mga isyung kaugnay ng


kawalan ng paggalang sa katotohanan?
→ Hindi ko matanggap na sa bawat panahon, araw, at oras na lumilipas, mas lalo lang
dumadami ang bilang ng mga tao na binabalewala ang kahalagahan na malaman ang
katotohanan. Mas pinipili nila ang tuluyang mabulag sa puro kasinungalingan.
Sinasabing ang katotohanan ang siyang magsisilbing tanglaw sa kadiliman kinakaharap
ng lipunan, ngunit paano kung ang katotohanan ay tuluyan ng tinakpan ng maitim na
layunin? Matapos kong magsaliksik ng iba’t-ibang mga isyung kaugnay ng kawalan ng
paggalang sa katotohanan, ako ay sobrang nalungkot at nanghihinayang sapagkat imbis
na umunlad ang ating buhay ay mas lalo lang lumalala ang panganib at
kasinungalingan sa sistema. Marami ang napapahamak o napapasubo dahil lamang sa
kasinungalingan at sa hindi paggalang sa katotohanan. Isa pang dahilan kung bakit ako
sobrang nalulungkot at nanghihinayang ukol sa mga nalaman kong mga isyung kaugnay
ng kawalan ng paggalang sa katotohanan; hindi na natutukoy ang pagkakaroon ng
tunay, mapagkakatiwalaan, at tamang pagkaunawa sa mga bagay-bagay at pangyayari
sa buhay ng bawat tao. Para bang biro na lang lahat ang nangyayari sa ating paligid at
hindi na kapani-paniwala ang ginagawa at nararanasan.

Para sa akin, ang kawalan ng paggalang sa katotohanan ay walang magandang


naidudulot sa buhay ng sinuman. Kahit sabihin pa natin na ginagawa ito ng tao para
makamit ang pansariling interes at para puriin, hindi parin tama na basta-basta nalang
hindi gagalangin ang katotohanan. Kaya sa panahon ngayon, nakikita ko na hindi
magawa-gawa ng karamihan na matutuhan ang daan tungo sa katotohanan na siyang
tutulong upang makamit ang magandang buhay. Isa pa, parang inaalis ng mga taong
hindi ginagalang ang katotohanan ang nakaukit na konsiyensiya sa kalikasan bilang
tao.

Ang kawalan ng paggalang ay patuloy na lumalaganap na parang sakit, hindi


masupil-supil. Mas pinipili ng karamihan na manaig ang kanilang masasamang layunin
at makamtan ang matinding kapangyarihan na siyang itinuturing na malaking
kasalanan sa sarili sa mata ng Diyos. Kaya naman, napakahalaga na ang bawat isa sa
atin ay igalang ang katotohanan. Kahit mahirap gawin, kailangan natin labanan ang
negatibong impluwensya ng mga salik/pwersa tungo sa pagsasabi at pagsasabuhay ng
katotohanan. Dapat din nating proteksiyunan at masuportahan ang mga taong
nagsisiwalat ng katotohanan sa kadahilanang sila ang nagiging instrumento bilang
magandang imahe upang kahit papaano ay mabago ang pananaw at perspektibo ng
bawat isa at bumawa ng kahit kaunti ang mga taong walang pakialam sa katotohanan.

Sana naman, sa susunod pang mga taon ay hindi na lumala ang mga isyung may
kaugnay sa kawalan ng paggalang. Kahit ako ay nalulungkot at nanghihinayang sa mga
isyung lumalaki, hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na maayos at mawala ito ng
tuluyan. Pagtibayin ang paninindigan sa pagsasabi ng katotohanan nang sa ganoon ang
lahat ay may magandang kinabukasan.

