You are on page 1of 1

Ang Alibughang Anak

Sa isang tahimik na bayan, namumuhay ang isang may kayang pamilya – isang
ulirang haligi ng tahanan at ang kaniyang dalawang anak na lalaki. Isang araw, hinihiling
sa ama ng mas nakababatang anak ang kaniyang mamanahing kayamanan. Ibinigay naman
ito ng butihing ama at hinayaan ang anak sa kung ano ang nais nitong gawin sa kayamanan.

Lumayas sa kanilang bayan ang nakababatang anak at pumunta sa isang malayong


lugar. Ginamit niya ang lahat ng kaniyang kayamanan para sa mga luho at bisyo kaya agad
siyang naghirap. Napilitan siyang maghanap ng trabaho at naging alila siya sa isang
babuyan. Nagkataon na naghihirap ang bansang kaniyang napuntahan at wala ring
mapakain sa kaniya ang may – ari, kaya kung ano ang kinakain ng mga baboy ay iyon na rin
ang kaniyang kinakain upang magkalaman lamang ang kaniyang tiyan.

“Maraming alila ang aking ama pero hindi sila nagugutom, samantalang ako ngayon
ay gutom na gutom dito! Babalik ako sa aming tahanan at hihingi ng tawad. Hindi ako
karapat - dapat na anak kaya magboboluntaryo ako bilang alila.”

Bumalik siya sa kanilang bayan at tahanan. Malayo pa lamang ay natanaw na siya


gn kaniyang ama, na mabilis tumakbo at tumungo sa kaniya upang siya ay salubungin.
Niyakap siya ng ama at hinalikan sa pisngi

“Ama, nagkasala ako sa inyo at sa langit. Hindi ako karapat – dapat na maging
inyong anak,” nagsusumamong sambit ng nakababatang anak na lalaki.

Agad siyang pinatawad ng kaniyang ama at inutusan ang mga alila, “Bilis! Bihisan
siya at bigyan ng sandalyas sap aa. Pakikatay ang pinakamalusog na baka at magkakaroon
tayo ng pista. Namatay ang anak ko at ngayon ay nabuhay na magmuli. Siya ay nawala at
ngayon ay nahanap na!”

Samantala, galling naman sa trabaho sa bukirin ang nakakatandang kapatid.


Nagtaka siya sa narinig na musika at sa malapistang kaganapan. Sinabi sa kaniya ng isang
alila na dumating ang kaniyang bunsong kapatid. Nagalit siya at kinausao ang kaniyang
ama. Sinabi niyang naging tapat siya sa kaniyang ama ngunit kahit kalian ay hindi pa
nagkakaroon ng pista para sa kaniya.

“Anak, lagi kang nandito para sa akin at ang lahat ng akin ay sa iyo. Pero kailangan
nating magdiwan dahil ang iyong kapatid na namatay ay ngayo’y nabuhay muli. Siya ay
nawala pero ngayon ay natagpuan na.”

You might also like