You are on page 1of 4

MARICEL E.

VALLEJOS G7-ACTS
MARICEL E. VALLEJOS G7-ACTS
MARICEL E. VALLEJOS G7-ACTS
MARICEL E. VALLEJOS G7-ACTS

TAGPI-TAGPING TUPA
May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama:
Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang
kaniyang kabuhayan.

Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis.
Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng
magulong pamumuhay. Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom
sa lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng
lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. Mahigpit niyang
hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang
sinumang nagbigay sa kaniya.

Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana
sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18 Tatayo ako at pupunta ako sa aking
ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako
karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. Sa pagtayo niya,
pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag
sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.

Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-
dapat na tawaging anak mo.

Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot
ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga
paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang
anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.

At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig
siya ng tugtugin at sayawan. Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang
ibig sabihin ng mga bagay na ito. Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng
pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.

Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa
kaniya.Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit
minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na
kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumating itong anak mo,
nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng
mga patutot.

Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya at magalak ay
kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.

You might also like