2 | EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
2. Ano-ano ang batayan ng katotohanan na natuklasan mo mula sa mga isyu?
Paano mo magagamit ang mga batayang ito sa pagbuo ng mga hakbangin
upang maisabuhay ang paggalang sa mga katotohanan?
→ Sa mga isyung aking nakalap, isa lang ang aking natuklasan na batayan mula sa mga
isyu. Ang natuklasan ko na batayan at kung paano ko ito magagamit sa pagbuo ng mga
hakbangin upang maisabuhay ang paggalang sa mga katotohanan ay ginawa ko sa
pangungusap upang mas mapalawig ko ang aking pagsasaloob at ito ay ang sumusunod:
LIKAS NA BATAS MORAL (Konsiyensiya)- ang ating konsensya ay naka-ugnay din
sa pansariling moralidad o ang mga batas moral na itinanim sa atin. Ito ay
inukit na sa ating pagkatao mula nang tayo ay isinilang. Paggamit ng
kahalagahan ng paggamit ng ating konsensya. Dapat isaalang-alang ang
damdamin at kaisipan bago maglabas ng mga salitang paghuhusga at ang
pagsasabi ng purong kasinungalingan. Gamit ang konsensya o likas na batas
moral, pagtitibayin ko ang mga katunayan bago ako maniniwala nang tuluyan at
paghihinuha sa naturing sitwasyon o bagay. Mas magiging maingat ako sa aking
aksiyon at sasabihin dahil nakabatay ako sa likas na batas moral at
konsiyensiya.

3. Ano-ano ang maaari mong gawin upang maisabuhay ang paninindigan sa


katotohanan?
→ Bilang kabataan, marami pa akong mga bagay na kakaharapin ngunit alam ko sa
sarili ko na maaaring maisabuhay ko ang ang paninindigan sa katotohanan. Ito ay aking
magagawa sa pamamagitan ng panindigan sa bawat kasalanan na aking makakaharap;
iitindihin ko na ang katotohanan ay maaaring matuklasan ngunit hindi maaaring
imbentuhin, transkultural at unibersal, at hindi nagbabago at walang hanggan; ako ay
magiging mapanuri sa lahat ng oras, maliit o malaki man na bagay; ilalapat ko din ang
mga pamantayan at batayan ng katotohanan upang matiyak ang katotohanan sa
kasinungalingan; magtatala ako iba't’-ibang mga aksiyon at pipilitin kong isantabi ang
personal na damdamin sa anumang gagawing pagpapasiya upang hindi ako magkamali
at hindi ko makalimutan ang paggalang sa katotohanan.

B. Ipaliwanag at iugnay ang pahayag sa pagpapatibay ng


paninindigan ukol sa pagsasabuhay ng katotohanan.

“Natutuklasan ang katotohanan hindi lamang ang katwiran kundi maging ng puso ng
sinuman.”
→ Ang pahayag na ito ay mula kay Blaise Pascal, isang French Mathematician. Ang
mababasa sa itaas ay may malalim na ibig sabihin ngunit maganda ang nais iparating.
Base sa aking pagkakaunawa, ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito ay tayong mga tao
ay hindi dapat palaging pagbasehan ang nakikita o naoobserbahan sa paligid. Dapat
paniwalaan at pagbasehan din natin ang damdamin sapagkat minsan ang ating nakikita
ay mali at mapanlinlang at dahil don ay nakakagawa tayo ng hindi maganda at
nahuhusgahan natin ang isang tao maging ang katotohanan na siyang nagiging

3 | EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
kasinungalingan. Sa ibang salita, hindi lamang dapat ang isip natin ang ating
pinapairal kundi ang ating puso. Dapat gamitin natin ang ating puso’t-isip bilang
basehan o batayan ng katotohanan basta’t alam natin kung ano nga ba ang kahulugan
ng katotohanan. Mayroon mga sitwasyon kasi na magaling magblatkayo ang isang tao,
mabait ang panlabas na anyo ngunit kabaliktaran ang nasa loob, at ang iba naman ay
mukhang hindi mabait sa panlabas ngunit ubod ng bait sa kaloob-looban. Mahirap kasi
ang magbase sa iisang bagay, kailangan din natin ng ibang pagbabasehan o
pagbabatayan upang magawa nating masiguro na natuklasan ang katotohanan at
nasupil ang kasinungalingan.

