You are on page 1of 2

Department Of Education

Schools Division Office I Pangasinan


Bayambang Central School
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
1ST SUMMATIVE TEST
2ND QUARTER
I. Panuto: Isulat ang T kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagtupad sa pangako at M kung hindi sa
patlang.

_______1. Dahil sa sobrang abala ko sa aking trabaho hindi na ako pumunta sa kaarawan ng kaibigan
ko na pinangakuan ko na ako’y dadalo.
_______2. Nangako si Rita sa kanyang kaibigan na si Mila na magkikita sila sa harap ng plasa sa ganap
na ika-4 ng hapon para manood ng palabas. Tinupad ni Rita ang kanyang pangako sa kaibigan.
_______3. Nangako ka na sasamahan mo ang kaibigan mo sa kanyang pagbakasyon sa inyong lugar.
Nakabalik na lamang siya ng Maynila na hindi mo nakikita dahil tinatamad kang mamasyal.
_______4. Sinabi mo sa inyong guro ang totoong pangyayari dahil nangako ka na hinding- hindi ka
na magsisinungaling.
_______5. Tinupad ni Jose ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na maging isang doktor.
_______6. Inayos mo ang sirang laruan ng iyong kapatid na pinangako mo sa kaniya na aayusin.
_______7. Kahit pagod ka galing sa pag-aaral ay tinulungan mo parin ang kaibigan mo sa
paghahanap ng kaniyang aso dahil sa binitiwan mong pangako sa kaniya.
_______8. Himbing kang natulog sa araw ng lingo kahit nangako ka na magsisimba kayo ng mga
kaibigan mo.
_______9. Maaga kang gumising upang matapos agad ang gawaing bahay dahil nangako kang tutulong ka
sa paglilinis ng inyong paaralan.
_______10. Hindi ka bumibitaw ng pangako na hindi mo kayang tuparin.
II. Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagtupad sa napagkasunduan at
kung hindi.
_______1. Maagang naligo si Allan dahil napagkasunduan nila ng kaniyang nanay na madaling araw pa
sila mamamalengke.
_______2. Hindi pumunta si Jessa sa napagkasunduan nilang lugar ng kanyang matalik na kaibigan.
_______3. Sasali sa isang paligsahan ang grupo nina Alex dahil ito ang kanilang napagkasunduan.
_______4. Matiyagang naghintay si Aling Marta sa mall kung saan magkikita sila ng kanyang kumareng
si Aling Susing na siyang kanilang napagkasunduan.
_______5. Hindi natupad ang pinag-usapan ng barkada ni Joey na maliligo sila sa ilog noong nakaraang
Sabado dahil may ibang pinagkaabalahan ang mga ito.
_______6. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa paaralan para sa pagsasanay ng
sayaw na itatanghal sa Lunes. Lahat ay tumupad sa napag-usapan upang mapaganda ang kalalabasan
ng nasabing aktibidades.
_______7. Nagkasundo kayong magkakaibigan na pupunta sa plaza upang panoorin ang mga palabas na
gaganapin. Maaga kang naghanda upang makarating sa lugar na napagkasunduan.
_______8. Napag-usapan nina Rico, Cris at Jhecor na magsasanay ng larong chess para sa Palarong
Pambansa sa araw ng Sabado ngunit hindi nakapunta ang dalawa sa mga ito dahil may piyestang dinaluhan.
_______9. Nakiusap at nakipagkasundo si Cindy sa kanyang guro na ihahabol ang mga gawaing hindi
niya naibigay dahil sa karamdaman. Binigyan siya ng pagkakataon na ipasa ang mga gawain sa susunod
na linggo at agad niya itong natapos.
_______10. Nag-usap sina Jessiel at Joenel na aayusin at lilinisin nila ang silid-aralan, ngunit nagulat
ang buong klase nang makita na marumi pa rin ito.

Prepared by: Noted:

LYSSETE C. CLAVERIA GLENDA C. PERALTA,PhD


Teacher I Principal II

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
2nd Quarter Summative Test 1

ANSWER KEY:

I. II.

You might also like