You are on page 1of 4

ISANG DIPANG LANGIT

Ni: Amado V. Hernadez

Ang tulang Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernadez ay ginawa niya sa loob ng
kulungan. At ito ang kanyang karanasan. Ang unang saknong sa tula ay nagsasalaysay na ang
persona ay giniit sa may kasalanan ng mga taong nakatataas sa lipunan. Kahit wala naman
siyang kasalanan ay siya’y napagbintangan sa kasalanang hindi naman ginawa.

Sa ikalawang saknong, ay yaong panahong siya’y kinulong sa lugar na kung saan ay may
malupit na bantay. Dito napagtanto niya na ang kanyang buhay ay para ng patay, dahil kahit
humihinga pa siya ay wala ng silbi ang kanyang buhay.

Sa ikatlong saknong ay ang tanging ginawa niya ay dumungaw lamang sa maliit na butas
sa kulungan na tanaw na tanaw ang dipang langit. Sa pagmamasid sa langit ay naluha siya at
nalungkot. Nasasaktan siya dahil ang mismong bayan na kanyang pinag-iingatan, pinaglalaban
at pinagsisilbihan ay yaon pa ang nagtaksil at nag-udyok sa kanya sa kulungan.

Sa ikaapat na saknong, ay isinalaysay ng persona na wari’y galit na galit ang mga tanod
na nagbabantay sa kanilang kulungan habang may katabing isang nabilanggo na sumisigaw ng
malakas na parang hayop sa yungib.

Sa ikalimang saknong, ay nagpapahiwatig na maghapon at magdamag siyang nagluksa. At


sa kanyang pagluluksa ay napaisip siya na ang lungga ng bilangguan ay parang kabaong. Ibig
sabihin sa panahon nang nasa bilangguan siya ay para na siyang patay na nilalamayan ng mga
tanod at iba pang nakakulong.

Sa ikaanim na saknong ay naglalarawan na may nakita ang persona na may dumaan sa


kanyang harapan na kung saan ay may kadenang kumakalanding sa kanya, isang may sala na
ibinilad sa lakas ng init ng araw at hindi na nakayanan ang parusa kaya’y namatay.

Sa ikapitong saknong ay inilalarawan ng persona na kung minsan sa isang tahimik na gabi


ay biglang nagulantang ang lahat sa ingay na naghuhudyat na may takas. At minsan naman ay
nasaksihan at nakita ng persona namay nag-aagaw buhay hanggang namatay dahil sa parusang
ibinitay.
Sa ikawalong saknong ay sinabi ng persona na ang bilangguan na ngayon ang kanyang
mundo, sa bilangguan na parang libingan ng buhay. Umabot din ang persona ng dalawampung
taon na pagkabilanggo at nagwika siya na baka sa bilangguan na siya mamamatay.

Sa ikasiyam na saknong ay nangangahulugan na kahit siya’y matanda na sa bilangguan ay


hindi pa rin siya sumusuko na baka siya’y makalabas dito. Dahil buhay pa siya, ay umaasa pa rin
siya na may pag-asa kahit masakit sa puso, natatakot at nahihirapan.

Sa ikasampung saknong ay sinabi ng persona na ang Bathala ay di-natutulog, ibig sabihin,


alam ng Diyos ang lahat ng mga pangyayari, ang totoo o hindi. Lahat ng ginagawa ng lahat ng
tao sa buong daigdig ay batid ng Bathala. Kaya, nagwika ang persona na hindi lahat ng api ay
api. Ibig sabihin ay may hangganan ang paghihirap na dinadanas ng tao sa buhay. At sa panahon
ng pagtutuos ay napawalang-sala siya.

Sa huling saknong, ay nakalaya na ang persona. Masaya siya dahil natatanaw na niya ang
dipang langit ng wala ng luha. Sisikat ang araw ng tagumpay ay nangangahulugang may bagong
pag-asa ang dadating sa kanyang buhay, pagdating ng bukas.

Itong tulang Isang Dipang Langit ay sumasalamin sa pag-asa ng buhay ng tao. There is
hope when you have life. Huwag susukosa anumang pahihirap na madadanas natin at higit sa
lahat ay huwag susukosa mga problemang hinaharap o haharapin dahil sa tuwing nabubuhay pa
tayo ay nabubuhay din ang pag-asa na dadating sa huli at ito ang tagumpay. #trustGod

Ipinaskil ni John Mark Sinoy sa 10:02 PM

Akda ni: Amado V. Hernandez

Si Amado V. Hernandez kilala bilang makata ng mga manggagawa. Sa kanyang mga tula
masasalamin natin ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Para sa
kanya, ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim, aliw-iw. Ang panitik ay makapangyarihan at
ayon sakanya pati hari ay mapapayuko ng panitik. Sumakatuwid siya ay maraming akdang
naihandog.
Ang uri ng panitikan ng Isang Dipang Langit ay Patula dahil ito ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at
pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.

Ang layunin ng may akda ay maipahatid sa mga mambabasa na sa kabila ng dilim ay may
liwanag. Nararapat lamang na tayo ay huwag mawalan ng pag-asa dahil habang may buhay mag
pag-asa. Sabi nga niya sa kanyang tula na “ang tao’t Bathala ay hindi natutulog at di habang
araw ay ang api ay api”.

Ang paksa ng akda sa Isang Dipang Langit ay tungkol sa mga bilanggo na wari’y nagdudusa sa
lungkot. Sila ay ang hindi tunay na may sala sumakatuwid sila lamang ay pinaratang ng walang
malay sapagkat sila ay isang api at nasa baba.

Ang mga tauhan din sakanyang akda ay mga tao sa lipunan na nag-titiis sa hirap at pighati sa
bilibid.

Umiikot ang istorya sa panahon na kung saan ay ang mga api o mga mababang tao sa lipunan ay
walang karapatan. Na kung hanggang kaylan gusto ng mga nasa itaas na sila’y hatulan sa
kasalanang kanilang gawa ay kaya nilang alipinin at ikulong ang mga naaapi.

Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan diretso ang lahat ng patutunguhan ng istorya
kaya mas naiintindahan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kaya ang nais maipabatid
ng may akda sa mga mambasa ay mas naiintindihan. Mas nadama ang damdamin at emosyon
sa tula.

Ang kaisipanng taglay ng akda ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay at


nagpapaliwanang sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Ito ay mga makatotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, sistema
ng mga ideya o paniniwalangkumokontrol sa buhay. Ang may akda ay naghahatid ng may
kagandahan sa kapangitan. Na ang tula ay nararapat na tumalakay hindi lamang sa tamis ng
pagmamahalan, kagandahan ng kalikasan, kirot ng kabiguan sa pag-ibig, at init ng katawan
kundi dapat din nitong lamanin ang mapapait na karanasan ng mga tao sa isang lipunan.

Epektibo ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita. Angkop ang antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa sa pagkabuo ng akda. Masining ang pagkakagawa ng akda. Ito ay may
kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda.

You might also like