You are on page 1of 1

CACHAPERO LEARNING SCHOOL INC.

B7 L13 Mahogany St. Narra Homes, Carsadang Bago 2, City Of Imus, Cavite

ESP 7

Maikling Pagsusulit# 4 Ikalawang Markahan


Pangalan: __________________________________ Baitang/Pangkat: ___________________
Guro: _____________________________________ Petsa: ___________________________

Panuto: Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa
sasabihin o paghuhusga ng konsensiya sa situwasyong ito.

SITWASYON PAGHUHUSGA NG KONSENSYA

1-5.
Nawala mo ang perang binigay ng tatay mo na
pambayad sa proyekto ninyo. Natagalan bago ka
nabigyan dahil nahirapan siyang kitain ang perang
iyon dahil inuna ang pangangailangan ninyo sa
araw-araw. Mahigpit niyang bilin na ibayad mo ito
agad.
6-10.
Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang
mga kaklase na paggagayahan sa test. Hindi sila
nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-aral si
Amy para sa pagsusulit sa Matematika sa araw na
ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang ginagawa ng
kaniyang mga kaklase na manggaya

11-15.
Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa
kaniya. Kahit malayo ang bahay nila sa mataas na
paaralan pinayagan siya na tumira malapit sa
paaralan sa kanilang bayan. Tuwing Biyernes nang
hapon siya umuuwi sa kanilang lugar at bumabalik
sa inuupahang bahay tuwing Linggo nang hapon.
Isang araw, niyaya si Penny ng kaniyang mga
kaklase na mag-inuman sila. Hindi naman daw siya
magagalitan dahil hindi naman malalaman ng
kaniyang magulang.

16-20.
Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong
bahay, nakita mo ang matalik na kaibigan ng iyong
ama na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang
lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng
inyong barangay.

Lagda ng Magulang

You might also like