You are on page 1of 4

KENNETH (Pagbubukas) lahat.

Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawid


Kababayang minamahal, ilakas ang radyo't KENNETH
makinig
Dalawang magaling na makata, Balagtasa'y Taga-Maddela, Quirino po ang black byuting
ihahatid paraluman
Magandang gabi po muna sa lahat ang bati Likas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung
naming matamis. lumaban
Pakinggan naman natin ang makatang
makakapingkian
Si Kenneth po ito, ang inatasang maging Iniwan niya ang mag-iina upang tayo'y
Lakandiwa matugunan.
Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang
maghihidwa Taga (Lugar ni Carla) po ang haharap na makata
Para naman inspirado, ang kaba ko ay mawala Nakilalang magaling din sa larangan ng pagtula
Maaari bang makahiling ng palakpakang Si Carla Paraiso po, mabait na may itsura pa
masagana! Salubungin natin siya ng palakpakang masagana!

Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay


salamat CARLA (Pagpupugay)
Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong
maghaharap Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinig
Ang tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganap Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig!
Pakinggan nating mabuti nang maunawaan Sa kalaban ko po namang madilim din yaong
nyong tiyak. kutis
Kung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y
Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan bilib.
Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit
na hahangaan?
Ang may angking likas na talino o ang isang KENNETH
mayaman?
Ating sasagutin ngayon nang malutas ang Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang
katanungan. magpipingkian
Ay tila ba mainit na ang kanilang labanan
Matapos na maihayag ang katanungang Para naman ang pananabik nyo ay hindi mabitin
tutugunin Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.
Ang dalawang maghihidwaan ay atin nang
palitawin
Si Erica Cadago ang siyang unang tatawagin ERICA (Unang tindig)
Sa matunog na palakpak siya'y ating suubin!
Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng
magulang
ERICA (Pagpupugay) Ang talino'y kabahagi sa magandang pamumuhay
Ito'y isang katangiang tataglayin habang buhay
Ang likas na kakayahang taglay ay walang Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng
katumbas tagumpay.
Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na
ihahayag Ang bansa ay umuunlad kung dito'y
Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawad nanunungkulan
Maligayang pakikinig, magandang gabi po sa Malawak ang nababatid, di kapos ang kaalaman
Ngunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit maliwanag.
mangmang
Magagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan. May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatras
Balutin na ang dila mo habang di pa nagkakalat
Sariwain naman natin sa gunita ang lumipas Balagtasa'y hindi laging labanan ng mauutak
Sa dayuhang mananakop lumaya ang Pilipinas Kung minsan din, nagwawagi'y ang makatang
Ito'y dahil sa utak ng isang henyo at pantas may pambayad!
Kay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang
itinumbas.
KENNETH
Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon
Ang marapat na hangaan ay yung mga Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-_____
marurunong Lalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga
Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurol mayayaman
Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol. At para naman lalo nating ito'y maunawaan
Magpapatuloy po sila at atin namang palakpakan!

KENNETH
ERICA (Ikalawang tindig)
Ang panig po ni Erica ay narinig ninyo Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganap
Higit na sisikat at hahangaan ay itong matalino Nitong aking katunggaling panalo ang siyang
Pakinggan naman po natin ang makatang si Carla hangad
Paraiso Magagawa bang gutumin ang may utak at ng
Ihatid po natin siya ng palakpakang masigabo! lakas?
O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak!

