You are on page 1of 85

AP 5

D
Pag-usbong ng A
Nasyonalismo Y
1

QUARTER 3 WEEK 5
Balik-aral:

Sino sino ang mga katutubong nagtanggol para


sa Kalayaan ng Bayan?

Pinahahalagahan mo ba ang kanilang


pakikipaglaban sa mga Espanyol para lang sa
Kalayaan?
Suriin ang larawan:

Ano ang masasabi mo sa larawan?


Ang mga Pilipino noon ay wala pang konsepto
ng nasyon o bansa. Ang pamahalaang mayroon
sa bansa ay mga nagsasariling barangay
lamang. Walang iisang wika, tradisyon,
relihiyon, o gawaing maaaring magbuklod sa
lahat ng mga Pilipino noon.
Ngayon, alamin natin kung ano
ang mga dahilan ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino
tungo sa paglinang ng
damdaming nasyonalismo.
 Ang pagkamakabansa o nasyonalismo ay isang
kataga na tumutukoy sa isang doktrina o kilusang
pampolitika na pinanghahawakan na may karapatan ang
isang bansa— kadalasang binibigyan kahulugan sa
etnisidad o kultura-na magbuo ng isang malaya o
awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay sa
isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang
patutunguhan.
 Ang nasyonalismo ay ang matinding
pagmamahal, pagpapahalaga at pagtatanggol
sa Inang bayan. Ito ay isang kamalayan ng
pagiging kabilang sa isang nasyon na
mayroong iisang lahi, kasaysayan, kultura,
wika at pagpapahalaga.
 Pangunahing manipestasyon nito ay ang pagkakaisa.
Nagpapakita ng pagtutulungan, pagbubuklod sa iisang
kultura, saloobin at hangarin, pagmamahal,
pagtatangkilik sa sariling produkto, ideya at kultura ng
sariling bayan. Ang pakiramdam ng pagiging kabilang sa
sariling bansa ay tinawag pagkamakabayan, na kung saan
ay kinuha na lampas sa pakiramdam na iyon ay magiging
nasyonalismo.
Ang pananakop, pagpapasalilalim sa kapangyarihan at
pagsasamantala ng mga Kanluranin sa mga bansang
Asyano ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo. Ang ideyang ito ay nanggaling din sa
kaisipang liberal ng Europa na nagmula ng ibang mga
sumusunod na mga kilalang tao tulad ni John Locke,
Jean Jacques Rousseau, ilustrado at iba pang taong at
mga pahayagang nasyonalista.
Sumibol ang damdaming nasyonalismo sa hangaring
makabuo ng isang matatag na bansa noong panahon ng
“Enlightenment” sa Europe. Sa Pilipinas, nalinang ang
damdaming makabansa ng mga Pilipino bunga ng
patakarang kolonyal, matagal na panahon ng pananakop,
at ang pang- aapi at katiwalian ng mga Espanyol.
Nagpaliyab din ng damdaming nasyonalismo ang
paglaganap ng kaisipang liberal at demokrasya sa
Europe.
Mga Sanhi na Nakapagpausbong ng
Damdaming Nasyonalismo
 Sanhi ng patakarang kolonyal
 Matagal na pananakop ng Espanyol
 Pang-aapi at katiwalian ng mga mananakop
 Paglaganap ng kaisipang liberal at demokratiko
Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng
diwang nasyonalismo at malungkot na mukha
kung hindi.
__________1. Paggalang sa watawat ng Pilipinas.
__________2. Paghubog at paggamit ng sarili
nating wika.
__________3. Pagtangkilik sa sariling
produkto.
__________4. Pagbili ng mamahaling
gamit mula sa ibang bansa.
__________5. Paggamit ng wikang
Ingles at iba pang banyagang wika.
Sa pag-usbong ng nasyolnalismo o
kamalayang pambansa sa Pilipinas,
ano ano ang naging kahalagahan nito
sa mga Pilipino.
Ano ang nasyonalismo?

Ang nasyonalismo ay pagmamahal sa bayan,


pagtatanggol sa bansa, pag-usbong ng damdaming
Makabayan at pagpapakita ng pagmamalasakit sa bansa.
Marami ang sanhi ng pagsilang ng damdaming Pilipino:
sanhi ng patakarang kolonyal. matagal na pananakop ng
Espanyol, pang-aapi at katiwalian ng mga mananakop at
paglaganap ng kaisipang
liberal at demokratiko.
Panuto: Isulat ang Tama sa patlang kung
tama ang ipinahahayag na pangungusap at
isulat ang Mali kung ito ay hindi.
_________1. Sumibol ang damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino sa hangaring
maging makapagyarihan sa buong mundo.
_________2. Ang pagtatanggol sa Inang
bayan ay isang halimbawa ng
nasyonalismo.
_________3. Nagpaliyab din ng
damdaming nasyonalismo ang
paglaganap ng kaisipang liberal at
demokrasya sa Europa.
_________4. Pag-aalsa lamang ang paraan
upang makamit ang kalayaan ng mga
Pilipino sa mga Espanyol.
_________5. Ang pagtatangkilik sa sariling
produkto at kultura ng Pilipinas ay isa sa
nagpapakita ng diwang nasyonalismo.
AP 5
D
Pag-usbong ng A
Nasyonalismo Y
2

