You are on page 1of 1

Ilan na ba ang mga batang nakita mo na halos patapon na ang

buhay?Mga batang hindi lang kinabukasan ang nasira kundi halos ang
sarili nilang pag-iisip ay nasira na rin?Mga batang lumihis ang landas at
napunta sa madlim na mundo?Mga batang lapitin ng gulo, nag-uumpisa
ng gulo dahil sa impluwensiya ng bawal na gamot?Alam ko na hindi ka
bulag kaya’t nakasisiguro ako na hindi lang ako ang nakakita ng katulad
nila.Alam ko na hindi ka manhid para hindi mo maramdaman ang
nararamdaman ko.Nalulungkot ka rin at nanghihinayang, hindi ba?
Katulad ko, nalulungkot ako para sa kanila, at higit sa lahat para sa mga
magulang nila. Nanghihinayang ako sa magandang kinabukasan na
maaari sana nilang makamit.Kung hindi lang sana sila naligaw ng
landas, malamang maipagmamalaki na rin sila sa ating lipunan.Ako’y
napapailing at napapaisip. Ano na ang nangyari? Nasaan na ang
kasabihan na, ” Ang kabataan ay pag-asa ng bayan”? Huwag na
ninyong subukan ang masamang bisyo, upang ang utak n’yo ay hindi na
mabulok.Huwag na ninyong pairalin ang tigas ng ulo, sundin n’yo ang
inyong mga magulang upang kayo’y hindi matawag na “DURUGISTA.”
HINDI LANG KAYO GUMAGAMIT NG DROGA, DUMUDUROG
PA SA PUSO NG INYONG MGA MAGULANG.Kung ang kabataan
ay pag-asa ng bayan, ang droga ay salot sa lipunan.Sa mga magulang,
huwag nating hayaan na maligaw ng landas ang ating mga anak. Hayaan
natin silang lumipad at matuto sa kanilang pagkakamali subalit huwag
nating hayaan na mauwi sa wala ang ating mga pinaghirapan.Ano na
kaya ang mangyayari sa ating inang bayan kung ang mga durugista ay
patuloy na dumarami? Diyos na ang huhusga sa inyong kasamaan.Ang
tanging magagawa ko lamang ay ang ipinagdasal ang mga batang
walang muwang na napadpad sa madilim na mundo sa ating lipunan.

You might also like