You are on page 1of 6

Panimula/Deskripsyon ng Aralin: Mga Akdang

Pampanitikan
ng
Mediterranean
PAMANTAYANG
PANGNILALAM
AN

PANITIKAN: Ang Tinig ng


Ligaw na Gansa
(Tulang
Liriko-Pastoral-Egypt)Isinalin
sa Filipino ni Wilma C.
Ambat
GRAMATIKA at RETORIKA:
Mga Hudyat sa
Pagpapahayag ng Emosyon
at Saloobin (Padamdam na
Pangungusap, Pahayag na
Tiyakang Nagpapadama ng
Damdamin at
Konstruksiyong Gramatikal
URI NG TEKSTO:
Naglalahad

Pamantayan sa Pagganap : Pagsulat ng


sariling tula

Unang
LINGGO

MARKAHAN

IKAPITONG

YUGTO NG PAGKATUTO:

(Ikalawang Araw) Tuklasin:


Batayang Kasanayan :
1. Naipakikita ang masigasig na
pakikilahok
sa mga gawaing pampagkatuto
2. Nabibigyang-puna ang bisa ng
paggamit
ng mga salitang nagpapahayag ng
damdamin
3.Naibabahagi ang sariling
interpretasyon
kung bakit ang mga damdaming
nakapaloob sa tula ay ipinararanas
sa
mambabasa
4. Nabibigyang-reaksyon ng
napakinggang
damdamin na nakapaloob sa isang
tula o
awit.

Kasananayang Pampagkatuto :
1. Paglinang ng Talasalitaan
2. Pagsasalita
3. Pakikinig
4. Pag-unawa sa Binasa
Pokus na Tanong:
Panitikan:
Bakit mahalagang unawain ang damdaming
nakapaloob sa tula ng Egypt?
Gramatika:
Paano mabisang maipahahayag ang damdamin
sa tula?
Petsa : ________________________
Pangkat : ______________________
I. Mga Kagamitan
a. powerpoint
b. tsart
c. Cartolina/manila paper
d. Chalk, pentel pen
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Ibigay ang nagagawa ng taong umiibig?

Petsa: ____________________
Pangkat: __________________

B. Paglalahad ng Aralin sa Panitikan


1. Paglinang ng Talasalitaan
Piliin sa talaan ng mga salita ang katulad na kahulugan ng salitang nasa loob ng
kahon
nakulong
kawala
pain
bilanggo
takas
nabihag

naloko

mailap

mahirap hulihin
preso

silo
pugante

alpas
bitag
bihag
C. Pagtalakay sa aralin ng panitikan
1. Pagbasa ng lunsarang aralin
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak
Akoy hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.
Lambat koy aking itatabi,
subalit kay inay anong masasabi?
Sa araw-araw akoy umuuwi,
Karga ang aking huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig moy nabihag.
2. Gabay na tanong:
Sagutin ang mga tanong
1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? Ilarawan ang kaniyang katangian at
damdamin batay sa nilalaman ng tula.
2. Ano ang pang-araw-araw na gawain ng nagsasalita sa tula?
3. Bakit kakaiba ang araw na ito sa kaniya?
4. Ano ang larawang nabuo mo sa iyong isipan pagkatapos basahin ang tula?
5. Ano ang masasalaming kultura ng mga taga-Egypt na makikita sa akda?
Paano ito maiuugnay sa kulturang Pilipino?

6. Sa iyong palagay, ano-ano ang positibo at negatibong nagagawa ng tao nang


dahil sa pag-ibig?
Magbigay ng tigdalawang halimbawa at ipaliwanag ang bawat isa.
7. Paano maiiwasan ang negatibong bunga ng pag-ibig? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

D. Pagsusuri sa pamamagitan ng pangkatang-gawain


Pagbasa ng kaugnay na aralin
Bayani ng Bukid
ni Alejandrino Q. Perez
Akoy magsasakang bayani ng bukid
Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.
Ang haring araw di pa sumisikat
Akoy pupunta na sa napakalawak
na aking bukiring laging nasa hagap
at tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong bansa
Ang lahat ng tao, mayaman at dukha
Silay umaasa sa pawis kot gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang akiy dumami ng para sa lahat
kapag ang balanay may pagkaing tiyak
Umaasa akong pusoy nagagalak.
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa aming paligid namamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, patoy alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Akoy gumagawa sa bawat panahon
Na sa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, akoy makatulong

At nang maiwasan ang pagkakagutom


Akoy magsasakang bayaning bukid
Sandatay araro matapang sa init
Hindi matatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
-mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Pangiban at Panganiban. 1998
Gawain 1: Paglinang ng kakayahang pampanitikan
Paghambingan

Gawain 2: Pagsusuri sa kayarian


Paano nagkakatulad at nagkaiba ayon sa kayarian ang dalawang tula?
Ang Tinig ng Ligaw na
Gansa

Kayarian

Bayani ng Bukid

Pagkakatulad
a. sukat
b. tugma
c. talinghaga
d. kariktan
Pagkakaiba
a. sukat
b. tugma
c. talinghaga
d. kariktan
Gawain 3: Pagsusuri sa kayarian
Paano ipinakikita ang komplikadong buhay at simpleng buhay sa dalawang tula?

EGYPT Tinig ng Ligaw na Gansa


Tulang Lirikong Pastoral

PILIPINAS Bayani ng Bukid


Tulang Lirikong Pastoral

Simpleng buhay

komplikadong buhay
Gawain 4: Bumuo ng isang lirikong pastoral ukol sa Isang Wagas na
Pag-ibig

3. Pag-uulat ng napag-usapan ng bawat pangkat


4. Pagbibigay puna ng bawat isa
D. Sintesis
Ibigay ang impresiyon o kakintalang naiwan sa iyo pagkatapos mong
mabasa ang tulang natalakay? Dugtungang pagpapahayag.

IV. Takdang-aralin:
1. Basahin ang akdang Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo
2. Mga gabay na tanong:
Bakit hindi tunay na pagkamit ng kalayaan ng bansa ayon sa may-akda?
Paano makakamit ang tunay na kalayaan ayon sa tula?

Magtala ng lima hanggang sampung taludtod o saknong ng tula na


nagpapahayag ng ibat
ibang damdamin. Gamitin ang kasunod na pormat sa pagtalakay ng
iyong sagot.

You might also like