You are on page 1of 9

Home (https://www.palawanpawnshop.

com) / 
Blog (https://www.palawanpawnshop.com/blog) / 
12 Wais Financial Goals to Achieve this 2020

12 Wais Financial Goals to Achieve this


2020
Alam na alam at feel na feel natin, Suki, na napakahirap
kumita ng pera tapos sasabayan pa ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin. Ito rin ba ang drama mo sa buhay? Ung
tipong masipag ka nga sa trabaho pero pagdating ng sahod,
goodbye na agad dahil ipambabayad mo na agad sa bills?
Don’t worry, Suki. Sagot ng Palawan Pawnshop ang iyong
2020 12-month financial goal plan para sa iyong wais na
money management (../../../money-management-guide).
Kung susundin mo ito, waging-wagi ka sa iyong personal
financial stability!

1. January - Maglaan n g
Emergency Fund
zhen-hu-Xruf17OrkwM-u un
ns p l a s h
Photo courtesy of Zhen Hu (https://unsplash.com/photos
/Xruf17OrkwM) via Unsplash

Sa panahon ngayon, maraming surprises ang buhay. Minsan,


it includes surprise na mga gastusin tulad ng biglaang
pagkakasakit, house repair (../../../house-repair-funds-diskarte-
tips), at iba pa. Para hindi ka na mangutang o magalaw pa
ang iyong iniingat-ingatang savings, dapat mag-ipon ka ng
emergency fund (https://www.thebalance.com/reasons-you-
need-an-emergency-fund-2385536). Ideally, ang laman ng
iyong emergency fund ay at least 3 months worth ng iyong
living expenses para kunwaring mawalan ka ng trabaho,
kaya mo pa ring buhayin ang iyong sarili at ang pamilya mo
gamit ang fund na ito. Saan mo ilalagay ang iyong
emergency fund? Mag-open ka ng bagong savings account
sa bangko; at para walang hassle na pumila pa para
magdeposit ng pera dito, magpadala ka ng pera diretso sa
iyong account sa Palawan Pawnshop (../../../padala-to-bank-
account) na pinakamalapit sa iyo!

2. February - Magsimula ng
money journal
background-balance-b bu
us i n e s s - c o m m e rc e - 5 8 33884 6
Photo courtesy of Jessica Lewis (https://www.pexels.com
/photo/background-balance-business-commerce-583846/)
via Pexels

Ang money journal ay parang diary. Ang pinagkaiba nga


lang Suki, hindi mo ilalagay dito ang mga nangyari sa buhay
mo, kundi ang lahat ng pinagkagastusan mo bawat araw
hanggang sa huling centavo. Makakatulong ang money
journal na ito para magkaroon ka ng accurate record ng
iyong spending at malaman kung may tendency ka bang
mag overspend. Dito mo rin makikita kung saang category ka
ba pinaka magastos: sa pagkain, pamasahe, o shopping.

3. March - Mag-set ng
realistic budget plan
numbers-money-calcula atti n g - c a l c u l a t i o n - 3 3 0 5
Photo courtesy of Breakingpic (https://www.pexels.com
/photo/numbers-money-calculating-calculation-3305/) via
Pexels

Ngayong nakita mo na ang iyong attitude sa paggastos at


ang mga pinagkakagastusan mo salamat sa iyong money
journal, panahon na para bumuo ng isang realistic budget
plan. 

Pwede mong i-adapt ang 50/30/20 rule


(https://www.thebalance.com/the-50-30-20-rule-of-thumb-
453922) sa paggawa ng budget. Sa rule na ito, ang 50% ng
iyong income ay dapat ilaan sa iyong needs tulad ng
grocery, utility, at housing/rent. Ang 30% naman ay para sa
iyong wants tulad ng shopping, eating out, at iba pang
hobbies. At ang natitirang 20% ay dapat derecho sa savings
account mo. Kunwari, kung PhP 10,000.00 ang monthly salary
mo, PhP 5,000.00 lang dapat ang gagastusin mo para sa
iyong needs. PhP 3,000.00 para sa mga wants mo, at Php
2,000.00 para naman sa savings mo. 