QUARTER 3 WEEK 5
Balik-aral:
Panuto: Bigkasin ang “Pilipino” kung tama ang
ipinahahayag na pangungusap at “Banyaga” kung
ito ay hindi.
_________1. Sumibol ang damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino sa hangaring maging
makapagyarihan sa buong mundo.
_________2. Ang pagtatanggol sa Inang
bayan ay isang halimbawa ng
nasyonalismo.
_________3. Nagpaliyab din ng
damdaming nasyonalismo ang
paglaganap ng kaisipang liberal at
demokrasya sa Europa.
_________4. Pag-aalsa lamang ang paraan
upang makamit ang kalayaan ng mga
Pilipino sa mga Espanyol.
_________5. Ang pagtatangkilik sa sariling
produkto at kultura ng Pilipinas ay isa sa
nagpapakita ng diwang nasyonalismo.
Ano ang naging buhay ng mga Katutubong
Pilipino sa kamay ng mga Espanyol?

Yumaman ba ang mga katutubo?

Naging Malaya ba ang mga katutubo na


gawin ang gusto nila?
Dahil sa iba’t ibang hirap na dinanas ng mga
Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Espanyol,
sumibol sa kanilang damdamin ang pagnanais na
magkaroon ng kalayaan at magtamasa ng pantay
na karapatan, tulad ng sa tinatamasa ng mga
Espanyol. Dito nag-umpisa ang damdaming
makabansa ng mga Pilipino.
May mga Pilipino na nais na maging malaya tulad
nila Magat Salamat (1587 sa Tondo) at Lakandula
(1574 sa Tondo) noong bago dumating ang mga
Kastila ngunit sila ay nabigo sa kadahilanang
tinanggal ang mga pribilehiyong ipinangako sa
kanila ni Legazpi nang palitan ito ni Lavezares. Si
Lakandula ang huling hari ng Tondo, Maynila.
Kabilang din sa dahilan ng pag-aalsa ng
mga Pilipino ang labis na pahirap sa
pagbabayad ng tributo, polo, pag-aagaw
ng mga lupain at monopolyo kaya ito ay
pinaglalaban ni Diego Silang (1762-63
sa Ilocos).
May mga Pilipino na hindi tumanggap
sa Katolisismo at nais balikan ang
katutubong relihiyon tulad nila Bankaw
(1622 sa Leyte), Tamblot (1622 sa
Bohol) at Hermano Pule (1840 sa
Tayabas, Quezon).
May mga pag-aalsang naganap na ang dahilan ay ang mga
personal na karaingan tulad nila Malong (1660-61 sa
Pangasinan) dahil sa hindi pagbayad ng mga Espanyol ng
kaukulang sahod sa libu-libong katutubong magtatrabaho sa
pagawaan ng barko at Dagohoy (1744-1828 sa Bohol) na
may pinakamahabang pag-aalsa sa kasaysayan ng Pilipinas
dahil sa pagtutol ng kura na bigyan ng maayos o marangal
na libing ang kapatid na namatay.
Naging dahilan ang mga pag-aalsa upang
umusbong ang diwang nasyonalismo sa mga
Pilipino. Napatunayan na ang lahing Pilipino ay
may pagmamahal sa kalayaan. Nakita rin nila ang
kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama
upang matamo ang kanilang nilalayon.
Panuto: Punan ng titik ang bawat bilang para
makabuo ng isang konsepto. Isulat ito sa sagutang
papel.
Kung ikaw ay rebolusyonaryong nabuhay
noong panahon ng kolonyalismong Espanyol,
ano-anong mga katangian ang dapat taglayin
upang maipagpatuloy ang himagsikan laban
sa mapang-abusong panakop.
Ano ano ang dahilang ng
pag-usbong ng pagiging
Makabayan ng mga
katutubo?
Panuto:Alin sa mga sumusunod ang
nagpapahayag ng pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino. Kopyahin ang
tamang pangungusap sa sagutang papel.
1. Pagbuwis ng sariling buhay sa
pakikipaglaban upang maibalik ang kalayaan
ng bansa.
2. Nakapagpapahayag ng damdamin ng
pagbabago sa pamahalaan nang hindi
gumagamit ng dahas.
3. Pagsunod sa mga patakarang ipinatupad
kahit labag sa kalooban.
4. Makilahok at makiambag sa
gawaing pampamayanan na
nagdudulot ng pagkakaisa.
5. Pagpahayag ng karapatan sa
pamamagitan ng pagboto sa panahon
ng eleksiyon.
AP 5
D
Pag-usbong ng A
Nasyonalismo Y
3