CARLA (Unang tindig) Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng


mayaman
Kalaban kong paraluman ay masyado pong Upang lalo pang lumago sa panahon mang
seryoso daratal
Baka labis pong magdamdam kapag dito ay Ano kayang mangyayari kung wala yaong may
natalo aral?
Yamang paksa nami'y tungkol sa mayama't Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan.
matalino
Hayaan nyong sa inyo po ako muna ay Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong
magkwento. langit
Ang marunong ay pumasa sa ginawang
Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, pagsusulit
nagkatabi Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro
Matalinong contract worker at mayamang iginiit
negosyante Limpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya'y
Ang bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte, napiit.
Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty
Free. Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng
pangarap?
Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirap Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay
Mayaman din, nag-aabroad, para naman pambihag?
magpasarap Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utak
Sino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas Pati yaong baluktot na'y tuwid pa ring sinusulyap.
sikat?
Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y
CARLA (Ikalawang tindig) Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasan
Talo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal,
Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisal Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong
Inamin pong ang may aral, lingkod lamang ng kaalaman!
may yaman
Pag nagsara ng negosyo ang mapera't may
puhunan CARLA
Ang kawawa'y ang marunong na kawaning
swelduhan lang! Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong
pa
Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't Adan Gayong halos lahat naman, nabibili na ng pera
Paraiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahan Talino ng abugado, duktor, hilot, kumadrona
Sa hangad na magmarunong, nilabag ang Ay may presyong kagaya rin ng kakaning
kautusan tinitinda!
Pati dunong ng Maylikha ay nais na mapantayan!
Sa labanang pasikatan, sino'ng unang
Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karunungan papansinin?
Yagit ka ring ituturing hangga't di ka yumayaman Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y
Ang taginting ng salapi ay musika sa lipunan pagtabihin?
Pag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang Matalinong mukhang engot dahil pobre at
superstar! gusgusin?
O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y
Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa, mamahalin?
Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansa
Ang dunong ng isang tao, pag sumobra ay
masama, ERICA
Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng
tala! Di katumbas ng halaga ang magandang kalooban
Iyan namang salapi mo'y palamuti lang ng
katawan
KENNETH Di sa panlabas na anyo nakikita ang katinuan
Kundi sa gawa ng taong may inaangking
Sandali muna akong sa labanan ay papagitna kaalaman.
Ang sagutan ng dalawa'y nagiging pabigla-bigla
Para bang mga teksas, sa kulunga'y nagwawala
Sa pagnanais na makasipa at makatuka! CARLA

Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwa Ako yata ay naligaw sa labanang napasukan
Sana ang hinahon sa inyo'y hindi mawala Akala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan?
Muli ay tumindig at sa labanan ay pumagitna Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang
Ihatid naman natin sila ng palakpakang kalooban
pampasigla! Ay di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang
may alam!
ERICA

Katunggali ang nagsabing ang tanga ay naloloko ERICA


Matuwid ang kahulugang dapat magpakatalino
Si Abraham at Isaac maging si Job ay may ulo Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay
Kaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo. naliligaw
Ang paghanga sa marunong, maingat sa
Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't hinahangaan, daraanan!
Ako namang Lakandiwa ang papasok sa eksena
Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay
CARLA na
At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!
Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng
kalaban Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawin
Sa marunong versus mangmang napalihis ang Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukin
usapan! At sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa
magagaling
Marahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y
ERICA limiin.

Kamangmangan ng mayaman ang siya kong Sa panig ng matalino na si Erica


tinutukoy Dahil daw sa talino, nakilala ang ating bansa
Mahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol! Talino raw ang puhunan sa buhay ay pakikibaka
Matalino raw ang siyang sikat at hahangaang
talaga.
CARLA
At si Carla po sa panig ng mayaman
Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y Dahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaan
kinukulang At kung mayaman ka, magpakahirap ay di na
Magkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na kaylangan
lamang! Tila may katwiran din ang makata ng ______.

Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraan


ERICA Walang pagsalang ito'y dapat nating hangaan
Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay
Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala! panlalamang
Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan.

CARLA Hahangaan mo rin ba ang isang mayaman


Kung wala namang malasakit sa kapwang
Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket nahihirapan?
money ka pa! Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa
katuwiran
Walang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan.
ERICA
Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang
Marunong ang hahangaan, di mayamang walang kailangan
alam! Datapuwat kakailanganin din ang puhunan ng
mayaman
Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan
CARLA Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng
negosyo ng mayaman.
Sa gobyerno ay kaydaming matalinong
magnanakaw! Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaan
Ang may angking talino ba o ang isang
mayaman?
KENNETH Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan:
Patas po ang naging laban, sila'y ating
Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawa palakpakan!

You might also like