Sanggunian sa Pagdadalumat/Pagteteorya sa Kontekstong P/Filipino Mga Layunin • Maipakita ang ugnayan ng nakaraan at kasalukuyan na sinasalamin ng mga akdang pampanitikan. • Maipaunawa ang kahalagahan ng wika bilang kasangkapan sa pagpapalaya ng kaisipan at bayan. • Panahon bago dumating ang mga Espanyol • Panahon ng Pananakop ng Espanya • Panahon ng Pananakop ng Amerika • Panahon ng Pananakop ng Hapon • Pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas • Pagpapalaya at Pagtatayo ng Nagsasariling Republika • Limitado sa mga naisulat ng mga dayuhang mananakop ang ating kaalaman sa kasaysayan ng bansa. Nahahati ito sa dalawang bahagi (bipartite) • Panahon na tayo ay nasa kadiliman, mga barbaro, walang sariling kultura, at atrasado. • Panahon ng kaliwanagan kung saan tinanggap natin ang Nuestra Maravillosa Civilizacion (Salazar, 1983) Ayon kay Salazar (1983), hindi totoong walang umiiral na sibilisasyon bago dumating ang mga Espanyol. Sinuportahan nito ang tripartite o tatlong bahaging historikal na ideolohiya ni Rizal: • May sariling sibilisasyon ang Pilipinas at may angking kaunlaran, taglay ang kanyang kakayahan at katangian • Pagkabulok at pag-atras ng lipunan sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Pagkawala ng kabutihang sibiko at pagkalulong sa bisyo. Kanser sa lipunan sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. • Paglaya ng malikhaing pwersa ng ating lahi sa pagkamit ng kalayaan. Maaaring sa pamamagitan ng rebolusyon o sa pamamagitan ng reporma. Sa akda ni San Juan na “Kontra- Modernidad: Pakikipagsapalaran sa Pagtuklas ng Sarili Nating Mapagpalayang Kabihasnan” ay tinalakay niya ang landas na tinatahak ng Pilipinas tungo sa kasalukuyang modernidad nito. • Naniniwala siya na “ang kulturang modernidad ng Pilipinas ay hindi isang paralisadong ideya kundi isang proseso, isang nililikhang gawain na nakaangkla sa nakalipas na karanasan na siyang ugat at binhi ng niyayaring estruktura ng bagong mapagpalayang kaayusan” (San Juan, 2017) • Isinulat si Rizal ng Anotasyon sa Sucesos De Las Islas Filipinas ni Antonio de Morga (1980) upang pabulaanan ang mga maling pag-unawa sa kultura ng mga Pilipino • Si Andres Bonifacio ay isinulat Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog (1986) upang ipakita na may sibilisasyon na ang bansa bago dumating ang mga Espanyol. • Malakolonyal dahil sa kahit pa sinasabing malaya na ang Pilipinas ay patuloy na nilalabag ng United Sates ang soberanya ng bansa at tinitiyak nila na patuloy nilang makokontrol ang ekonomiya, politika, kultura, militar, at ugnayang panlabas ng bansa. • Malapyudal na bunga ng pagkakasanib ng dayuhang monopolyong kapitalismo at katutubong pyudalismo na nagresulta sa pagkalusaw ng isang ekonomiyang nakasasapat sa sarili at napalitan ng isang ekonomiyang pangkalakal. • Pinipigil nito ang pag-unlad ng isang pambansang kapitalismo at pinamalaging mahirap ang malawak na masa upang makakuha mula sa kanila ng murang lakas paggawa at murang hilaw na materyales. • Pinipigil nito ang pag-unlad ng isang pambansang kapitalismo at pinamalaging mahirap ang malawak na masa upang makakuha mula sa kanila ng murang lakas paggawa at murang hilaw na materyales. • Ayon kay Salazar sa pamamagitan ng pantayong pananaw, isinulat niya ang bagong Balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan, ipinaliwanag niya na “Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan-- • kabuuang nababalot , at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan.” (Salazar, 2004 Salazar ang pagtalakay sa kasaysayan ng bansa sa tatlong panahon o bahagi: • Pamayanan (h-k 500,000/250,00 BK-1588 MK)- • Bayan (1588-1913)- • Bansa (1913-kasalukuyan)- • Patuloy rin na nagbabagong-hugis ang kontemporaryong kabihasnan ng Pilipinas, kung kaya’t ayon kay San Juan (2017) ay nakikipagsapalaran ang sinuman ang nagnanais na suriin ang mabilis na pagbabago ng ating lipunan. Ang tema ng modernidad ng bansa ay sinasabing historikal at may oryentasyong pangmadla. • Maging sa mga awitin ni Francis M. ay litaw ang kamalayan na nakaugat sa nakaraan. Sa kabila ng pagiging banyaga ng porma ng kanyang musika, ang kanyang mga awitin ay nakasulat sa wikang Filipino tulad ng “Mga Kababayan Ko” at “Ito ang Gusto Ko” ay nagtataglay ng mensaheng angkop sa kondisyong Pilipino. Ang Wika Bilang Mahalagang Salik ng Pagbabagong Panlipunan • Sa anumang kilusang mapagpalaya, pangunahing sandata ang wika. Ito ang naging sentro ng pagtalakay ni Monico Atienza (1992) sa kanyang akdang Filipino ng Kilusang Pambansa-Demokratiko at Pulitika sa Pambansang Wika. • Malaki ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa pagmumulat sa mamamayan, dahil ito ay hango sa mga katutubong wika na nagtataglay ng likas na katangian ng ating bansa. • Bahagi ng pagsusulong at paggamit ng wikang Pilipino ang ipaglaban sa mga ipinatutupad na patakaran sa ilalim ng neoliberalismo. Hindi magiging matagumpay ang paglalaganap ng kaisipang Filipino kung ang mismong wika na giangamit para ipahayag ito ang unti-unting pinapatay sa akademya. • Sa ilalim ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 2 series of 2013, isa ang mga asignaturang Filipino sa inalis sa General Education Curriculum para sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Sa pamamagitan ng mga pagkilos na pinangunahan ng Tanggol Wika at panawagan na ideklarang labag sa Konstitusyon ang CMO No.20 S. 2013 ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban dito. • Makalipas ang apat na taon ay naglabas ng desisyon ang korte Suprema na legal ang pagpapatupad ng Kto12 at lahat ng mga patakaran na kaugnay nito. Dahil dito, inalis ang TRO sa pagpaptupad ng CMO 20 S. 2013, kung kaya nagsampa ng motion for reconsideration (MR) ang Tanggol Wika upang muling pag-aralan ng hukuman ang kanilang naging desisyon at magsagawa ng oral arguments para dito.