Ideally, hindi na dapat lalagpas pa doon ang iyong mga


gastusin. Kung sakaling magkaroon ng emergency na mga
babayarin, dito papasok ang iyong emergency fund para di
mo na magalaw pa ang iyong savings. Tandaan Suki, dapat
makatotohanan ang iyong budget plan na gagawin para
madali mo itong masusunod.

4. April - Magtipid at
mamuhay nang simpl e
Kapag sinunod mo ang iyong budget plan, mahusay iyon,
Suki, dahil for sure di ka mag-ooverspend at di po
kinakailangang mangutang para makasurvive pag petsa de
peligro na. Pero kung may kaya ka pang itipid sa ginagawa
mong pagtitipid, wais move iyon! Kasi, kung gagastos ka ng
mas kaunti sa iyong kinikita, for sure may extra ka pang
maidadagdag  sa savings mo at sa emergency fund mo. 

5. May - Mag-cutback sa
gastos
woman-holding-card-wh hiil e - o p e r a t i n g - s i l v e r - l a p tto
op - 9 1 9 4 3 6
Photo courtesy of bruce mars (https://www.pexels.com/photo
/woman-holding-card-while-operating-silver-laptop-919436/)
via Pexels

Sa panahon ngayon, maraming offers ang mga commercial


na tempting pagkagastusan dahil baka maisip na kailangan
mo ito kahit hindi naman talaga. Bago ka gumastos sa isang
bagay o mag-add to cart sa iyong online shopping
adventures, Suki, mag-isip muna maigi. Halimbawa, isipin mo
kung kailangan mo ba talaga ung mga monthly subscription
mo sa Spotify o Netflix. Kung hindi naman talaga, baka
pwedeng ‘wag ka munang mag-subscribe para may
maidagdag ka sa ipon mo at mabawasan ang utility bills mo.
Pwede mo ring ianalyze kung pwede bang mag-cut back ka
sa paggastos mo sa pagkain sa labas o pag-inom ng frappe
at milk tea. Baka tulad ni Ate Girl from Malaysia
(https://nextshark.com/boba-tea-money-airline-ticket/) na
nakapag-ipon ng flight tickets after tumigil uminom ng milk
tea for four months eh makapag-ipon ka rin para sa iyong
travel goals kung babawasan mo ang pag-eat out, online
shopping, o subscriptions mo.

6. June - Mag-aral ng
bagong skill
Syempre, hindi ka naman magkakaroon ng sweldo kung wala
kang trabaho diba, Suki? Kung love mo ang trabaho mo dahil
ito ang iyong primary source of income, dapat na humanap
ka ng mga paraan para i-improve and iyong career stability. 

Halimbawa, pwede kang umattend ng mga seminar at


workshops na related sa iyong career o magkaroon ka ng
mentor sa inyong office para ma-improve mo pa ang iyong
trabaho. Syempre ‘pag nakita ng mga boss mo ang iyong
improvement at dedication, malaki ang chance mo for
promotion. At kapag na promote ka, syempre mas mataas
ang iyong salary habang ginagawa mo ang trabahong
nagpapasaya sayo!

7. July - Mag-ipon para sa


retirement
man-sitting-on-wooden-b been c h - w e a r i n g - b l a c k - l e
eaat h e r -
jacket-1377055
Photo courtesy of Huy Phan (https://www.pexels.com/photo
/man-sitting-on-wooden-bench-wearing-black-leather-jacket-
1377055/) via Pexels

Syempre naman Suki, admit it or not, tumatanda tayo at hindi


naman pwedeng forever ka na lang magtatrabaho kahit
ugod-ugod ka na para lang kumita ng pera. Maganda na
pagplanuhan mo na ang iyong early retirement
(https://www.businessinsider.com/how-to-retire-early-steps-for-
early-retirement) at ngayon palang ay magtabi ka na para sa
iyong early retirement savings. Syempre, kung merong
retirement insurance sa inyong company, tiyakin mong
regular kang nakakapag-contribute doon, pati na rin sa iyong
SSS, GSIS, PhilHealth, at Pag-Ibig accounts dahil may
maibibigay ito sa iyong retirement benefits. Kung retired ka
na, pwede ka namang mag-try ng ilang business ideas (../..
/../business-ideas-retirees) para ma-achieve ang iyong
financial stability!

