You are on page 1of 3

Kabanata 14 – Nagalit at Nagpatawad ang Hari

Nagalit ang hari nang matapos ang kanta ng Adarna at bibigyan sana ng parusa pero si Don Juan ay
tumutol. Hayaan na lang daw sila at napatawad na niya ito. Pinabigyan ng hari ang dalawa ngunit
nagbigay ito ng babala na kapag inulit nila ito, kamatayan ang kanilang parusa.

Talasalitaan:

Poot – galit

Nahabag – naawa

Giliw – mahal

Nanibugho – nagselos

Kabanata 15 – Binantayan ang Adarna

Inatasan ng hari ang tatlong prinsipe na bantayin ang Adarna. Isang gabi, pagkatapos bantayan ni Don
Pedro ang Ibong Adarna, ginising na niya si Don Juan kahit hindi pa niya oras magbantay. Habang
nagbabantay si Don Juan, nakatulog siya at dumating na naman ang dalawang taksil na sina Don Pedro at
Don Diego. Pinakawalan nilang dalawa ang ibon at nang magising si Don Juan, takot kaagad ang kanyang
nadama.
Talasalitaan:

Pagtatanod – pagbabantay

Ganid – sakim

Halinhan – palitan

Nadama – naramdaman

Kabanata 16 – Umalis si Don Juan

Pagkagising ni Don Juan ay nawala na ang Adarna. Labis siyang nabahala at sinisisi niya ang kanyang
sarili. Umalis siya ng Berbanya upang hanapin ang ibon. Kinaumagahan, hindi na nakita ni Don Fernando
ang Adarna. Nagalit siya at tinanong kung sino ang huling nagtanod. Sinabi ng dalawang taksil na si Don
Juan ang huling nagbantay at kaagad-agad siyang pinahanap sa dalawa ang Adarna at si Juan. Umalis sila
at hinanap si Don Juan hanggang sa makita nila ito sa Bundok ng Armenya.

Talasalitaan:

Minimithi – hinahangad
Mamasid – obserbahan

Lihim – sikreto

Magbulaan – magsinungaling

You might also like