You are on page 1of 5

Kuryusidad at Anekdota ng Madrid

“Dapat ipagmalaki ng lunsod ng Madrid na ito lamang ang lunsod sa daigdig na may inialay na
monumento para sa Diyablo mismo,” ang iginigiit ni María Isabel Gea sa kaniyang akda na
Curiosidades y Anécdotas de Madrid.

Walang sinasadyang masamang intensiyon, ang mga tsismoso’t tsismosa ay nagpapalitan ng mga
salita at mga  anekdota  tungkol sa ibang mga tao.” Isang paboritong anekdota ang naglalarawan sa
konsul na, hindi pa natatagalan, ay ipinadala sa Nigeria at nagtanong tungkol sa kaniyang pensiyon.
Mula noon, ang mga literaturang Judio, gaya ng Talmud, ay higit na nagtuon ng pansin sa mga
pagtalakay, anekdota, at paggawi ng mga rabbi sa halip na sa mga kapahayagan ng Diyos. Ang mga
dumalo ay nasiyahan sa pakikinig sa mga pag-uulat, sa interesanteng mga anekdota, karanasan, at
komento ng tatlong kagawad ng Lupong Tagapamahala na naroroon. Gayundin, ang ibang mga
reklamo na ang mga kompaniya sa seguro ay lubhang umaasa sa mga anekdota na gaya niyaong
nasa pahina 11 para sa katibayan o, mas masahol pa, sa pagsasaysay ng mga kuwento sa di-
kompletong anyo.

Ang paglalaan ng panahon sa mga apo, tinuturuan sila ng nakatutuwang mga laro at kapaki-
pakinabang na mumunting gawain, pagkukuwento sa kanila ng mga kuwento sa Bibliya o
mga anekdota ng pamilya, ay lumilikha ng masigla at nagtatagal na mga alaala.
Tungkol kay Rizal
Simula pagkabata, mahilig nang magsulat si Jose Rizal.Mas lalong tumindi ang hilig niyang ito nang pumasok
siya sa paaralan kung saan nakagawa siya ng mga tula, dula,talumpati at sanaysay. Unang nag-aral si Rizal sa
kanyang bayan sa Calamba,Laguna. Ngunit bago pa siya pormal na pumasok sa paaralan, sinimulan na ng
kanyang ina, si Teodora Alonso,ang kanyang edukasyon.

Nagsimula ang pormal na edukasyon ni Rizal sa Calamba noong siya ay humigit-kumulang apat na taong
gulang lamang.Binayaran ng kanyang ama ang isang matandanglalake, si Leon Monrog, na turuan siya ng
Latin.
Tayo ay Pilipino
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nagpapa-alala sa ating mga Pilipino na magbago at
mahalin ang Inang Bayan. Lahat tayo ay inaanyayahan na basahin ito. Ngunit ang pagbasa nito’y
hindi sapat. Dapat may kasamang aksyon.

Hindi ba natin alam na minsa’y hindi natin ginagampanan ang ating pagkapilipino? Alam natin na
ganito ang mangyayari sa ating bayan pero hindi parin natin ito binibigyan ng pansin. Palagi tayong
nagsasabi na ang bayan ay tangkilikin ngunit puro tayo salita lamang. Nawa’y maging inspirasyon
natin ang bansa at gumawa ng kabutihan.
Mandela Day
Ang Nelson Mandela International Day, o tinatawag ring Nelson Mandela Day, o Mandela Day, ay
isang holiday na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 18. Ito ay opisyal na ideneklara ng United Nations
noong 2009 ngunit ang holiday ay unang ipinagdiriwang noong Hulyo 18, 2009 sa ika-91 na
kaarawan ni Nelson Mandela.

Ang araw na iyon ay naging inspirasyon ng dahil sa isinalaysay ni Nelson Mandela na ginawa niya
isang taon bago ang kanyang kapanganakan, kung saan sinabihan niya ang susunod na mga
henerasyon na labanan ang kabigatan ng pamumuno sa pagtugon ng kawalan ng katarungang
panlipunan sa mundo, at sinabing, ”It is in your hands now.”

Simple lang ang  mensahe ng Mandela Day.Bawat indibidwal ay may abilidad at responsibilidad na


magpapabago ng mundo para sa ikabubuti ng lahat. Ang Mandela Day ay naghahangad na tularan
at maging isang Nelson Mandela ang bawat isa, na magiging lider at magkaroon ng maayos na
pagbabago ang mundo.
Ang Tsinelas ni Jose Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag
walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak
kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na
naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming
gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang
ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay
pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid
sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong
tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang
bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking
ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon
sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay
wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa
kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

You might also like