You are on page 1of 2

BAKIT HINDI PAKSAING FILIPINO -Bienvenido Lumbera, Writing the Nation/Pag-akda ng

Bansa Bakit hindi paksaing Filipino? Nang-uusig ang tanong. May naaprobahan na akong
paksain parasa aking disertasyon, at inakala kong ang halaga niyon ay pansarili lamang .

“Bakit hindi paksaingFilipino?” Tanong ito ng isang kababayang kararating lamang sa Indiana
University mula sa Pilipinas. Ginulantang ako ng tanong. Sa loob kasi ng tatlong taong
pagkalayo sa sariling bayan, hindi sumagi saisipan ko na importante pala na iugnay ko ang aking
mga plano para sa sariling hinaharap sa mga pangangailangan ng aking baying tinubuan. Taong
1959 noon, at simula iyon ng aking re-edukasyon bilang intelektuwal na ang kamalaya’y
hinubog ng kulturang kolonyal. Inihantong ako ng aking re- edukasyon sa mga karanasang nang
ako’y magsimula ay hindi ko inakalang kakayanin kong pasukan. Mula sa pananaliksik tungkol
sa panulaang Tagalog, naging mapusok na tagapagbandila ako ng wikang pambansa sa mga
pagtitipon ng mga guro sa mga kolehiyo’t pamantasan.

Hindi naglaon at nasubo naman ako sa pag- oorganisa ng mga manunula na iba’t iba ang ugali at
kalooban. Sa dakong huli, napasalang ako bilang manunulat at editor sa loob ng kilusang
lihimlaban sa diktadurang Marcos. Maraming kaalaman ang kinakailangan kong iwaksi at
marami ring bagoakong natutuhan sa panahon ng aking re-edukasyon. At ngayong nakatayo ako
sa harap ninyo bilangawardee ng Ramon Magsaysay Award Foundation, nagpapasalamat ako at
noong 1959 ay may nagtanongat gumalantang sa akin, at bagamat mayroon akong mga agam-
agam, ay nanghasa akong tumugan sahamon ng nasyonalismo.Makapangyarihan puwersa ang
nasyonalismo.

Nakapagbubunsod ito ng malaking pagbabago sa buhay ng isang indibidwal at sa kalagayan na


rin ng bayan. Nasa Ikatlong Daigdig tayo, ang daigdig ngmga bansang ginaga ng mga
kolonyalista, na bagamat sinasabing malaya na, ay mabuway pa rin angkabuhayan. At sa
kanilang mga plano at panukala, minamadali tayo ng ating mga lider na inip na inipnang
maisampa ang bayan sa ganap na kaunlaran. Subalit kung walang matibay na
puwersangmagbibigkis sa mga mamamayan, hindi sasapat ang matatayog na gusali at walang-
duluhang mgaexpressway at mga mall na nagsisikip sa mga mamimili at mga bilihin, upang
gawing matatag ang bansa.Ang kailangan ay pananalig na aakay sa tao upang sumugod siya sa
walang-katiyang hinaharap atmagtayo roon ng isang bayang masagana at malaya. Tanging
nasyonalismo lamang ang may ganyang bisa — hinuhugisan nito ang ating mga pangarap at
pinalalaya ang lahat ng ating lakas hanggang matupad anglahat ng ating pangarap. Kung ito ang
gagabay sa pagtahak ng sambayanan sa hinaharap, sasanib ang pag-asa sa ating lakas at
kakayanin nating tuparin ang ating mga pangarap.

Si Lumbera ay kasalukuyang kinikilala nang malawakan bilang isa sa mga haligi ng walang-
kamatayang Pilipinong panitikan, araling pangkultura at pelikula, nakapagsusulat at
nakapagsaayos sa lathala ng mga aklat sa pampanitikang kasaysayan, pampanitikang puna,
at pelikula.
Nakatanggap din siya ng mga gawad na nagtutukoy sa kanyang ambag sa Pilipinong panitik,
karaniwan ay Gawad Palanca para sa Panitikan (1975); Gawad Ramon Magsaysay para
sa Pamamahayag, Panitikan, at Malikhaing Sining Pangkomunikasyon (1993); mga Gawad
Pambansa sa Aklat mula sa Pangkat ng mga Tagapuna ng Maynila; Parangal na Pampanitikang
Sentenyal ng Pilipinas (1998); at Sanghayang Sentenyal ng Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas para sa Sining (1999).
Siya ay kasalukuyang patnugot ng Sanghaya (Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura,
Propesor sa Kagawaran ng Inggles sa Paaralan ng Katuruang Pantao ng Pamantasang Ateneo de
Manila, Propesor na Emeritus sa Kagawaran ng Pilipino at Panitikang Pilipino, Dalubhasaan ng
Sining at Panitikan, Pamantasan ng Pilipinas-Diliman, at Propesor ng Panitikan sa Pamantasang
De La Salle-Maynila. Sa panahon lamang, naglingkod din siya bilang pangulo ng Alyansa ng
mga Nag-aalintana Guro (ACT), isang pambansang organisasyon na binubuo nang humigit sa
40,000 guro't manggagawa sa sektor ng edukasyon.

Pananalita sa Pagtanggap ng Ramon Magsaysay Award

Cultural Center of thePhlippines

13 Agosto 1993

You might also like