Professional Documents
Culture Documents
Pagsusund Sunod
Pagsusund Sunod
Batay sa mga ulat ng Malay, noong 1160 A.D. matapos ang isang bagyo, si Utama (isang
pinunong Malay) ay napagawi sa isang bayan na kung tawagin ay Temasek. Dito ay
nakakita siya ng isang hayop na korteng-leon kaya’t naisipan niyang binyagan ang lugar
bilang Singa-pura o “Lunsod ng Leon”.
Noong 1819, itinatag ni Sir Thomas Stamford Raffles ang makabagong Singapore. Dahil sa
magandang lokasyon ng bansa, hinimok niya ang Britain na bilhin at sakupin ang teritoryo.
Naging bahagi ang Singapore ng Straits Settlements, na noong 1867 ay napaloob bilang
kolonya ng Britain. Sa panahong ito, umunlad ang Singapore bilang isang pangunahing
sentro ng kalakalan at internasyonal na malayang daungan sa pagbubukas ng Suez Canal.
Subalit hindi rin nakaligtas sa pananakop ng mga Hapon ang Singapore. Ang isla ay
nasakop mula 1942 hanggang sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ika – 3 ng Hunyo, 1959 nang magsarili ang Singapore. Apat na taon ang lumipas nang
sumali ang bansa sa Pederasyon ng Malaysia. Subalit nang magkaroon ng mga alitan ng
pederasyong Malay at minoryang Tsino, ang Singapore ay tumiwalag at naging malayang
bansa noong ika – 9 ng Agosto, 1965.
Kilala ngayon ang Singapore hindi lamang sa pagiging isang industriyalisadong bansa
kundi sa pagkakaroon din nito ng pinakamalinis na lunsod sa buong mundo.
Prosidyural
- Gamit ang marker, itiman o i-shade nang buo ang oval na nasa tabi ng pangalan ng inyong
napiling kandidato.
- Pagkatapos bumuto i-feed ang nasagutang balota sa Precint Count Optimal Scan (PCOS)
Machine.