You are on page 1of 2

Hindi Ako Magiging Adik

ni Manny Ledesma

Walang may gustong pag-isipang siya'y kriminal. Walang may gustong makulong.
Wala ring may gustong mamatay nang bata pa o kaya'y mawalan nang buong pamilya.
Ngunit sa isang sarbey noong nakaraang taon, lumalabas na higit na 50 bahagdan ng mga
mag-aaral sa senior ay nagsimula nang landasin ang mga daang patungo sa mga
nabanggit. Tumikim na sila ng bawal na gamut.

Marahil, hindi nga mawawasak nang biglaan ng droga ang buhay mo kung paunti-
unti mo lamang tinitikmanito. (Ngunit may mga taong nagkukumbinasyon ng droga sa isang
maramihang gamit, at ito'y nakamamatay agad.) Sa paggamit ng illegal na droga,
inilalantad mo ang iyong sarili sa mga panganib. Malapit ang aksidente sa mga taong nasa
impluwensiya nito dahil nawawala sila sa tamang wisyo at tamang pagpapasiya.
Panganib din ang sakit na maaaring maidulot ng maling paggamit ng mga gamot maski ito'y
legal, gaya ng mga cough syrups. Mapanganib ding masangkot sa iba't ibang bayolenteng
kaguluhang dulot ng mga nagbebenta ng bawal na gamot.

Ang mga nabanggit ay mga kagyat na panganib na maaaring sumapit sa isang


nagdodroga. Mayroon ding mga panganib na pangmatagalan ang epekto. Sa palagiang
paggamit ay nagiging adik ka na sa gamot, at di mo namamalayan ay lulong ka
na. Sa pagkalulong, ang tanging nagiging pokus na lamang ng iyong buhay ay pagnanais
na magkaroon lamang ng magandang pakiramdam. Nakakatakot ang mga epektong
nabanggit. Ngunit mas nakakatakot ay ang pagkawala ng iyong integridad o karangalan.
Kapag sinabi mong, "okey lang na nagdodroga ako, kasi iyon din naman ang gawa ng mga
kaibigan ko e," ang tunay na sinasabi mo ay "wala na akong pakialam sa kinabukasan
ko."Kapag nagkaganito, ay menos ka na bilang tao. Ang posisyon ko sa isyung ito ay
malinaw. 'Ayoko ng droga." Madaling kapasiyahan ito. Madaling matandaan. At walang
malabo rito. Pinatataas nito ang pagtingin ko sa aking sarili dahil batid kong nakatanaw ako
sa aking kinabukasan. Lahat ng nabanggit ko tungkol sa panganib na dulot ng droga ay nar
inig na rin ninyo. Hindi na ito bago. Alam naman ito ng lahat. Ngunit, sa kabila ng
kaalamang ito, isang bagong henerasyon ng mga kabataan ang gumagamit ng bawal na
gamot. Nangamamatay pa ang ilan. At umaakyat pa ang bilang ng mga biktima. Dati-rati
mga 407 bahagdan lamang ng mga kabataan ang sumusubok, ngayon ay lagpas pa sa 50
bahagdan. Bakit? Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman. Sa sulsol
ng mga kaibigan, napapatikim ang isang kabataan. Mahirap humindi sa kanila. Mahirap.
Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman. Sa sulsol ng mga kaibigan,
napapatikim ang isang kabataan. Mahirap humindi kanila. Mahirap matawag na "iba".
Mahirap ma-out sa grupo., Mahirap makantiyawan ng ganito't ganoon.
Ngunit isipin natin. Ang kantiyaw ng mga kaibigan ay hindi magandang dahilan upang
magdroga. Kinakaibigan tayo ng ating mga kaibigan dahil sa ating taglay na ugali at
pagkatao, hindi dahil sa dapat makita rin sa atin kung ano ang ginagawa nila. Hindi tayo
salamin ninuman.
At ang kaibigan, sinasabi nang tuwiran kung ano ang maganda o hindi
maganda sa atin. Hindi natin kailangan maging salamin sa kanila at sila sa atin.
Kapag nahaharap sa pagpapasiya o pamimili, may mga kabataang magsasabing, "bayaan
mo 'yang bukas, matagal pa 'yo." Malaking kamalian ito. Kahit sabihin mong hindi darating
ang kinabukasan, darating at darating iyan. At kapag nariyan na ang bukas, kung masaya
ka o hindi ay depende sa kung ano ang ginawa mo ngayon. May mga magsasabi
pang,"magiging adik sila, hindi ako!". Kahit na ikaw pa ang pinakaguwapo, malinis at
alertong tao sa ngayon, maaaring ikaw ay maging palaboy sa bandang huli kung
magpapabitag ka sa bawal na gamot. Isipin na lamang ninyo. LAHAT NG TAONG NASIRA
ANG BUHAY SA DROGA AY NAG-ISIP NA HINDI MASISIRA NG DROGA ANG
BUHAYNIYA.

Palagi nilang sinasabi, 'DI AKO SIRA PARA SIRAIN ANG BUHAY KO." Iyan sa simula.
Sinasabi nila iyan sa una ngunit hindi sila naprotektahan ng mga pahayag nilang ito nang
simulan nila ang paggamit. Sa pagtanda ko at kapag ako'ynagkapamilya, ibig ko ang
pinakamainam para sa kanila. Hindi ko nanaisin na sila'y mapahamak.Sisikapin at gagawin
kong modelo ang aking sarili. Kung isang araw at tatanugnin nila ako kung sumubok ba ako
ng droga noong aking kabataan, ibig kong makasagot nang may pagmamalaki -HINDI. Sa
bawat taon libo-libong kabataan ang pumipiling gumamit ng illegal na droga. Hindi ko na
daragdagan pa ang bilang na iyan. Magiging malayo ako sa droga. Hindi ako magiging
adik!!. Pauunlarin natin ang dati mo ng alam tungkol sa sanaysay sa pamamagitan ng mga
babasahin at kawili-wiling gawain na natitiyak kong kalulugdan mo.

You might also like