You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Surallah South District
B. MAGAN ELEMENTARY SCHOOL
Landamay, Naci, Surallah

2nd Quarter Summative Test


ESP 6

Pangalan: _________________________________ Baitang: ______ Pangkat:_________


Guro: ___________________________ Paaralan: _________________________________
I:Panuto: Isulat ang T kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagtupad sa pangako at M kung hindi
sa patlang.
_____ 1. Inaalam ng mabuti ni Ruben ang mga website na bubuksan.
______2. Hindi agad naniniwala sa mga balitang nababasa sa Facebook si Jessy.
______3. Binubuksan ni Josen ang mga malalaswang site na hindi dapat sa mag-aaral na kagaya
mo.
______4. Si Patty ay nangakong magiging responsible sa paggamit ng social media lalong lalo na sa
mga nilalaman nitong babasahin
______5. Halos hindi na natutulog si Danny kapag nabuksan ang Facebook.
______6. Inayos mo ang sirang laruan ng iyong kapatid na pinangako mo sa kaniya na aayusin.
______7. Kahit pagod ka galing sa pag-aaral ay tinulungan mo parin ang kaibigan mo sa
paghahanap ng kaniyang aso dahil sa binitiwan mong pangako sa kaniya.
______8. Himbing kang natulog sa araw ng lingo kahit nangako ka na magsisimba kayo ng mga
kaibigan mo.
_______9.Maaga kang gumising upang matapos agad ang gawaing bahay dahil nangako kang
tutulong ka sa paglilinis ng inyong paaralan.
_______10. Hindi ka bumibitaw ng pangako na hindi mo kayang tuparin.

_______11.Inipon mo ang mga lumang laruan para ipamahagi sa mga batang lansangan sa darating
na kapaskuhan.
_______12.Si Rodelyn ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan kasama ang mga bata sa bahay
ampunan.
_______13.Nangako si Marvin na magbabagong-buhay matapos malaman ang War on Drug ng
pamahalaan.
_______14.Ikaw ay sumama sa mga gawaing pampook sa inyong lugar gaya ng pagtuturo sa mga
bata, pamimigay ng mga relief goods at iba pa.
_______15.Namigay kayong magkakaibigan ng mga lumang damit na mapakinabangan pa sa mga
nasunugan.
_______16.Sa halip na maglaro, tumutulong si Mario sa mga gawaing bahay.
_______17.Para tumaas ang magiging ani ng kaniyang kababayan, ibinahagi ni Manolo ang
kaniyang kaalaman sa pagtatanim ng palay sa mga magsasaka sa kanilang bayan.
_______18.Maaga kang gumigising para asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga nakababata
mong kapatid.
_______19.Nag-aaral ka nang mabuti upang makakuha ng magandang kurso pagdating mo sa
kolehiyo.
_______20. Ibinabahagi mo sa mga batang lansangan ang mga natitira mong baong pagkain sa
paaralan.

II: Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagtupad sa
napagkasunduan at kung hindi.

