You are on page 1of 1

Talumpati tungkol sa mga Kabataang gumagamit ng Droga

Isinulat ni Patricia Mae V. Manese

Ilan na ang mga kabataang nakikita nating halos patapon na ang buhay?

Mga kabataang hindi lang ang kanilang kinabukasan ang sinisira pati narin ang
kanilang pag iisip. Mga kabataang naligaw na ang landas at napunta sa madilim na
mundo. Mga kabataang lapitin ng gulo, impluwensya ng droga.

Alam kong hindi lang ako ang nakakakita ng tulad nila. Alam kong nararamdaman niyo
rin ang nararamdaman ko. Nalulungkot at nanghihinayang. Nalulungkot para sa kanila
at higit sa lahat sa kanilang mga magulang. Nanghihinayang na sana may maganda
silang kinabukasan na makamit. Kung hindi lang sana sila naligaw ng landas, maaari
pa silang maipagmalaki sa ating lipunan.

Hindi ko rin maiwasang makita ang mga kabataang halos wala pang muwang sa
mundo. Kabataang bagsak na ang katawan at iba na ang galaw. Mga mata nila ay
tumitirik, sila ay lasing at parang nakahithit ng droga.
Gumugulo sa aking isipan ang mga tanong na "Ano na ang nangyari?" , Nasaan na
ang kasabihan na, "ANG KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN"?
Alam kong tayo ay nagdadamdam. Naiisip natin kung ano nga ba ang tunay nilang
dahilan, kung bakit sila nagkaganyan.

Para sa mga kabataang naliligaw ng landas, kung kaya ko lang kayong tulungan at
gabayan sa tamang landas, ginawa ko na. Kung kaya ko lang mailayo kayo sa landas
ng kasamaan, ginawa ko na. Pero hindi ko kayang gawin ang mga nais kong gawin.
Dahil tulad niyo, ako'y isang hamak lang din na kabataan.
Nais ko lang na sa simpleng mensaheng ito ay may matutunan kayo. Huwag ninyong
pairalin ang tigas ng ulo, sundin natin ang ating mga magulang. Sa paggamit niyo ng
droga at hindi pagsunod sa kanilang mga payo ay nakakasakit sa kanilang damdamin.

Sa mga magulang, patuloy niyo parin po silang gabayan tungo sa tamang landas.
Hayaan pong matuto sila sa kanilang pagkakamali, subalit wag po nating hayaan na
mauwi sa wala ang inyong mga pinaghirapan.

Mga kabataan, imulat ang inyong mga mata at gumising! Isipin ang mga ninyo ang
paghihirap ng inyong mga magulang. Diyos ang gagabay sa inyo at Siya na ang
manghuhusga sa mga kamaliang inyong nagawa. Ang magagawa ko lamang ay
ipagdasal ang mga kabataang naligaw ang landas.

You might also like