You are on page 1of 5

Panimula/Deskripsyon ng Aralin: Mga Akdang

Pampanitikan
ng
Mediterranean
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

PANITIKAN: Buod ng
The
Hunchback
of
Notredame
by
Victor
Hugo
GRAMATIKA at
RETORIKA:
Mga Hudyat sa
Pagsusunod-sunod ng
Pangyayari
URI NG TEKSTO:
Nagsasalaysay

Unang
LINGGO

MARKAHAN

IKALIMANG

YUGTO NG PAGKATUTO:

(Ikalawang Araw) Linangin:


Batayang Kasanayan :
1. Nakikilala ang pagkakaugnayugnay ng mga salita ayon sa
antas o tindi ng kahulugang
ipinahayag nito.
2. Nailalarawan ang prinsipyo at
pananaw ng mga tauhan na
masasalamin sa kabanata.
3. Nasusuri ang binasang kabanata
ng nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw
humanismo.

Pamantayan sa Pagganap : Nakabubuo ng


isang awit na may kaugnayan sa mga pangyayari
sa nobela at ginagamitan ng mga panandang
pandiskurso.
Kasananayang Pampagkatuto :
1. Paglinang ng Talasalitaan
2. Pagsasalita
3. Pag-unawa sa Binasa
Pokus na Tanong:
Panitikan:
Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng
akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at
kaugalian ng isang bansa?
Gramatika:
Paano nakatutulong sa pagsasalaysay ang mga
panandang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa buod ng isang nobela?
Petsa : ____________________________________________________
Pangkat : __________________________________________________
I. Mga Kagamitan
a. powerpoint
b. tsart
c. Cartolina/manila paper
d. Chalk, pentel pen
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang gawain
Paghambingin ang mga katangian ng mga sumusunod na genre ng panitikan.
Maikling Kuwento

Nobela

Parabula

Nobela

B. Paglalahad ng Aralin sa Panitikan


1. Pagganyak: Panonood ng Kampanerang Kuba (bahagi lamang). Ibigay
ang inyong impresyon sa napanood partikular sa tauhan.

2. Paglinang ng Talasalitaan
KLINING: Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Gamitin
ang teknik pagkiklino.
a. Kagunggungan
Kahangalan
Kabaliwan
Kalokohan

b. Galit
Muhi
Poot
Ngitngit

c. Kinupkop

Inalagaan
Tinangkilik
Kinalinga
d. Hapis
Lungkot
Pighati
Lumbay
C. Pagtalakay sa Aralin ng Panitikan
1. Dugtungang pagbasa
Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
Ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

2. Gabay na tanong:
a. Ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo . Ano ang
suliranin na bumabagabag sa kaniya?
b. Bakit ninais ni Pierre Gringoire na makisali sa pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw?
D. Pagsusuri sa pamamagitan ng pangkatang-gawain
1. Gawain 1: Suring Tauhan
Sa pananaw humanismo, ipinakikita na ang tao ay ang sukatan ng lahat ng
bagay kayat binibigyang-halaga ang kanyang saloobin at damdamin. Matitiyak
lamang ito kung tataglayin niya ang kalayaan sa pagkilos, natatanging talas ng
isipan at kakayahan. Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at
paano ipinakikilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang kaniyang pinagmulan.
Gayahin ang pormat sa pagsagot.
Tauhan

Quasimodo
Claude Frollo
La Esmeralda
Phoebus

Paano magisip?

Ano ang
kaniyang
damdamin?

Paano ipinakita ang


mga namumukod na
katangian na mula sa
bansang kaniyang
pinagmulan?

Mga gabay na tanong:


1. Anong katangian ng mga tauhan ang nagpapakilala sa kultura o bansang
kanyang pinagmulan?
2. Paano nakatulong ang mga pangyayari at tauhan sa pagpapakilala ng kultura
o bansang pinagmulan?
Gawain 2: Isalaysay kung paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng
libingan ni La Esmeralda sa pamamagitan ng Dubsmash.

Gawain 3: Maglahad ng mga pangyayari o bahagi sa nobela na magpapakilala sa


kultura o pagkakakilanlan ng bansang pinagmulan ng akda. Itala sa tsart.
Bahagi o Pangyayari sa Akda

Kultura o Pagkakakilanlan ng Bansa

Gawain 4: Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya? Pag-ibig? Magbigay


ng mga patunay.

Ang Kuba ng Notre Dame

Pamilya

Pag-ibig

2. Pag-uulat ng napag-usapan ng bawat pangkat


3. Pagbibigay ng puna ng bawat isa

E. Sintesis
Isa-isahin ang mga naging bisa ng akdang binasa.

Bisang
Pangkaisipan

Bisang
Pandamdamin

Bisang
Pangkaasalan

III. Takdang-Aralin
1. Basahin ang akdang Dekada 70
2. Mga gabay na tanong.
a. Ilarawan ang kaugalian o kultura na masasalamin sa binasang buod.

You might also like