8. August - Bawas-bawa s sa
utang
May credit card ka ba, Suki? Kung meron, maging mindful sa
iyong paggastos, baka di mo namamalayan, naabot o na
ang iyong credit card limit at baon ka na sa utang. Hindi
naman masamang magkaroon ng credit card pero dapat na
maging matalino ka sa paggamit nito para hindi ka
magkaroon ng overspending problems. Bukod pa doon,
magandang maging financial goal mo ang pagbabawas o
pagkawala lahat ng utang mo. Magagawa mo ito kung on-
time mong babayaran ang lahat ng iyong credit card bills at
kung cash sa halip na card ang gagamitin mo kapag
mamimili ka.

Para maging free ka sa mga utang, isa-isa mo na ring


bayaran ang iyong mga utang sa mga kapamilya at
kaibigan. Kung nag-loan ka naman para sa inyong bahay o
sasakyan, maging on-time sa pagbabayad dito para
matapos na agad ang loan mo at ‘di na lumaki pa ang
interest nito. Di ka na ma-hassle sa kakaisip kung pano ba
matatapos ang pagbabayad mo sa utang. Trust us, Suki, pag
naging free ka na sa mga utang, para kang nabunutan ng
tinik sa sobrang ginhawa!

9. September - Magtipid sa
kuryente at tubig
g r a y - a u t o - b i l l - c o u n t e r - 1 66446 8 8
Photo courtesy of Pixabay (https://www.pexels.com/photo
/gray-auto-bill-counter-164688/) via Pexels

Lahat ngayon nagtataas, Suki, tulad ng electric bill, water bill,


gas, at pamasahe. Maging wais sa loob ng tahanan sa
pamamagitan ng pagtitipid sa kuryente at tubig. Kung wala
namang tao sa isang kwarto ninyo, isara ang ilaw at electric
fan. Lagyan ng tubig ang mga pitsel sa loob ng ref kapag
naubos na ang tubig para hindi kayo gumastos ng kuryente
para lang magpalamig ng pitsel. Isara ang gripo sa loob ng
CR kapag puno na ang tubig. Simpleng mga gawain lang ito
Suki, pero malaki ang maitutulong nito para sa iyong savings. 

Suki, para naman makatipid sa gas at pamasahe, pwede


mong maging option ang pagko-commute sa halip na
gumamit ng sasakyan o paglalakad kung di naman ganoon
kalayo ang iyong pupuntahan. Sa ganoong paraan,
nakatipid ka na, nakapag-exercise ka pa!

10. October - Invest na


d’y
yan
airport-bank-board-busi ness-534216
Photo courtesy of Pixabay (https://www.pexels.com/photo
/airport-bank-board-business-534216/) via Pexels

Para mas lumago pa ang pera mo, Suki, maganda kung


mag-iinvest ka! Maraming investment options (../..
/../paunlarin-abroad-pera-padala) tulad ng mutual funds, unit
investment trust fund, stocks, at bonds ang pwede mong
subukan sa halagang PhP 5,000.00 lamang! Kapag nag-invest
ka, tiyak na ang savings money mo, hindi lang natutulog sa
bank account mo, kundi nagagamit para mas kumita ka pa
ng extra para may madagdag ka sa savings mo.

