You are on page 1of 2

Liean Jemimah G.

Ismael
2015-11541
Bayaning 3rd World

Si Rizal ay parte na ng ating buhay. Masasabi kong ang salitang Rizal ay


nakadikit na sa ating pagka-Pilipino. Siya ay ang piso, monumento, eskwelahan,
kalye, santo, deodorant, at iba pa. Ngunit sino nga bang talaga si Jose Rizal?
Mula pagkabata ay itinanim na sa ating mga isipan at puso na si siya ang ating
pambansang bayani, na inialay niya ang kanyang buhay para sa bayan.
Nararapat nga ba sa kanya ang titulong pambansang bayani gayong siyay pinili
lamang ng mga Kano at hindi ng kanyang mga kababayan? Kung kasalanan ang
pagdudahan ang kabayanihan ni Rizal, mukhang magkakasala kami sa
pelikulang ito. Ang mga katagang ito ang pambungad ng pelikula at kung itoy
totoo, marahil ako rin ay magkakasala.
Simula elementarya hanggang kolehiyo, itinuturo na ang buhay at mga
akda ni Rizal kaya nakakalungkot isiping marami pa ring mga Pilipino ang walang
muwang sa kabuluhan niya bilang pambansang bayani. Sa pelikulang ito,
kanilang iwinaksi ang paniniwala ng maraming Pilipino na ang ang isang bayani
ay dapat sinasamba bilang isang santo o Diyos datapwat ipinakita nila na si Rizal
ay tao rin, nagmamahal, nasasaktan, at nagkakamali. Ito ang naging pananaw
ng nakararami marahil dahil sa pagpipili ng ibang mga awtor ng kwentong
ilalahad. Karamihan ng mga akda at gawa tungkol kay Rizal ay tungkol lamang
sa kanyang kadakilaan o di kaya sa kanyang makasaysayang pagkamatay.
Isinasantabi nila at hindi binibigyang pansin ang mga isyung nakapalibot sa
kanya tulad ng kanyang buhay pag-ibig, pamilya, at ng kanyang relihiyon.
Isang magandang punto ang inilahad nang sinabi nilang si Rizal ay isang
bayaning third world. Third world, ibig sabihin mga bansang nasakop noong
panahon at ngayon ay napag-iiwanan na. Ang eksena ng pagkabasag ng pigurin
ni Rizal ay sumisimbolong si Rizal bilang third world ay marupok. Ang
ppagkaintindi ko sa eksenang ito nung una ay si Rizal ay mahina at mabilis
masira. Ngunit nang ginagawa ko ang reaksyong ito, naisip kong ipinapakita
lamang nito na tao rin si Rizal. Bagamat may mga kahinaan at mga
pagkakamali, naging matatag siya at ipinaglaban ang ating karapatan. Siya ay
isang ehemplo ng mga taong nasa third world na naghahangad ng tamang daan
patungo sa magandang kinabukasan.
Walang tao sa mundo ang perpekto at kasama na rito si Rizal. Ang
kanyang buhay ay malateleserye na puno ng drama, aksyon, at pag-ibig.
Maraming mga katanungan at misteryo ang kanyang buhay na hanggang
ngayon ay hindi masagot-sagot at maaring hindi na masagot pa dahil wala na
siya sa mundong ito. Ang nararapat gawin na lang nating lahat ay pag-aralan at
isapuso ang mga aral na kanyang iniwan upang ito ay ating mga gabay para sa
ikabubuti natin. Maari nating isantabi ang ating mga pagdududa tungkol kay
Rizal sapagkat ang mas importante ay ang kanyang mga naging kontribusyon sa
ating bansa at hindi ang kanyang mga isyu sa buhay ngunit huwag sana natin
itong kakalimutan dahil ito ay magsisilbing patnubay sa mga desisisyong ating
gagawin sa hinaharap.
Sources:
http://bayaning3rdworld.blogspot.com/
http://ivan-thoughts.blogspot.com/2013/05/bayaning-3rd-world-mike-de-
leon.html
http://aabdula.blogspot.com/2008/05/rizal-bayaning-third-world.html
https://www.scribd.com/doc/62292054/Bayaning-Third-World-Reaction-Paper
https://dementedguy.wordpress.com/2008/08/01/bayaning-third-world-2000/
https://en.wikipedia.org/wiki/Bayaning_3rd_World

You might also like