C. Kumpletuhin ang mga pahayag.

1. Ang matibay na batayan ng katotohanan ay


walang iba kundi ang Likas na Batas Moral. Sinasabing ang Likas na Batas Moral ang
matibay na batayan ng katotohanan sa kadahilanang nakaugat ito sa kalikasan ng tao
at ng sandaigdigan, hindi din ito nababago kailanman at maitatwa ng kahit sinuman.
Isa pa, ang Likas na Batas Moral ay dinisenyo at nilikha ng Poong Maykapal batay sa
kaniyang katotohanan at hindi ng tao.

2. Magbubunga ang pagsasabuhay ng katotohanan ng


kaluwagan ng buhay ng may kalakip na kaligtasan. Kapag ang bawat isa sa atin ay
natutuhang igalang ang katotohanan at pagsusuri sa kaibahan ng kasinungalingan sa
katotohanan, tiyak na tayo'y mabubuhay ng ligtas at payapa sapagkat wala tayong
pinagtatakpan ng kahit ano o kahit sino.

3. Mapagtitibay ko pa ang aking pagsasabuhay sa katotohanan sa tulong ng


pagkilala at pagiging mulat sa mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan; patalisin lalo ang mga pandama at gamitin ng maayos at mabuti ang
isip; paglalaan ng sapat na oras at panahon upang tuklasin ang katotohanan, huwag
madaliin; pag-aralan mabuti ang paghihiwalay ng kasinungalingan sa katotohanan,
kumbaga gamitin ang talas ng isip at kritikal na pag-iisip, sisikapin kong alisin ang hiya
sa aking sistema sa pag-sangguni sa iba’t-ibang tao upang magawa kong maliwanagan
sa katotohanan; ipagpapatuloy ko ang aking paggawa ng paninindigan para sa
katotohanan; ako ay magiging matatag, matapang, at mag-lalakas-loob anuman ang
mangyari upang hindi ako lamunin ng kasinungalingan; at higit sa lahat, hindi ko
kakalimutan ang pagsasaalang-alang ng lahat na posibleng hakbangin at aksiyon na
maaaring magamit o maisagawa batay sa ginawang proseso at pagsangguni sa iba.
Itatatak ko sa aking isip na katotohanan ang dapat laging manaig.

4. Ang maaaring makahadlang sa akin upang isabuhay ang katotohanan ay ang


hindi pagsasanay sa mismong sarili ko sa pagkakaroon ng tapat na pamumuhay at
paghingi ng nararapat na tulong o suporta upang maisawalat ang katotohanan; maging
ang matinding negatibong impluwensiya ng mga salik/puwersa tungo sa pagsasabi at
pagsasabuhay ng katotohanan ay maaaring makahadlang ay makakahadlang din sa

4 | EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
akin. Ang aking personal na damdamin o pagiging masyadong emosyonal ko at maling
perspektibo ay isa sa mga matinding makakahadlang sa akin upang isabuhay ang
katotohanan. At aaminin ko na nahihirapan din ako paminsan-minsan sa pag-iwas sa
paniniwala sa mga kasinungalingan, kaya naman malaki ang tyansa na maging isa sa
mga hadlang ang paglago ng kasinungalingan sa aking pagsasabuhay ng katotohanan.

5. Masusuri ko ang mga isyung may kaugnayan sa kaalaman ng paggalang sa


katotohanan sa pamamagitan ng
matinding pagkilatis ng pandama, paggamit ng mga batayan na may kaugnayan dito,
at higit sa lahat pagsisiyasat sa bawat isyu ukol dito at pag-aaralan ang epekto at
bunga nang sa ganoon ay alam ko kung ano nga ba ang totoo o hindi. Hindi lang ako
magbabase sa isang batayan kaya ako ay sasangguni sa ibang tao at ang aking
makakalap na impormasyon at opinyon ay gagamitin ko sa pagsusuri o pag-aaral.

