You are on page 1of 2

ESTRELLA, Jasmin Ann C.

2013-20162
PROF. C. BANDOJO
ASSIGNMENT RIZAL
REACTION PAPER:
DOCUMENTARY: Jose Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani

Sa aming pinanood na dokumentaryo patungkol kay Dr. Jose Rizal,


marami akong nalamang mga detalye ukol sa kanya, hindi lamang kung
paano niya naisulong ang nasyonalismo ng Pilipinas, maging ang personal
niyang buhay na tunay na matalinghaga, kapupulutan ng aral at pumukaw ng
aking damdamin.
Anong pumapasok sa isipan natin kapag nababanggit ang pangalang
Jose Rizal? Ito ang pamungat tanong ng tagapagtalastas na akin naman
sinagot sa isipan. Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng bansang
Pilipinas. Siya ang gumising sa natutulog na nasyonalismo ng bawat Pilipino.
Ngunit nung napanood ko ang dokumentaryo lalo pang lumalim ang
pagkakakilala ko sa kanya, hindi lang bilang isang bayani, maging kapwa
estudyante na may maalab na pagmamahal sa kanyang pamilya at inang
bayan.
Isa sa nakapagbaling ng aking atensyon sa dokumentaryo ay yung
pagmamahal ni Jose Rizal sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina simula
pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda. Ayon sa nga sa aklat nina Aguilar,
Buenaventura at San Valentin, ang pighati ni Rizal sa maagang pagkamatay
ng kapatid na si Concha at pagkakakulong ni Doa Teodora Alonzo ay tunay

na napakita ng pagmamahal ni Rizal sa kanyang pamilya. Isa pa sa ebidensya


ng pagmamahal ni Rizal sa pamilya ay yung pagiging masunurin at magalang
niya sa kanyang ama na si Don Francisco. Yung mga pangaral kay Rizal ng
nakakatanda niyang kapatid na si Paciano ay hindi niya nalilimutan. Isa pa sa
nagpapatunay na wagas pagmamahal ni Rizal sa kanyang ina ay pagkuha
niya ng kursong doktor na may espesiyalista sa paggamot ng mata upang
mapigilan ang pagkabulag ng ina nito. At higit sa lahat yung sakripisyo ni
Rizal upang mabigyan ng magandang bukas ang kanyang pamilya, sa mga
susunod na hahalili sa kanyang pamilya, at pati na rin mga susunod na
henrasyon ng mga Pilipino (dahil tinuring na rin tayo ni Rizal na pamilya) sa
pagpukaw niya sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino sa panahon na
nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espaa ang Pilipinas.

You might also like