QUARTER 3 WEEK 5
Balik-aral:
Isulat ang K kung katotohanan at H kung hindi
ang isinasaad ng mga pangungusap.
_________1. Nakaranas ng iba’t ibang hirap
ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhang
Espanyol kaya’t sumibol ang damdaming
makabansa ng mga Pilipino.
__________2. Sa ginawang pananakop ng
mga Espanyol, hindi naghimagsik ang mga
Pilipino.
__________3. Nag-alsa ang mga Pilipino
dahil sa pagkawala ng kalayaan sa
pamumuhay at pagsamba.
__________4. Nawalan ng pag-asa ang
mga katutubo dahil sa bigo ito sa planong
pag-aalsa.
__________5. Ang mag-asawang Diego
at Gabriel Silang ay tutol sa
pagmamalabis ng mga Espanyol sa labis
na pagbabayad ng buwis.
Tingnan ang larawan:

Ano ang makikita sa larawan?


Ano impluwensya ito?
Kanino galing ang paniniwalang ito?
Masasabing naging matagumpay
ang mga Espanyol sa kanilang layuning
masakop ang Pilipinas. Maraming
katutubo ang nagpabinyag sa
Kristiyanismo at maraming Pilipinong
tumalikod sa kanilang katutubong
paniniwala.
Halimbawa nito ay ang may 30 babaylan sa Bohol na
noon 1611 ay binasag ang kanilang mga anito at
dambana at pinalahok pa sa katekismo ang kanilang mga
anak. Nasakop nila ang malawak na mga lupain ng ating
mga ninuno. Nagpakumbaba ang mga Pilipino at
hinayaang pangasiwaan ng mga dayuhan ang kanilang
pamumuhay. Ngunit may mga Pilipinong nanatiling
pinaglaban ang dating pananampalataya.
Nasa susunod na slide ang iba
pang pag-aalsang isinagawa ng
mga katutubo bilang protesta
sa Kristiyanismo.
Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang mabuo
ang salita na ipinahahayag sa bawat pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. A M B T L T O __________________ Pagtutol ng
mga Boholano sa Kristiyanismo sa pamumuno ng
dating babaylan at isinagawa ito sa araw ng pista ni St.
Francis Xavier.
2. A R T P A ___________________
Pinangunahan niya ang pag-aalsa sa Iloilo
na naghahangad na magtayo ng bagong
sangay ng Kristiyanismo sa bayan ng Oton
kung saan may kilalanin siya bilang “Diyos
na Makapangyarihan.
3. O N A M R E H E L P U
_____________________ Nagalit ito dahil
tinanggihan siyang maging pari at kilalanin ang
itinatag niyang samahang Confradia de San Jose.
4. R T O G O I ____________________ Pagtutol
sa pagbibinyag sa Kristiyanismo alinsunod sa utos
ni Gobernador Heneral Francisco de Tello de
Guzman.
5. D G Y O A H O
____________________
Pinamunuan niya ang pag-aalsa sa
Bohol dahil sa pagtutol ng kura na
bigyan ng marangal na libing ang
kaniyang kapatid.
Sa palagay mo, may katuwiran
bang magtatag ng samahang
panrelihiyon si Hermano Pule at
bakit?
Sa kabila ng maraming Pilipino ang
tumalikod sa kanilang katutubong
paniniwala at nagpabinyag bilang mga
Kristiyanismo, maraming Pilipino pa rin ang
patuloy na nakipaglaban dahil sap ag pag-
usbong ng nasyonalismo.
Ang mga Igorot, si Bancao, Tamlot, Itneg
Miguel Lanab, Tapar,Dagohoy at Apolinario
dela Cruz ay nagpapatunay na maaari ring
ipaglaban ang paniniwalang relihiyon ng
ating bansa bilang pagyakap sa diwang
nasyonalismo.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga
nakatala ay naging dahilan ng pag-aaklas o
paglaban ng mga Pilipino laban sa mga
mananakop at ekis (X) kung hindi.
________1. Pagtutol sa pagbibinyag sa
Kristiyanismo
________2. Hindi nagkaroon ng pantay
na karapatan ang mga Pilipino sa ilalim
ng pamahalaang Espanyol.
________3. Pagmamalabis ng mga
encomendero at kolektor ng tributo.
________4. Pagnanais ng kalayaan sa
pananampalataya.

