You are on page 1of 4

Adiksyon

(Ekspositori)

Isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ngayon ng ating


bansa ay ang adiksyon sa pag-inom ng alak at pagggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Ang adiksyon ay ang pagkalulong sa isang
bagay at palaging hinahanap-hanap. Maramin g masasasamang
bagay ang naidudulot ng adiksyon, ang dahilan ng iba’t-ibang kaso
ng kriminalidad dito sa ating bansa. Ang masa nakababahala pa
dito ay ang mga kabataan ay siya na ding sangkot sa ganitong uri
ng gawain o maituturing na rin na krimen sapahgkat isa ito sa
dahilan kung bakit maraming tao, bata man o matanda ang
nakakagawa ng karumaldumal na mga bagay dahil dito.

Huindi lamang sa lipunan maaring magdulot ng masama ang


ipinagbabawal na gamot at pag-inom ng alak. Magdudulot ang mga
ito ng mga sari-saring pinsala sa ating katawan, kalusugan at sa
relasyon ng gumagamit nito sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Dagdag pa riti ay maari din nitong masira ang buhay n g isang
kabataan na gumagamit nito at mapapabayaan ang pag-aaral at
hindi na muling papasok sa eskwela. Dahil sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot, maaring lumabag ang isang indibidwal sa
mga batas ng ating lipunan at bayan. Kaugnay na rin ng
pagkaadik at pagkahumaling sa droga at alak, humahangtong ito
sa pagsisinungaling, pagnanakaw, o kung anuman ang gawin nila
upang matugunan lamang ang pangangailangan ng kanilang
katawan. Kailangan pa din natin mag-ingat dahil mahirap padin
mapansin kung ang isang indibidwal ay gumagamit ng droga.
Mapapansin na lamang ito kung siya ay gumagawa ng mga bagay
na hindi niya karaniwang ginagawa at wala sa ayos ang kaniyang
sarili. Ngunit may ilang mga sintomas kung ang isang tao ay
gumagamit ng droga at ito ay makikita natin sa katawan nila
mismo. Ang pagkakaroon ng mapupulang mata, panghihina ng
katawan, labis na pagkasumpungin at palaging galit sa kung
sinuman ang kaharap niya, kaya ibayong pag-iingat anhg
kinakailangan.

Mayroon namang ilang mga kabataan na idinadahilan ang


paglalaroon ng mga problema kaya nakakagamit ng ipinagbabawal
na gamit at ang pagkalulong sa alak. Ako, bilang isang kabataan ay
hindi naniniwalang ang droga o alak ay hindi siyang lutas sa mga
problema. Kung mayb problema, maari natin itong ihingi ng tulong
sa ating mga magulang mismo na siyang nakakalalam at mas
nakakatanda sa atin at sanay sa mga problema. Kung ang
problema man ay tungkol sa mga magulang mismo, nariyan ang
mga tunay nating mga kaibigan na siyang aalalay sa atin sa tuwid
na daan at hindi sa paggamit ng ipinagababawal na gamot.
Tamis ng Unang Tikim
(Deskriptib)

Sariwa parin sa aking mga ala-ala, anmg aking unang karanasan


sa harap ng mahabang lamesa na punoi ng samu’t saring mga
pagkain at serbesa na nagtataglay ng mapait at nakakakunot noo
na lasa.

Naalala ko pa nung mga mumunting araw na ako ay may bahid pa


ng gatas sa aking labi.at mahilig pang maglaro ng mga bagy na sa
akin ay lubis na mnagpapasaya gaya ng mga pakikipagkaladyaan
sa aking mga kaklase n g hindi iniinda ang dungis sa aming mga
makikinis at mapupusyaw na balat. Ang magulo at masayang araw
na iyon ay hinding-hindi mawawala sa aking malawak na isipan
sapagkat duon ko unang nalasahan, natikman at naranasan ang
tamis, pait at nakakahilong pakiramdam dahil sa pag-inom ng alak.

Nagmamadali akong umuwi ng araw na iyon sapagkat nasasabik


na akong makipaglaro ng patintero kasama ang aking mga
makukulit at mga kwela na mga kaibigan sa likod ng maalikabok at
malawak na bakuran nang matandang dalagang si Badang. Habang
mabilis akong naglalakad pauwi ay bigla akong hinarang ng aking
kaklaseng na si Erwin. Kinaladkad niya ako ng maeahan papunta
sa isang mahabang lamesa kung saan maraming nakahanda at
maraming mga nakaupong mga taong nagtatawanan habang
nagkukwentuhan.

Sa gitna ng mahabang lamesa na iyon ay may isang malaking bote


ng alak at sa lamesa ay may umiikot na baso na naglalaman ng
alak. Pinaupo ako ni Erwin sa bakanteng upuan sa tapat ng
mahabang lamesa at ang basong umiikot sa lamesa ay inalok sa
akin at inilagay sa aking harapan. Noong una ay gusto kong
tumanggi ngunit wala akong nagawa kundi inumin ito ng makita ko
ang mapanindak na itsura ni Erwin. Mapait, gumuguhit sa
lalamunan at nakakasuka pala ang lasa ng alak.

Isa, dalawa, tatlo, hanggang umabot sa labing pitong tagay. Ang


aking nainom na siyang naging dahilan upang ako ay umuwi ng
susuray-suray.

You might also like