_______1. Maagang naligo si Allan dahil napagkasunduan nila ng kaniyang nanay na madaling araw
pa sila mamamalengke.
_______2. Hindi pumunta si Jessa sa napagkasunduan nilang lugar ng kanyang matalik na
kaibigan.
_______3. Sasali sa isang paligsahan ang grupo nina Alex dahil ito ang kanilang napagkasunduan.
_______4. Matiyagang naghintay si Aling Marta sa mall kung saan magkikita sila ng kanyang
kumareng si Aling Susing na siyang kanilang napagkasunduan.
_______5. Hindi natupad ang pinag-usapan ng barkada ni Joey na maliligo sila sa ilog noong
nakaraang Sabado dahil may ibang pinagkaabalahan ang mga ito.
_______6. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa paaralan para sa pagsasanay ng
sayaw na itatanghal sa Lunes. Lahat ay tumupad sa napag-usapan upang mapaganda
ang kalalabasan ng nasabing aktibidades.
_______7. Nagkasundo kayong magkakaibigan na pupunta sa plaza upang panoorin ang mga
palabas na gaganapin. Maaga kang naghanda upang makarating sa lugar na
napagkasunduan.
_______8. Napag-usapan nina Rico, Cris at Jhecor na magsasanay ng larong chess para sa Palarong
Pambansa sa araw ng Sabado ngunit hindi nakapunta ang dalawa sa mga ito dahil may
piyestang dinaluhan.
_______9. Nakiusap at nakipagkasundo si Cindy sa kanyang guro na ihahabol ang mga gawaing
hindi niya naibigay dahil sa karamdaman. Binigyan siya ng pagkakataon na ipasa ang
mga gawain sa susunod na linggo at agad niya itong natapos.
_______10.Nag-usap sina Jessiel at Joenel na aayusin at lilinisin nila ang silid-aralan, ngunit
nagulat ang buong klase nang makita na marumi pa rin ito.
_______11.Walang pasok sa araw ng Lunes dahil Pambansang Araw ng mga Bayani. Maghapon
kang naglalaro ng computer games.
_______12.Ikaw ay nakiisa sa isang programa ng inyong barangay para sa mga matatanda na
nakatira sa Home for the Aged.
_______13.Marami sa mga kaibigan mo ang naging biktima ng sunog na nangyari noong isang
linggo na naminsala sa marami nilang ari-arian. Ikaw bilang pangulo ng inyong club ay
naglunsad ng proyekto upang matulungan sila.
_______14.Nakikita mo na marami sa mga kabataan sa inyong lugar ay nalululong sa masasamang
bisyo. Ikaw ay mahusay na mananayaw, naisipan mong ibahagi ang iyong talento upang
malihis ang kanilang landas sa bisyo.
_______15.Wala kang imik kung pinag-uusapan ninyong magkakaibigan kung paano makatulong
sa kapwa.

III: Panuto: Pagdugtungin ng guhit ang katangian ng mga tauhan sa kuwento sa hanay A sa hanay
B.

HANAY A HANAY B
1. Usa a. napakabagal
2. Daga b. maganda at malagintong kayumanggi ang kulay
3. Uwak c. kawawa
4. Pagong d. Malaki ang mata at mahaba ang buntot
5. Mangangaso e. maganda ang boses
f. maitim
II:Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) kung ang pangungusap ay nagsasabi ng pagkamapanagutan at ekis
(x) kung hindi ang mga sumusunod na sitwasyon.
______ 1. Si Sheila ay nangako na tutulong sa kanyang kaibigan ngunit kinalimutan niya ito.
______ 2. Si Luis ay humiram ng pera sa kanyang kaibigan at nangakong babayaran kinabukasan
ngunit ipinagsawalang-bahala niya ito.
______ 3. Dinamayan ni Carlo ang kanyang kaibigan na namatayan ng ama sa oras ng
pagdadalamhati ng pamilya nito.
______ 4. Maayos ang pakikipag-usap ni Sonia sa kanyang kaibigan na si Brenda ngunit kanya
itong sinisiraan pag hindi siya pinapakopya ng takdang-aralin.
______ 5. Isang umaga, may nasagap kang balita na nadisgrasya ang kapatid ng iyong kaibigan,
agad-agad mo siyang pinuntahan at dinamayan.
______ 6. Si Kristina ay tumakbo bilang pangulo ng Supreme Pupil Government at nagkataong ang
kanyang matalik na kaibigan na si Celia ang kanyang katunggali. Nanalo si Celia at agad
itong kinamayan ni Kristina.
______ 7. May usapan kayo ng mga kaibigan mo na manood ng firework display sa plasa.
Nakatakda kayong magkita-kita ng ika-5 ng hapon ngunit hindi sila sumipot sa takdang
oras na napag-usapan nyo.
______ 8.Hiniram ng matalik mo na kaibigan na si Lanie ang aklat mo sa Matematika. Ipinangako
niyang isasauli pagkaraan ng dalawang oras. Tinupad niya ang kanyang pangako na
isasauli ang iyong aklat sa takdang oras.
______ 9. Nagkasakit ang kaibigan mo at hindi makapasok ng paaralan. Tinuruan mo siyang
sagutin ang inyong takdang-aralin.
_____ 10. Magsusuot kayo ng Filipiniana sa inyong palatuntunan sa Buwan ng Wika. Walang
maisusuot ang iyong kaibigan at nagkataong may dalawa kang kasuotan kaya’t pinahiram
mo sa kanya ang isa.

You might also like