________5. Binigyan ng karapatan ang


mga Pilipino mamuno bilang
gobernadorcillo.
AP 5
D
Pag-usbong ng A
Nasyonalismo Y
4

QUARTER 3 WEEK 5
Balik-aral:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga nakatala
ay naging dahilan ng pag-aaklas o paglaban ng
mga Pilipino laban sa mga mananakop at ekis (X)
kung hindi.
________1. Pagtutol sa pagbibinyag sa
Kristiyanismo
________2. Hindi nagkaroon ng pantay
na karapatan ang mga Pilipino sa ilalim
ng pamahalaang Espanyol.
________3. Pagmamalabis ng mga
encomendero at kolektor ng tributo.
________4. Pagnanais ng kalayaan sa
pananampalataya.

________5. Binigyan ng karapatan ang


mga Pilipino mamuno bilang
gobernadorcillo.
Suriin ang larawan;

Anong masasabi mo sa larawan?


Sa anong paraan ipinakita ng mga katutubo ang kanilang
pagiging Makabayan?
Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang
naging pagtugon ng mga Pilipino sa pagtrato
sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa
ni Lapu-lapu noong 1521, ipinasiya ng ibang
Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi
maayos na pagtrato sa kanila ng mga
Espanyol.
Tinanggap ng mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga
Espanyol dahil sa maganda at maayos na pamamalakad ni
Legazpi, ngunit ang naging kapalit niyang si Gobernador-
heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo
dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni
Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga
Espanyol ang mga katutubo. Sa hirap at pang-aabuso na dinanas
ng mga katutubo, naging ugat ito ng pag-aalsa.
Lagyan ng (/) tsek ang patlang kung tama
ang pahayag ng pangungusap at lagyan ng
(X) kung hindi.
________1. Nag-alsa ang mga Pilipino dahil
pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng
mga Espanyol ang mga katutubo.
________2. Ang pag-aalsa ni Andres Malong ay
dulot ng pagtutol sa polo y servicio o sapilitang
paggawa sa Pangasinan.
________3. Naranasan ni Ladia ang pang-aabuso
ng mga Espanyol sa pagkumpiska ng kaniyang
mga ari-arian na nagtulak sa kaniya na mag-alsa
laban sa mga mananakop.
________4. Pagtutol sa pagpataw ng buwis
at sapilitang pagtatrabaho ang dahilan ng
pag-aalsa ng mga
Gaddang sa Maynila.
________5. Dahil sa pag-aalsa ni Dagohoy,
binigyan ng Kristiyanong libing ang
kaniyang kapatid.
Kung ikaw ang nasa
panahon ng mga katutubo,
ipaglalaban mor in ba ang
iyong Karapatan?
TANDAAN MO
Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga
katutubo. Sa hirap at pang-aabusong dinanas ng mga Pilipino,
nag-ugat ito ng pag-aalsa. Maraming Pilipino ang nag-alsa mula
sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ito ay pinamunuan ng mga
sumusunod sa iba’t ibang dahilan: Lakandula, Mga Datu ng
Tondo, Magalat, Ladia, Basi Revolt, Mga Gaddang, Almazan,
Francisco Maniago, Sumuroy, Andres Malong, Francisco
Dagohoy, Mag asawang Diego Silang at Gabriela Silang at
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit hindi naimpluwensiyahan na magpabinyag sa


Kristiyanismo ang ilang pangkat ng mga Pilipino?
A. Sila ay nanirahan sa mga lungsod at may mga armas.
B. Sila ay nakipaglaban at hindi maabot ang lugar.
C. Sila ay mga dating datu at sultan.
D. Sila ay mga kaibigan ng mga Espanyol.
2. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol
ang Mindanao?
A. Malawak ang lugar na ito.
B. Hindi interasado ang mga Espanyol.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo
rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa Espanyol.
3. Pinamunuan nila ang pag-aalsa laban sa
pagmamalabis ng mga pinunong Espanyol na sina
Felipe Catabay at Gabriel Tayag sa Cagayan
Valley.
A. Mga Gaddang
B. Mga Igorot
C. Mga Ifugao
D. Mga Ilokano
4. Sino ang tumutol sa kautusan ng mga
Espanyol na magpadala sa Cavite ng gagawa
ng galyon mula sa lalawigan ng Samar?
A. Juan Sumuroy
B. Hermano Pule
C. Francisco Maniago
D. Tamblot
5. Aling patakarang pangkabuhayan ang
tinutulan ni Juan Sumuroy?
A. bandala
B. kalakalang galyon
C. sistemang kasama
D. polo y servicios
AP 5
D
A
Catch-Up Friday Y
5

QUARTER 3 WEEK 5

You might also like