11. November - Magha nap


ng bagong pagkakak itaan
May hobby o talent ka ba Suki? Baka pwede mong
pagkakitaan ‘yan kahit part-time (../../../millennial-part-time-
ideas) lang! Halimbawa, kung magaling ka mag-calligraphy,
mag-drawing o painting, pwede mong ibenta ang mga iyon
para magkaroon ka ng extra cash at ma-hone mo pa ang
iyong skills. Pwede ka ring magtayo ng sarili mong online shop
at ibenta dito ang mga pre-loved items mo o di naman kaya
ay maging reseller ka ng mga items na patok sa mga tao.

Kapag meron kang multiple sources of income


(https://www.forbes.com/sites/jrose/2017/11/02/different-
sources-income/), hindi ka mababahala kapag nawalan ka
ng trabaho dahil financially stable ka pa rin. Kung magtatayo
ka naman ng sarili mong business, hindi mo na kailangang
mangamuhan dahil ikaw na ang sarili mong boss.

12. December - Share your


blessings
m o n k - s u r r o u n d e d - b y - c h iilld r e n - 9 3 3 6 2 4
Photo courtesy of Suraphat Nuea-on (https://www.pexels.com
/photo/monk-surrounded-by-children-933624/) via Pexels

Kahit na personal financial management tips ang pinag-


uusapan natin Suki, hindi naman ibig sabihin noon na puro
nalang pagtitipid ang pag-uusapan natin. Tandaan,
mahalaga ang financial goal planning para ikaw ang
kumontrol sa iyong pera sa halip na pera ang kumontrol sa iyo
at sa buhay mo. Isang mahalagang personal at financial
lesson ang pagiging mapagbigay sa iba, lalo na sa mga
nangangailangan. Kaya naman Suki, maging comfortable na
i-share ang iyong pera sa iba. Magagawa mo ito kung mag-
dodonate ka sa mga charity o kung i-titreat mo ang iyong
family sa isang reunion sa Boracay (../../../wais-tips-tag-ulan-
reunion)!

Hindi talaga madaling kumita ng pera, Suki. Minsan


magkakaroon din ng di-inaasahang mga gastusin. Pero kahit
ganun pa man ang realidad ng buhay, posible kang maging
financially stable kung magse-set ka ng wais financial goals at
aabutin mo ito. Hindi madali, pero kung pagsisikapan mo ito,
magiging panatag at masaya ang buhay mo.
Home (https://www.palawanpawnshop.com) / 
Blog (https://www.palawanpawnshop.com/blog) / 
12 Wais Financial Goals to Achieve this 2020

Related Articles
Sino ang Santa Claus ng Buhay Mo? Paskong Pinoy 2019
(https://www.palawanpawnshop.com/santa-claus-ng-
buhay-mo)

Mga Taong Dapat Pasalamatan Ngayong Pasko


(https://www.palawanpawnshop.com/pasko-taong-
pasalamatan)

12 Wais Financial Goals to Achieve this 2020


(https://www.palawanpawnshop.com/2020-wais-financial-
goals)

10 Inspiring Bayanihan Acts for the Modern Filipino


(https://www.palawanpawnshop.com/modern-filipino-
bayanihan-acts)

Paskong Pinoy Tips Para Sa Early Bird Noche Buena


Preparations (https://www.palawanpawnshop.com/noche-
buena-preparations)

PPa
alla
awwa
ann PPa
awwnnsshho
opp BBuuiilld
diinng
g,, LLo
ott 5599--A
A RRiizza
all A
Avve
ennuue
e,, BBrrg
gyy.. TTa
agguum
mppa
ayy,, PPuue
errtto
o

PPrriinnc
ceessa
aCCiittyy,, 55330000   ((004488))443333--44111100
C
Coop
pyyrriig
ghhtt ©
©22001188

(https://www.facebook.com/palawan.pawnshop/)

(https://twitter.com/ppspepp) (https://www.youtube.com/channel/UCojlu-

lhqcD6jfFqpHJ1f_w) (https://www.instagram.com/palawanexpress/)

You might also like