D. Ipaliwanag ang katanungan sa ibaba.

“Paano maisasagawa ang tapat na pamumuhay at pagpapatibay ng paninindigan sa


pagsasabi ng katotohanan?”
→ Sa ating pamumuhay, ang bawat isa sa atin ay mayroon pinagdadaanan na
kahirapan dahil isa ito sa mga pagsubok ng Diyos sa atin at alam Niya na magagawa
natin itong masolusyunan. Ngunit ang karamihan sa mga tao, ang solusyon na kanilang
pinipili ay ang hindi paggalang sa katotohanan at pagsisinungaling.

Ang tapat na pamumuhay at pagpapatibay ng paninindigan sa pagsasabi ng


katotohanan ay napakaimportante sa bawat indibidwal. Ang bagay na ito ang hindi
dapat basta-basta binabalewala at itinuturing na biro lamang. Ang paggawa ng bagay
na ito ay mahirap at dadaan sa mahabang proseso ngunit may magandang dala o
epekto ito sa ating sarili, buhay, at sa kapwa.

Ang paninindigan at pagsasabuhay ng katotohanan ay isang hamon sa kaganapan ng


tao. Mahalagang malaman ng bawat isa ang pagsuri sa mga isyung kaugnay sa kawalan
ng paggalang sa katotohanan.Isa itong daan upang maisabuhay at maisulong ang
pagiging mapanagutan at tapat na nilalang. Dahil sa ganitong pagkakataon higit na
mahalaga ang pagkakaroon ng moral na pagpapasya at matibay na paninindigan sa
mga isyung moral. Ang katotohanan ay napakahalagang batayan ng moralidad. Ang
paniniwala ay maaring magbago hindi ang katotohanan.Ang bawat pagpapasiya at
pagkilos ng tao ay mahalaga. Maaari itong mabuti o makasira ng ating buhay sa
kasalukuyang hinaharap. Ang katotohanan sa lahat ng bagay ay tumutugon sa realidad
ng buhay nagpaparamdam ito sa ating konsensiya, dahil nakaukit ito sa ating kalikasan
bilang tao. Sa tulong na kalikasan ng tao maaari niyang tuklasin, maunawaan , at
maisabuhay ang katotohanan. Tumutukoy ang katotohanan sa pagkakaroon ng tunay,
mapagkakatiwalaan at tamang pag unawa sa mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay
ng tao. Kadalasan ang KAPAYAPAAN NG TAO AY NABUBUHAY SA KASINUNGALINGAN.
Laging mayroon siyang takot at pangamba sa anumang maaaring matuklasan ng iba sa

5 | EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
kanya. Sa kabaliktaran, ANG TAONG NABUBUHAY SA KATOTOHANAN AY MAYROONG
TUNAY NA KALIGAYAHAN AT KAPAYAPAAN dahil siya ay malaya at walang
pinapangambahan na anumang bagay sa mundo.

Para sa mga hakbangin, dahil sa napakaraming impormasyon at pagsulong ng


teknolohiya, dumarami ang mga gawaing taliwas at nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa katotohanan. Kadalasan madaling mahubog ng media at iba pa ang
kaisipan ng tao kung ano ang tama at mali. Dahil dito, mahalaga na malalim at
maipamalas ng sinuman ang pagunawa sa katotohanan bago ito isabuhay. Narito ang
ilang mga gabay upang mapalalim pa ang isip at mahubog ang kilos-loob sa
pagsasabuhay ng katotohanan.
● Kilalanin at maging mulat sa mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan.
● Ugaliing maglaan ng sapat na oras at panahon upang tuklasin ang katotohanan.
● Paghiwalayin ang katotohanan sa kasinungalingan.
● Sumangguni sa iba't-ibang tao upang maliwanagan sa katotohanan.
● Isaalang-alang ang lahat ng posibleng hakbangin at aksiyon na maaaring
maisagawa batay sa ginawang pagsusuri at pagsangguni sa iba.
● Magpasiya tungo sa pinakamabuti o mainam na hakbangin o aksiyon.

Hanggang dito na lamang at Maraming Salamat!

6 | EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

You might also like