You are on page 1of 2

Princeton Science School FILIPINO 7

ARALIN 6
Ibong Adarna
Layunin
Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Maisalaysay ang mga pangyayari sa bawat aralin.
2. Mapulot ang mga mahahalagang aral sa bawat kabanatang binasa.

Aralin 8: Ang Gantimpala Karapat-dapat


Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa leprosong matanda.
Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito masisilayan. Pitong beses iyong
umaawit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit.
Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kanyang palad at pipigaan ng dayap upang
hindi makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang sintas na Ginto upang gamitin sa paghuli ng
mahiwagang ibon.

Aralin 9: Ang Bunga ng Pagpapakasakit


Pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas, wala siyang natagpuang ibon kaya matiyaga nalang
siyang naghintay sa pagbabalik niyon.
Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula na itong umawit kasabay
ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito.
Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan nang makatulog. Upang
maiwasan na maging bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha at pinigaan ito ng dayap.
Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang dalawang
mata at nakabuka ang malabay na pakpak nito.
Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala ito sa dampa ng ermitanyo.
Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig upang maging taong muli ang
mga kapatid niyang naging bato.
Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don Pedro at nabuhay itong muli
at agad hinagkan ang bunsong kapatid.
Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na prinsipe, agad din
nitong niyakap si Don Juan.
Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-alala sa amang may sakit.
Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.

Aralin 10: Ang Bunga ng Inggit


Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa kanilang pag alis. Habang binabagtas ang daanan
pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang kamalay-malay na nagbabalak na pala ang nasa
likuran na si Don Pedro ng masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si Don Juan.
Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip na patayin
ay bugbugin na lang daw ito. Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don Juan.
Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang kaligayahan ng Haring
may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad namang napawi ang ngiti sa kanyang labi
nang mapansin na wala si Don Juan.
Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang bunso at ninais nalang mamatay. Ang ibong adarna
naman ay pumangit at ayaw nang kumanta dahil taksil ang nag uwi sa kanya.
Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung bakit siya nagkasakit. Umaasa
ang ibong adarna na buhay pa ang tunay na nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari ang kataksilang
ginawa ng magkapatid.
Sanggunian:
https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-1
Leonora Dela Cruz-Oracio. ILAW Pinagsanib na Wika at Panitikan. INNOVATIVE EDUCATIONAL
MATERIALS, INCORPORATION. Pp. 303-321

You might also like